~~~~~~~* days passed
NAOMI’S POV
Nakakaantok. English ang subject namin ngayon. Paborito kong subject to pero inaantok talaga ako. Kung bakit ba kasi hindi ako agad inantok kagabi. Nagyakag si Rence mag movie marathon pero di pa nakakakalahati yung palabas nakakatulog na siya. Psh.
“hmm let me see.. Michelle? Will you please answer question number two?” pagtawag ni Ma’am. Tumayo naman si Michelle.
“I’m sorry Ma’am but I don’t have any idea about that.. it’s just that. A-ah, I don’t know this lesson. I didn't study about that topic”
“Why? You had your tutor right?”
“Yah but she didn’t taught me this, right Iris?” A..anong..?
“Wait, I did”
“but still you didn’t make sure if I learned something or not” anong problema sa mga ngisi ni Michelle?
“But you did say that…” hindi na pinatapos ni Ma’am ang pagtatalo nila. “Girls, enough. Okay okay, you may sit now Michelle. Just see me later and I’ll teach you that”
“Aish! Ano bang pinagsasasabi niya?” inis na sabi ni Iris, mahina pero sapat para madinig namin. Nagising ako dun ah.
Ano bang nangyayari kay Michelle? Akala ko okay na.
~~~~~~~~~~
Katatapos lang naming kumain. Antok na antok na talaga ako. Ipinatong ko nalang ang ulo ko sa balikat ni Rence. Siya kasi ang katabi ko dito. Busy ang iba sa pagkuha ng mga pictures. Mamaya nalang kami magpapatuloy ni Ryota. Nagbabasketball pa din naman sila nina Kuya Shin.
“CARL, HALIKA DALI ! KUNIN MO YUNG CAMERA..BILIS BILIS..ANG CUTE NUNG BUTTERFLY..” dinig kong sigaw ni Maureen. Napaka hyper niya talaga. Natalo pa kami ni Rence. Haha. Napangiti nalang ako. Sana matagal pa naming marinig ang boses niya, sana matagal pa namin siyang makasama.
“HOY A-ARay! Langya ka Kevin!” dinig ko namang sigaw ni Ryota. *sigh* Pambihira naman. Kapag nakamulat ako inaantok ako bigla, pagpikit ko naman nawawala ang antok ko at mga boses nila ang naririnig ko. Tsk. Sa sobrang lakas ng boses ni Ryota, nadinig ko pa dito. Grabe.
“Yomi..!”
“ay Anak nang Ryota” nasabi ko sa pagkagulat. Bigla kasing may humawak sa akin kasabay ng pagtawag ng pangalan ko. Aigoo~ aatakihin ata ako sa puso ng wala sa oras.
“Psh. Wag na nga” sabi ni Carl at tumayo na mula sa pagkakaluhod sa may harapan ko. “Problema nun?” tanong k okay Rence. Nagkibit-balikat lang naman siya kasabay nang isang ngisi. Baliw talaga. Tumunghay nalang ako at nag-inat. Mamaya nalang ako babawi ng tulog. Tumayo ako at lumapit kay Carl na nakaupo sa may harap ng mga halaman.
“Oy Carl.. bakit ka ba lumapit kanina?” tanong ko. Bigla nalang kasing nagbago ang mood. “Wala”
“Wala daw. Psh. Nilapitan mo ko kahit nakapikit tapos wala lang? Ano nga?”
“Wala nga. Dun ka na sa Ryota mo. Nakapikit tapos si Ryota ang iniisip? Tch!” Ano daw? A..ano bang..? Aish!
“What?” reklamo niya at napahawak sa noo. Pinitik ko lang naman ang mokong na to sa noo. Kung ano-ano ang pinagsasasabi. “Sino bang may sabi na si Ryota ang iniisip ko? At isa pa, ano pang problema mo kay Ryota?” tanong ko pero hindi niya na ako pinansin at kumuha na ng kumuha ng mga litrato, pati na ang mga langgam sa lupa.
BINABASA MO ANG
MuMeSmile ( Music Makes Me Smile ) [Completed: Revised]
Teen FictionThis story is about a girl who really loves music. She had a beautiful voice and know how to play guitar. Behind her smile is the loneliness that almost breaks her heart . The worst kind of pain is when you smile just to keep the tears from falling...