Nakakainis ang kagwapuhan ng alien na to... Okay na sana yung simpleng date namin sa Resto eh, kaso yung lintek na nag-uumapaw nyang pheromones at sexiness. Yan tuloy, andaming nakikiepal.
>>flashback...
Nasa tapat kami ng isang mukhang mamahaling restaurant.
"Pasensya na kung gagawin kong simple ang date natin ah. Mas natuon kase yung isip at oras ko dun sa performance kanina kaya hindi ko napagplanuhan ng maige yung date." -Drake.
Tiningnan ko sya.
Hmmm..
He's unpredictable. Hindi ko mabasa ang tinatakbo ng isipan nya. Hindi ko tuloy masabi kung talaga ngang wala syang plinanong kalokohan. Baka masurprise ako nito mamaya."Ano naman kayang dahilan ng pagkakasalubong ng kilay mo?" -Drake.
Tumingin ulit ako sa harapan.
"Wala naman."
Pagpasok namin ay inalalayan kami nung waiter sa may vacant table at inalalayan naman ako ni Drake para makaupo. Pinalibot ko yung mata ko sa loob ng resto. Simple lang sya pero halos puno ang mga lamesa ng costumers.
"Can I take your order maam?" -waiter.
Tiningnan ko yung menu.
"Western style ang mga cuisines nila dito kaya masasarap talaga." -nakangiting sabi ni Drake.
"Mukha nga. Kita sa dami ng costumers eh." -me.
Pinasadahan ko yung menu.
. . .
. . .
. . .
. . .
. . .
Bakit ganito ang mga pangalan ng menu nila?! Wala akong maintindihan. Ni hindi ko nga alam kung paano ba basahin yung iba eh."Oi. Ikaw na mamili para sakin. Puputok ang ulo ko sa pagiisip kung pano man lang i-pronounce ang mga yan." -inabot ko na sa kanya yung menu.
"Haha. Ngayon ko lang nakita ang troubled face mo. You look adorable." -Drake.
Abat--- ang sadista ng taong to ah.
Sinamaan ko sya ng tingin. Nakangiti lang ang mokong.
Letseng kagwapuhan nyang yan. Lalo pang nadadagdagan kapag nakangiti sya.
Tiningnan nya yung menu.
"Hmm.. Mahilig ka ba sa pasta?" -tanong nya saken.
"Yep." -me.
"Okay. Cappellini Caprese for her and Foie gras poêlê with Perigueux sauce naman ang sakin. Saka dalawang servings ng Patê de Guimauve please." -Drake.
Ano namang mga pagkain yun?
Inulit nung waiter yung inorder nya at umalis na.
Nakataas na kilay ko dahil hindi ko talaga maunawaan yung mga inorder nya.
"Stop making that face please." -Drake. Nakangiting reklamo nya.
"Bakit naman? Eh sa hindi ko maintindihan yung mga pinag-oorder mo--" -me.
"It's because your different reactions are so cute." -Drake.
*Mental block*
. . . . . .

BINABASA MO ANG
My Alien-like Boyfriend
Teen FictionNaniniwala ba kayo sa 'love at first sight'? Yung tipong nagkabangga kayo, and then nagalit ka, tapos pagtingala mo ei boom!! Nasapul ka ng pana ni Mr. kupido. Ganito yung mga usual na pangyayari pag ganito ang usapan diba. Well, ako to be honest, h...