*kinabukasan
IRIS POV
Nakakaantok na maghapon. Nakakaasar lang. Nang dahil sa mga kasiyahan at awkwardness na nangyari kagabi, hindi ako masyadong nakatulog. Natapos na ang buong maghapon na to na wala akong naintindihan kahit isa.
“Hindi ka pa ba sasabay?” tanong ni Shin bago sumakay sa Van. Umiling naman ako. “May driver ako na susundo tsaka may babalikan pa ako sa room” paliwanag ko. Tumango naman sila at nagpaalam na. Bumalik nalang ako sa room at kinuha ang notebook na naiwan tapos at bumalik na sa parking lot.
*Beep* Nagtext pala si Cy.
*Dug Dug* Aish! Ano na naman ba tong heartbeat na to? Tsk. Kagabi pa to ha. Nakakaasar na.
[San ka? May favor sana akong hihingin] nireplayan ko nalang ito.
*beep*
[May ipinadala akong box sa inyo] Box?
♫♪ Cyrus Calling~~~~
“Hello?” sinagot ko nalang ito. “Anong box yun? Anong favor?”
[Ah, ano wala kasi akong maisasama mamaya sa party. Yayayain sana kita]
“A-ano? P-party? Teka teka.. baka mapahinga ka lang kapag ako ang isinama mo… Iba nalang” ano namang maicocontribute ko sa kanya e ni hindi nga ako friendly.
[Pipiliin ba naman kita kung alam kong ipapahiya mo ako? Payag ka na diba? Suotin mo yung nasa box na dress. Ako na bahala sa iba. Mapapahiya ako kung hindi ka sisipot. Susundunduin kita mamaya. Aasahan kita. See you later]
“Te-teka…aba’t! ni end call?” hala naman. Tsk. Cyrus Kim!~~ Aish! Favor pa ba yun? Eh ni hindi nga niya ako binigyan ng choice.
May nakita nga naman akong box pagdating ko sa bahay. “Ma’am, may bisita po kayo. Ipinadala ni Sir. Cyrus” nilingon ko nalang ang sinabi niyang bisita.
“Good Afternoon Ma’am. Kami daw po magaayos sa inyo” Siya nga talaga ang bahala. Umakyat na ako at nagwash ng sarili.
NAOMI’S POV
Ano ba naman ang party nato. Biglaan. Buti nalang at nandito si Manager. Pero hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ko pang magsama ng kadate. Business party naman ito ah.
“Carl, halika na..” pagtawag ni Manager dito at inayos ang neck tie.
“Bakit ako ang kasama? Hindi pwedeng sina Shin?” pagtataka nito.
“Magpapraktis sila. Ilan lang naman ang tutugtugan mo ng piano sa concert at kakanta ka lang sa iba kaya mas maunti ang gagawin mo”
“Saglit lang naman to e. Pwede namang madelay ng isang araw.
“Sinabi mo na rin na saglit lang kaya ikaw na ang sumama. Saglit lang naman kaya wag ka nang magreklamo”
“Pwede ko namang sabihan si Ryota kung ayaw mo talaga” sabi ko nalang. Napatingin lang siya sakin
“No. Ako na” mabilis na sagot niya. Napatawa naman ang mga tao dito.
“Si Ryota lang pala katapat mo e” pang-aasar ni Rence. “Tahimik!”
CYRUS POV
“Ma..”
BINABASA MO ANG
MuMeSmile ( Music Makes Me Smile ) [Completed: Revised]
Novela JuvenilThis story is about a girl who really loves music. She had a beautiful voice and know how to play guitar. Behind her smile is the loneliness that almost breaks her heart . The worst kind of pain is when you smile just to keep the tears from falling...