[Chapter 45] ♫ *Transferees*

1.3K 33 0
                                    

3rd PERSON’S POV

Tahimik lang na naupo sina Carl at Shin habang nakangiti naman silang tinitingnan nina Maureen at Michelle.

“Sa pagkakaalam ko kilala niyo na silang dalawa hindi ba?” tanong ng Dean sa dalawang binata. Tumango naman sila. “Dahil ang grupo niyo lang ang kilala nila dito, kayo nalang muna ang aatasan kong gumabay sa pagsisimula nila sa paarang ito”

Bakas sa mukha nina Shin ang pagkagulat sa sinabi ng Dean. “Dito na sila papasok?” gulat na tanong ni Shin. “Oo. At dahil masyado na silang late na nagtransfer na pinahintulutan naman ng nasa taas, kailangan nilang humabol sa lessons though hindi naman ito nalalayo sa lessons ng school na pinaggalingan nila, kailangan padin nila ng gabay para mas mapadali ang pagaadjust nila dito. Alam kong maasahan ko kayo pagdating dito”

Hindi naman sila nakaimik at napabuntong hininga nalang. “I-tour niyo na din sila sa campus para naman maging pamilyar ang bagong kaklase niyo” dagdag pa ng Dean. “Nagkakaintindihan ba tayo?”

“Yes Ma’am”

“Good then. Pagkalabas niyo pala dito, dumiresto muna kayo sa office nina Mr. and Mrs. Hwa. Kakausapin daw nila kayo” tumango naman sila Shin at nagpaalam na kasama sina Maureen at Michelle. Nagkatinginan lang naman sina Carl at Shin matapos mapalingon kina Maureen at Michelle.

“Ah san ba ang wash room dito?” tanong ni Michelle. Itinuro naman ito ng dalawa.

“Maiwan muna namin kayo, pupunta lang kami sa office. Siguro naman alam niyo na ang papunta doon” sabi ni Shin at umalis na.

“Ma anong... aahh, Good Morning po. Pasensiya na” agad na pagbibigay galang nina Shin sa mga magulang ni Maureen na naroroon.  

“Good Morning din mga hijo”

“Maupo na kayo” sinunod naman nila ito. “Hintayin lang natin yung iba” sabi ng Mommy ni Shin.

“Iba?”

“Oo ipinatawag ko din sila.” Napalingon naman sila sa mga pumasok na nagulat din sa presensiya nila dito. “Tamang tama ang dating niyo, maupo kayo” bahagya namang nagbow ang mga ito at naupo na.

“Kilala niyo na naman sila hindi ba?” tanong ng Mommy ni Shin sa barkada. Tumango naman sila. “Dito na papasok sina Maureen at Michelle. Sina Carl at Shin naman ang naatasan na maggguide sa kanila habang nagaadjust pa, at aasahan ko din na tutulungan niyo silang maging komportable dito. Maasahan ko ba kayo?” tango lang din ang muling isinagot ng mga ito.

“Kung maaari din sana mga bata..” inilipat naman ng grupo ang kanilang atensyon sa Mommy ni Maureen na nagsalita.

“…kung maaari lang sana, kayo ang maging kasama ni Maureen dito sa school. Kung tutuusin ayoko na sanang palipatin ang isang yan dahil masyado nang madaming adjustment na gagawin. Kaya lang, ngayon lang siya humiling ng ganito sa amin” patuloy lang na nakinig ang magkakaibigan sa sinasabi nito.

“May… sakit ang anak ko.” Dagdag nito na ikinagulat ng magkakaibigan. “May sakit siya pero hindi naman ito nakakahawa. Sinasabi din ng doctor na wala nang lunas ang sakit niya kaya… kaya hindi namin alam kung hanggang kelan pa namin siya makakasama. Simula nang malaman namin ang tungkol dito, nagbago ang lahat sa kanya. Naging matamlay at halos hindi na nakikipagkaibigan. But she’s a big fan of MuMeSmile, kayo lang ang palaging bukang bibig niya kapag nagkukwento siya sa akin, yun lang ang hindi nagbago sa kanya. Sobrang saya ko ng makita siyang masaya kahapon. Hindi ko din inaasahan na gugustuhin niyang lumipat dito pero isa lang ang nasisigurado ko, magiging masaya siya kung makakasama niya kayong lahat. Yun lang naman sana ang gusto ko, malibang siya at maenjoy ang mga araw niya pang gugugulin dito. Tsaka sana, wag niyong ipaalam na sinabi namin sa inyo ang kalagayan niya. Ayaw niya ng kinakaawaan kaya naman sana, wag niyo din ipahalata dito sa kanya. Hindi ko alam kung malaking bagay ba to para sa inyo pero para sa amin, napakalaking tulong na nito. ”  

MuMeSmile ( Music Makes Me Smile ) [Completed: Revised]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon