"Narinig niyo yun?" tanong ko kina Iris at Younha. Tumango naman sila. Hinanap naman namin ang pinanggalingan nang ingay.
"Sige na Miss, pakipot pa. Saglit lang naman tayo kahit inuman lang" boses nang lalaki ang nagsalitang iyon.
"Lalapitan pa ba natin?" tanong ni Iris. "Maybe, we should take a look, baka nasa panganib siya" wow! Tapang talaga ni Younha.
"Wala ako sa mood makipag-away at makipagtalo sa inyo. Umalis na nga kayo" papalapit na kami nang papalapit sa boses.
"Miss.. ahhhh!! Aray!" daing nung lalaki. Ikinagulat naman namin ang nakita naming na nandito. "Si Nicole?" pabulong na sabi ni Iris. Tumango nalang kami.
Kasalukuyan niyang pinipilit ang kamay noong lalaki. Hinawakan naman siya noong isang lalaki sa balikat at agad niyang kinuha ang kamay nito. Lima ang mga lalaking nandito at hindi ko alam kung bakit parang hindi naman siya natatakot sa mga ito.
"Malakas to pare, mukang magiging exciting to ah" sabi nung isang lalaki habang lumalapit pa sila kay Nicole.
"Hindi ka madaan sa santong dasalan, daanin natin sa santong paspasan.." sinugod na nila si Nicole. Akmang tatayo na ako pero pinigilan ako ni Younha.
"Wag kang padalos-dalos Yomi" bulong nila. "Pero..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang magsimula nang lumaban si Nicole. Magaling siya. Natatamaan nga lang siya minsan at nasasadlak sa lupa pero magaling siyang lumaban. Lima laban sa isa? Unfair pero nakakahanga na kaya niyang labanan ang mga yun.
"See? Kaya na niya yan. Tara na" yaya ni Younha. Paalis na sana kami nang makarinig kami nang sigaw.
"Yaaaah!!.. Let go of me.. aaarggghh!!.. it hurts" Napalingon kami sa kinaroroonan ni Nicole. Hawak na siya nang mga lalaking yun. Paano nangyari yun? Kanina nakatumba na silang lahat ah.
"Arrghh!!.." nagpupumilit parin siyang makawala. "Hindi naman kami basta-basta bata" sabi nung isang lalaki at sinikmuraan si Nicole. Peste! Babae pa din siya. Nagpatuloy padin sila sa pagbugbog. "Ano? Lalaban pa o sasama na?"
"Stop it Cowards!" nasabi ko nalang bigla at lumabas sa kinaroroonan namin. "Shet! Yomi!" gulat na sabi ni Younha at hinawakan ako sa balikat. "Aish!"
"ooooohh~ pare chicks na naman oh, jackpot tayo nito" Psh. Chicks. Chipakin ko mga mukha nito eh. Tss. Parang ang galing kong lumaban, engot mo Yomi!
"Lima laban sa isa? Unfair naman ata yan mga pre" sabi ko nalang.
"Yo-yomi.."-mahinang sabi ni Nicole habang namimilipit sa sakit. "Ahh, kaibigan mo pala sila?" tanong nung isang lalaki kay Nicole.
"Don't say bad words Mister! Hindi namin siya kaibigan" sabat ni Iris. "At ano pala? Gusto niyo lang sumama samin?" kapal ha? "Woah, jackpot talaga tayo pre"
"Asa! Hindi lang namin matiis ang mga pinaggagagawa niyo at hindi ako makakapayag na kayo ang tumapos sa isang yan. Ako lang ang may karapatang lapatan yan nang kamay. Kaya ibigay niyo na siya samin." sagot ni Younha. Isa parin tong baliw. kala ko ililigtas na niya talaga si Nicole, siya naman pala ang bubugbog.
"Tama na nga ang satsat! Talunin niyo muna kami bago niyo siya makuha" mukhang naghahamon sila. Bigla namang kumilos ang iba nilang kasamahan at dumampot nang mga panghampas. Duwag talaga!
Nagsimula na kaming lumaban. "Magaling ka ha" puna nang kalaban ko. "Syempre, trained by Cyrus ata to" sagot ko naman. Hindi naman ako papatalo sa kanila. Gusto ko pang mabuhay. Special training ko na ata to.
"Yomi.." pagtawag ni Younha sabay tulak sa akin. Hahampasin pala ako dapat nang table nitong lalaking ewan. Ang dumi nilang lumaban. "Aish!"
"Yah! Stand up. Ang dudumi na ngang lumaban, weak pa" isa din palang mayabang tong si Younha. Osige, mayabang kaming lahat. May ipagmamalaki naman diba? HAHAHA. Anyway, nakahandusay na sila at mga gasgas at pasa naman ang natamo namin. Grabe! Nakakapagod. Pero hindi ko alam kung saan nanggaling ang isang lalaking hinampas ako nang kung ano na nakapagpaluhod sakin.
BINABASA MO ANG
MuMeSmile ( Music Makes Me Smile ) [Completed: Revised]
Novela JuvenilThis story is about a girl who really loves music. She had a beautiful voice and know how to play guitar. Behind her smile is the loneliness that almost breaks her heart . The worst kind of pain is when you smile just to keep the tears from falling...