MICHELLE’S POV
Alam ko ang ginagawa ko pero bakit parang nasaktan din ako. Hindi ang sakit ng mga suntok niya ang tinutukoy ko… parang may kung ano sa akin na nagsasabing hindi ko dapat ginawa yun.
Nakakainis, naiinis ako sa sarili ko. “Michelle…” isa pa tong isang to. Hindi ba siya nagalit sa akin dahil sa ginawa ko kay Iris? Tinulungan niya pa akong tumayo at pinunasan ang basang pisngi ko. Inalis ko nalang ang kamay niya at humakbay na palayo.
Malayo-layo na rin ang narrating ko at hindi ko na maaninag ang daan ng dahil sa mga luhang to.
Bakit ba gustong-gusto ko si Cyrus? Nangyari lahat ng yun kanina ng dahil sakin. Bakit ba ganito ako? Aish! Alam kong walang katotohanan ang lahat ng sinabi ko kay Iris kanina. Sinabi ko lang yun para masaktan siya. Ang unfair naman e. Ang saya-saya nila tapos ako ang nagiisang nasasaktan dito kapag nakikita silang masaya.
*sob sob*
Napatakip nalang ako ng kamay sa mukha. Bakit hindi ko mapigilan ang mga luhang to? Bakit hindi ko mapigilan yung nararamdaman ko? Alam ko naman na imposible ang lahat. Alam ko naman kung ilang tao ang mawawala sa akin kapag ginawa ko ang bagay na yun pero ginawa ko pa din.
“Mich..” napatunghay ako sa babaeng tumawag. Si Yomi… naandito sila ni Ryota sa tabi ko.
“Ayos ka lang ba?” may sira bas a ulo ang mga to? Ako ang nanguna, nasaktan at pinaiyak ko pa ang kaibigan nila pero bakit naandito sila at parang gusto pa akong damayan?
“Pabayaan niyo na ako dito” sabi ko nalang at tumayo.
“Pwede ba naman yun?” napatigil ako sa pagtatangkang umalis ng sabihin niya to. Bakit ba ganito nalang siya kabait?
“Kukuha lang ako ng yelo” paalam ni Ryota. “No. You don’t have to” sabi ko pero umalis pa din siya. Nilingon ko si Yomi na nakahawak sa braso ko at binigyan ako ng isang ngiti. Mas lalo pang dumami ang mga luhang pumapatak mula sa mga mata ko. Hindi ko maintindihan. Parang nanlambot ang tuhod ko at napaluhod nalang ako dito sa lupa. Bakit sa simpleng titig niya napasuko niya agad ako?
“S-sorry. Sorry Yomi.” I’m not supposed to say this right? Alam ko ang ginawa ko at sinadya ko yun. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko?
“Hindi mo naman dapat sa akin sinasabi yan” sabi niya at tinulungan akong tumayo.
“Yah Michelle. Why do you love Cyrus that much?” tanong niya sa mahinahong boses at inalalayan akong umupo sa bench.
“I don’t know. I don’t even know” Hindi ko talaga alam. Pero simula pagkabata ko, siya lang ang inspirasyon ko. Nag-aral akong mabuti para hindi ako mapahiya sa harapan niya sa panahong magkita kami. Hindi ko pinabayaan ang sarili ko para magustuhan niya. Ang dami dami ko pang ginawang paghahanda para sa araw na magiging fiancé ko na siya pero lahat ng yun nabaliwala ng dumating si Iris at ipinakilala niyang girlfriend. Ang sakit diba? Ilang taon akong naghintay. Nakatambay sa facebook niya, sinusulyapan siya sa party, ilang beses na din akong nagtangka na lumapit kapag may party na kasama siya pero hindi ko magawa. Tapos ngayong may pagkakataon na kong makausap siya, tsaka naman magkakaroon ng ganitong problema.
“Alam mo, hanga ako sa paglaban na ginagawa mo. Napakaswerte ng lalaking mamahalin mo dahil ganyan ka kapag nagmamahal. Well, hindi yung pang-aaway ang sinasabi ko kundi yung gagawin mo ang lahat para lang hindi siya maagaw ng iba. Pero Cy isn’t the right guy for you. Cy can’t give you what you’ve always wanted ‘cause he just can’t love you back. Masakit pero yun kasi ang totoo. He doesn’t deserve you.”
*sob sob*
“Mali ang ginawa mong pang-aaway at mali din naman ang ginawa ni Iris na pananakit. You both did wrong. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon. Hindi ko alam kung ano ang lahat ng pangyayari pero… wag mo naman sanang hayaan na dahil lang kay Cyrus, masira ang buhay mo”
BINABASA MO ANG
MuMeSmile ( Music Makes Me Smile ) [Completed: Revised]
Ficțiune adolescențiThis story is about a girl who really loves music. She had a beautiful voice and know how to play guitar. Behind her smile is the loneliness that almost breaks her heart . The worst kind of pain is when you smile just to keep the tears from falling...