“Sigurado ka Carl na papasok ka na? Ayaw mo bang magpahinga muna?” usisa ni Younha nang magkita-kita kami. “Okay na ako. Baka lalo lang akong lagnatin kapag masyado niyo kong binaby diyan” natatawang sagot niya.
“Oh, mauna na pala kayo sa room. Dadaan lang ako sa may locker room” paalam ni Yomi. Tumango naman kami. Pero syempre hindi namin hinahayaan si bunso na mag isa lang. Sinundan naman kasi ito ni Carl.
NAOMI’S POV
“Pupunta lang din ako sa locker ko. Wag mo kong iiwan ha” bilin ni Carl. Tumango nalang ako at kinuha na ang mga kukunin. Maya-maya naman dumating na din siya.
“Okay ka na?” he asked and I nodded. Bigla naman niyang kinuha ang mga dala ko at naglakad na pauna. Anong nangyari dun?
“Hoy, tara na” natauhan naman ako kaya sumunod na lang. Nagiging weird siya ha. Masungit na mabait ang peg? Tss.
“What’s this?” Nagtatakang tanong niya habang nakatingin sa kamay niya. Nakupo naman. “Sorry Sorry. A-ano, akin na muna yan, maghugas ka muna nang kamay dun” sabi ko nalang at kinuha ang mga libro. Nag-spill pala yung ink nung pentel. Tsk. Stupid me, may ink tuloy ang ilang pages ng book. *sigh*
“Oh, wag mong idikit sa uniform mo. Punasan mo muna ng papel, hintayin mo ko diyan ha?” Bilin niya. Tumango nalang ako tapos tumakbo na siya papuntang wash room.
“Hey, Tsunami girl” Ano ba naman to? Tsk. Teka, bakit nga pala may pentel dun sa locker ko? Hindi ko naman matandaan na may inilagay ako dun.
“Aba’t! Tsunami Kim Park.” Possible kayang may naglagay sa locker ko nun? Ay ewan! Tsk.
“Hoy Tsunami!” aray ko naman. Makahaltak to. “Oh bakit?” tanong ko sa lumapit na sina Diane at Natasha.
“Aish! Kanina pa kami tawag ng tawag. Nananadya ka ba?” tumatawag pala sila? “Hindi ko narinig”
“Whatever. Anong gayuma ang ipinainom mo kay Nicole para maging ganun siya ha? And don’t you dare na gamitin samin yun” anong pinagsasasabi ng mga to?
“May problema ba kay Nicole?”
“OO. Madami. And I bet, you’re the one who made her like that” pero, mukha namang normal na si Nicole nung huli naming makita ah.
“Anong problema ba?”
“Tch! Painosente ka pa. Pinigilan lang naman niya kami sa plano namin at sinabihin na wag na wag ka nang guguluhin. Binantaan din niya kami na hindi na kami magkakaibigan kapag may nilabag kami sa sinabi niya. So, explain. Hindi kami papayag nang ganun nalang” ahhh. Get it. Hindi nga pala normal sa kanila kapag nagbago na ang isang tao.
“Hindi niyo man lang ba narealize na mas maganda ang Nicole ngayon kesa dati?” tanong ko at patuloy na tinuyo ang ink na nasa libro.
“Tch! It’s not her?! At bitawan mo nga muna yan! Kinakausap ka naming ng maayos.” Sabi niya sabay tabig ng librong dala ko. Nagkalat ito sa sahig. Napatingin naman sakin ang mga taong nandito. Nasa labas na kasi ako ng locker room. Napabuntong hininga nalang ako sa pinaggagagawa nila at pinulot ito.
“Aish!” sabi niya ulit at sinipa ang kamay ko. Aigoo~ Ano bang gusto nilang mangyari? Tumayo nalang ako at tiningnan sila ng masama. “a-at anong t-tinitingin mo dyan? H-ha?” mataray pero nagaalinlangan pa ding sabi nito.
“Hindi ko lang maintindihan ang takbo ng utak niyo. Bakit parang magkaiba ang mundong iniikutan natin? Bakit ba ayaw niyong maging mabuti ang isang tao?”
“WHAT?” napailing nalang ako sa mga reaksyon nila. “hey you b*tch….you’re getting on my nerves..”
“Yah I know. Lagi naman. But anyway, I can’t do anything about that. Wala na nga atang mababago sa pananaw niyo pero kasi, hindi naman ako ang nagpabago kay Nicole at lalong hindi ko siya pinilit na maging matino ang takbo ng pag-iisip. It’s her choice”
BINABASA MO ANG
MuMeSmile ( Music Makes Me Smile ) [Completed: Revised]
Ficção AdolescenteThis story is about a girl who really loves music. She had a beautiful voice and know how to play guitar. Behind her smile is the loneliness that almost breaks her heart . The worst kind of pain is when you smile just to keep the tears from falling...