~~~~~**
Days passed, hindi na namin nakakasama si Carl. Almost 2 weeks na siguro.
Palagi nalang siyang kasama ni Nicole. Kapag nakikita namin siya sa school, kasama niya yung mga ka-tropa ni Nicole na lalaki tapos nagbabasketbol sila. Kung minsan nakikita niya kami tapos tumatango nalang. Minsan naman hindi niya kami nakikita kasi busy siya sa pakikipagkwentuhan.
Hindi nadin siya sumasabay sa service. Sa bahay naman, sa kwarto agad ang diretso niya tapos sa dinner time halos wala nanag imikan kasi nga kumakain kami.
Pagkatapos nun, kanya-kanya na at walang ni isang gustong kumausap sa kanya. Wala na din siyang time makipag bonding sa amin.
Siguro mas masaya siya kasama nang mga kaibigan ni Nicole o kaya naman nalason na ni Nicole yung utak niya. Hala! batukan ko na kaya? baka matauhan.
Hindi kaya nainlove na siya nang tuluyan kay Nicole? Hindi pwedeng mangyari yun. Kawawa naman ang puso nang Yomi namin. Aish!
Ibang-iba ang routine nang buong barkada ngayon. Magkklase, kakain, tatambay sa bench, magkklase, uuwi, gagawa nang assignments, magdidinner, pupunta sa kwarto. *sigh* Hindi naman pwedeng ganito nalang kami.
“Nakakapagod na yung ganitong set up” basag ni Iris sa katahimikan. “Hindi naman pwedeng parusahan natin ang sarili natin nang ganito”
“Ano nang gagawin natin?” Younha asked. “Edi tumayo dito at sugurin ang mga froglets nayun” sagot ni Iris na may halong biro. Napangiti nalang ako. Buti nalang nandito ang mga to. Kahit papano, nagiging ice breaker sila.
“Sira ka talaga! Mind reader ka no?” Ryota added. “Ofcourse my dear friend. Parehas tayo nang mithiin. Halika na at samahan ako sa paghihimagsik” pagsangayon pa ni Iris.
“Psh! Mga baliw” sabi nalang ni Kevin. Napatingin naman kami sa kanya. Wow lang, nag comment siya. “Tinitingin-tingin niyo diyan? Sugod na” nagkatawanan nalang tuloy kami sa sinabi niya. Grabe! Hinahangin na nga ata ang utak namin.
“Maglaro na nga lang tayo” yaya ni Ryota.
“ Maganda yan. Anong laro?” pagsang-ayon ko nalang. Kailangang malibang.
“hmm ano bang maganda?” Loko din to! Kala ko naman may naisip na. At sa hinaba-haba nang pag-iisip, sa batuhang bola lang pala kami babagsak as suggested by Yomi.
“Teka, san tayo kukuha ng bola?” Oo nga naman, may point si Younha. Paano kami maglalaro kung walang bola? Panibagong round nang pag-iisip? Awwts.
“Diba hindi naman gaanong malaki ang kailangan diyan?” asked Shin. Tumango naman kami.
“meron ata ako dun teka lang ah”
Habang wala pa si Shin naupo muna kami.
“Hi ate Naomi. Hello po kuya Kevin, Kuya Rence, Ate Younha, Kuya Ryota at Ate Iris..” may mga bata este 1st year ata tong mga lumapit sa amin in their p.e uniforms. Nakakatuwa sila, talagang binati nila kaming lahat by name.
“Hello” sagot din naming in chorus.
“Kamusta na kayo?” bati naman ni Yomi at pinaupo sa tabi niya ang mga to.
“Ayos na ayos kami. Si Kuya Carl po pala?” napansin din pala nila yun. Napatingin naman sa amin si Yomi at bahagyang ngumiti nang humarap sa kanila. “May pinuntahan siya eh. Anyway, don’t be too formal. Alisin niyo na yung “opo”. Gusto niyo na bang tumanda si ate?” natatawang sabi niya.
“Syempre hindi naman para maging bagay kayo ni kuya Carl” woah.Pati sila gusto ang Carl at Yomi tandem ah.
“Kayo talaga! Hindi kami pwede ni Kuya Carl niyo, may girlfriend na yun eh. Pero I’ll still be your ate okay?” halata naman sa mga to ang pagkagulat at pagkadisappoint.
BINABASA MO ANG
MuMeSmile ( Music Makes Me Smile ) [Completed: Revised]
Teen FictionThis story is about a girl who really loves music. She had a beautiful voice and know how to play guitar. Behind her smile is the loneliness that almost breaks her heart . The worst kind of pain is when you smile just to keep the tears from falling...