~~~~~~~~~
“Anong ginagawa mo dito mag-isa?” sabi ni Rence paglapit sa akin. Naandito kasi ako sa labas ng bahay, may hawak na tasa ng kape, nakaupo sa isang batong malaki na nagsisilbing upuan, nakatulala sa langit at dinadama ang ganda ng umaga. Pero ang lamig na ha. Grabe.
“Ineenjoy ang time para sa sarili ko” seryosong sagot. Umupo naman siya sa tabi ko na may hawak ding kape.
“Ienjoy mo naman kasama ako” sabi niya . Tahimik lang kaming naupo, walang ginagawa kundi tumunganga. Yan ang tunay na bonding diba? Aigoo~
“Oh. Anong ginagawa niyo diyan?” nandito na pala sina Cy at Iris.
“Yo~” bati namin ni Rence at nagpatuloy na sa bonding namin.
3RD PERSON’S POV
“A-anong nangyayari sa dalawang yun?” tanong ni Iris sa mga nadatnan sa loob.
“Ewan ko ba. Kanina pa silang ganyan” natatawang sagot ni Shin habang kinukuhanan ang mga ito ng litrato. “Pabayaan nalang natin, mukhang nageenjoy naman sila ng walang ginagawa” nagkatawanan nalang sila. Maya-maya naman ay dumating nadin sina Ryota, Younha, Maureen at Michelle na naweirduhan din sa dalawang patuloy pading nakatunganga.
“Michelle, magsimula na tayo” yaya ni Iris tapos ay nagpunta na sila sa study room. Nagsimula na din namang mag-aral si Maureen at tinatanong nalang ang mga taong malapit sa kanya tungkol sa mga lesson na hindi niya maintindihan.
Lumabas naman ang kagigising lang na si Carl na may dalang mga biscuits at dumiretso sa pwesto nina Rence at Yomi. Nagtataka niyang tiningnan ang direksyon na tinitingnan nina Yomi. “A..nong meron dun?” tanong niya habang nakatingala sa langit. Nagulat nalang siya ng kuhanin ni Rence ang pagkain niya at napailing nalang.
“Baka.. gusto mo pa?” tanong niya at ipinakita ang natitira pang hawak na pagkain. Kinuha lang naman ito ni Rence at tumango. Wala namang imik na pumasok si Carl sa loob. “Kapag ganito naman kawiweirdong tao ang sasalubong sa umaga mo nakakapangilabot. O baka nananaginip lang ako?” sabi niya sa sarili at kumuha nalang ulit ng almusal.
Nagpatuloy lang sina Rence at Yomi sa bonding. Nagduktungan ng lyrics ng mga kanta, naghanap ng shape sa ulap at kung ano-ano pa. Ganito lang ang ginawa nila hanggang sa umalis na papunta sa basketball court.
~~~~~~~~~
Naglaro lang muna ang mga binata at pinanuod sila nina Yomi. Matapos ito ay tinuruan naman nila ang mga babae. Kahit si Michelle ay nagenjoy din sa ginagawa nila. “Not bad Mau” puri ni Shin. “Ngayon ka lang ba naglaro nito?”
“Bata pa ako nung huli akong magbasketball, si daddy ang nagtuturo sakin. Ngayon ko nalang ulit to nagawa” sagot nito. “I see. Kaya pala nakukuha mo ang tamang postura. Ipagpatuloy mo lang” tumango naman si Mau bilang sagot dito.
“Yomi salo!” sigaw ni Rence na nakahanda na para ipasa ang bola pero sa kasamaang palad… “Are you okay?” tanong ni Ryota. “Nakupo, sorry naman. Malay kong wala ka pa pala sa sarili” sabi ni Rence at hinaplos ang noo ni Yomi na natamaan ng bola.
“Aigoo~ nakatulig ako dun ah. Ang lakas naman” natatawang sabi niya. “Okay na. Game, humanda ka Rence” panghahamon ni Yomi at naglaro na sila. Naupo na naman ang iba at pinanuod ang mga babaeng nakikipaglaro kina Rence, Kevin at Ryota.
“Nageenjoy siya” puna ni Cyrus. “Ha? Sino?” tanong naman ni Shin.
“Si Michelle”
“Si Michelle? Siya ba talaga ang napapansin mo o si Iris?” tanong naman ni Carl. “Psh. Lahat ka na eh” Nasabi nalang ni Cy at sinapok ito sa balikat. “I feel sorry for her. I shouldn’t but I do. Masyado ata siyang umasa sa amin” dagdag ni Cyrus. Napatingin naman ang mga kasama kay Michelle.
BINABASA MO ANG
MuMeSmile ( Music Makes Me Smile ) [Completed: Revised]
Teen FictionThis story is about a girl who really loves music. She had a beautiful voice and know how to play guitar. Behind her smile is the loneliness that almost breaks her heart . The worst kind of pain is when you smile just to keep the tears from falling...