[Chapter 42] ♫ *Phone Call*

1.3K 35 3
                                    

[PAALALA: Ang mga bagay, lugar o kung ano pa man dito ay pawing kathang isip lamang ng makulit na utak ng inyong masugid na manunulat]

~~~~~~~~~~~

 YOMI’S POV

Weekend ngayon kaya wala kaming pasok. Tanghali na din akong nagising at wala akong nadatnan dito sa baba kundi si Manager.

“Nasan po sila?” tanong ko at pumwesto na sa mesa.

“Magsskate  board lang daw sila sa may plaza” I see. Ang daya hindi ako ginising. “Sinundo sila nina Cy at Ryota kanina dito e. Kumain ka na”

“Good Tanghaaaaaaaali” muntik na akong mabulunan sa biglaang pagsulpot nina Iris at Younha dito. Tinawanan naman nila ako. “So, I heard wala ang boys kaya magiging all girls bonding lang to” masayang sabi ni Youn.

“Oy penge ah” sabi ni Iris at umupo dito. “Ang sarap niyo talagang magluto Manager” puri ni Iris.

“Si Cy ang nagluto niyan” Woah, naglelevel up na talaga si Cy. Bigla namang inubo si Iris. “Ahh tubig?” abot ko sa kanya ng isang basong tubig. Nahirinan ata sa sinabi ni Manager. Napangiti nalang kami dito. Haha. Nagiging weird talaga sila ni Cy nitong mga nakaraang araw.

Pagkatapos kumain, nagligo na ako at naghanda para sa sinasabi nilang gala. Pinayagan kami ni Manager. Sayang nga lang at may aasikasuhin siya kaya hindi makakasama sa amin.

“Pffft”

“Sige lang. tuloy niyo na” seryosong sabi ni Kevin at tumingin sa malayo. Hindi naman na namin napigilan at napatawa kaming apat dito nina Manager. Palabas na sana kami ng bahay ng makasalubong sila na basa at puro putik ang damit.. Ang dumi dumi nila, mukhang nahulog sa kung saan.

“A-ano bang… Hahahaha nang.. haha nangyari sa inyo?”

“Etong si Rence e. Pahamak kahit kailan” reklamo ni Kevin.

 “Manager oh. Palagi nalang ako ang sinisisi” pagsusumbong ni Rence habang lumalapit sa amin. “Woah woah, off limits” sabi namin habang lumalayo. Balak pa ata kaming yakapin.

“So anon gang nangyari?” tanong ni Iris habang nagpipigil ng ngiti.

“Nagskate kami pauwi dito” maikling sagot ni Kevin

“ta......pos?”

“Hindi ko naman napansin na may mga batang nagbato ng ice tubig tapos saktong pagdaan ko. Tinamaan ako sa mukha kaya nadistract ako, eto naman si Kevin nabunggo ako kaya nahulog kami sa kanal” natahimik kami saglit at inabsorb ang mga sinabi nila bago tuluyang mapatawa ulit. Sinamaan lang naman nila kami ng tingin.

“Aish! Ang baho ko. Diyan na nga kayo” sabi ni Kevin at pumasok na. Sumunod naman si Rence. Hinintay na namin silang makaligo bago kami umalis. Naiwan daw nila sina Kuya Shin sa plaza, may kukunin lang sila sa bahay kaya sila lang dalawa ang umuwi. Naghiwalay na kami ng mga landas ng makalabas ng subdivision.

San naman kami dumiretso ng dalawang babaeng to? Sa lugar na sila lang dalawa ang may alam. Pero maganda dito. Dito daw sila nanggaling nung ginabi sila ng uwi. Yun yung araw na naburo kami ni Carl sa bahay. Tss. Ang daya no? Nagsaya sila ng magkakasama tapos kami ni Carl, nagtalo lang ng nagtalo. Pero kahit papano nagenjoy naman ako sa mga pakana niyang laro.

Ang daming mga tinda dito na mga pagkain at kung ano-ano pa. Wala naman kaming ginawa kundi kumain at magwindow shopping. May ilang rides din kami ditong sinakyan. Kung tutuusin, hindi ito nalalayo sa enchanted Kingdom. Haha. Napadaan din kami sa isang banda na nagpeperform kaya nanuod kami saglit. Ang daming babaeng nagtitilian. Sabagay, gwapo naman sila at magaling tumugtog. Maganda din ang vocalist nila na pamilyar sa akin ang mukha.

MuMeSmile ( Music Makes Me Smile ) [Completed: Revised]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon