A-ang.. ang lamig. Ang sakit. Ang lagkit.
“YOMI!” dinig kong sigaw ni Carl at namalayan ko nalang siyang nasa tabi ko na. “Cr*p! Ayos ka lang?”
Napatingin nalang ako sa paligid habang tinatanggal ni Carl ang mga nakadikit sa mukha, buhok at uniform ko. Sa dami ng mga estudyanteng nakapaligid ngayon, hindi ko alam kung saang direksyon nanggaling ang bumato nito.
"Kawawa yung girll..sinong may gawa nun?"
"Oo nga..bakit ganun?"
“Who did this? YAH!” hinawakan ko nalang ang braso ni Carl para pigilan. “Aish! What?”
“Tama na. Magpaphotocopy ka na, babalik nalang ako dun. Ang kati sa katawan” sabi ko nalang habang pinapagpagan ang sarili ko.
“Sigurado kang babalik ka mag-isa? Pero yung gumawa nito...”
“Hayaan mo na muna. Kapag naguidance pa tayo, baka maging gulo pa, wala namang aamin diyan” sabi ko nalang. Inis naman niyang ginulo ang buhok niya. “Fine. Just text me when you get there, okay?” tumango naman ako at naglakad na. Dinig ko naman ang bulungan ng mga tao dito.
Ay palaka ka! Gosh! Ano to? Mukha na akong pancake na may kamatis na nakasubsob sa lupa. Kanina mga itlog, tubig at kung ano tapos harina naman ngayon? Seriously? What the heck is happening? Mukang planado eh.
Tumayo ako at tiningnan kung sino ang may gawa pero wala ni isa. Nakatingin lang sila sa akin. Pinagpagan ko damit ko. Mas mukha pala akong espasol dito. Great!
“Do you like it?” paalis na sana ako ng biglang may nagsalita galing sa harapan. “No. Hindi ko gusto ang pancake na may kamatis. Medyo kulang din sa tubig.” sarkastikong sagot ko. Sila Natasha at Diane pala ang may gawa nito.
“As you wish” O-OH. Ang engot ko talaga. Napapikit nalang ako, Narinig ko ang pagbagsak ng tubig. Ang lamig. Galing bas a ref ang ipinangbuhos na to? Grabe. Nagulat nalang ako ng biglang may yumakap sa akin.
“Carl?” si Carl, bumalik siya.
"Waaaaah!.kawawa sila"
"Prince ko”
"Sana ako nalang yung girl.."
“A-ayos ka lang?”
“O-oo.”
“sabi ko sayo magpa-photocopy ka na eh. Bakit bumalik ka agad?” tanong ko habang nakatungo na parang hindi ko na inintindi ang dalawang asungot. “Pwede ba namang pabayaan kita dito? Tsk”
“Tss. Tingnan mo ang kagagahan mo Tsunami. Pati si Carl nadamay.” Inis na sabi ni Diane. Kagagahan ko pa ba to?
“Pasensiya na pero may atraso pa sa amin ang tsunami na yan” alam kong nagagalit na si Carl dahil pati ang paghawak niya sa braso ko, nakahigpit na din. Hinubad lang niya ang polo niya at ibinalot sa akin.
Bakit umabot sa ganito ang mga nangyayari? *sigh*
“Natasha! Diane!” biglang dating nina Kuya Shin kasama ang ilang estudyante na hinihingal. “YAH! How dare you?” pagsungod nina Younha at Iris at itinulak sina Diane.
*Acchoooo* “Iris. Younha. Tama na” pagsuway ko. Hindi naman dapat hahantong sa ganito to. Hindi na dapat lumala to.
“Aish! Akala ko pa naman tapos na” naiinis na sabi ni Rence at tumakbo papalapit sa akin. Hindi naman na nakapagsalita sina Diane at nakaikom lang ang mga kamao na nakatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
MuMeSmile ( Music Makes Me Smile ) [Completed: Revised]
Teen FictionThis story is about a girl who really loves music. She had a beautiful voice and know how to play guitar. Behind her smile is the loneliness that almost breaks her heart . The worst kind of pain is when you smile just to keep the tears from falling...