[Chapter 54] ♫ *Kahit anong iwas sa gulo, ang gulo naman ang lumalapit*

1.2K 29 0
                                    

~~~~~~~** kinabukasan

"Gusto niyo bang magpahangin muna?" tanong ni Younha. Nagpasya naman kami na maglakad-lakad nalang dito sa campus. Kakatapos lang namin mag lunch.

"Saan kaya sila nagpunta no?" tanong naman ni Younha. Wala kasi sa room sina Kuya Shin and the rest. Kanina si Carl lang ang wala dun eh, tapos umalis sina Kuya, hahanapin daw si Carl. Hindi namin alam kung saang lupalop napadpad.

"Naomi! Mga ate!" napalingon kami sa tumawag. Mga lower years na tumatakbo papalapit at hinihingal. "Ka..barkada niyo po ang MuMeSmile hindi ba?" tumango naman kami. "Nakita namin sila sa may plaza. Mukhang may kaaway" Plaza?

"Saang plaza?" hindi naman nila ito sinagot at hinila nalang kami. Mabilis kaming tumakbo hanggang sa marating ang sinasabi nila. Nandun nga sila, maraming kaharap na lalaki. Agad kaming lumapit sa kanila at nakita ko sila na pare-parehas may mga bangas. Pero si Carl... bakit ganun ang itsura niya? Parang hirap na hirap na siyang tumayo.

"A..ano bang..?"

"Bakit? Kayo lang ba ang may karapatan sa babaeng yun? Si Naomi, sa inyo ba siya?" A-ako? Anong..?

"Walang kahit sinong may karapatan sa kanya. Hindi namin siya inaangkin, pinoprotektahan lang namin siya mula sa mga katulad niyo" depensa ni Kevin. Hindi ko alam kung dapat pa ba akong matuwa dahil ginagawa nila to para sakin o ano.

Sumugod na naman sila sa isa't isa. "At wala ding sino man ay may karapatang gumawa ng ganito sa kaibigan namin! Mga duwag ba kayo para pagkaisahan si Carl ha?! Lumaban kayo ng patas!"

"Sa panahon ngayon, wala nang patas. Kapag gusto mo, kunin mo sa kahit anong paraan"

"Tss! Mga duwag!"

"Tama na" pag-awat ko. "Tama na guys" pero wala padin pumapansin. Pati si Younha at Iris sinalag na din ang ilang suntok ng kampo nina Dave na dapat ay kay Carl niya ibibigay.

"I SAID STOP!" sigaw ko. Napatigil naman silang lahat at napalingon sa kinaroroonan ko.

"Gusto niyo pa ng English at malakas na sigaw para tumigil? Aish! Hindi ba kayo napapagod? Kasi ako napapagod na eh! Wala na bang katahimikan ang buhay na to?" hindi ko na napigilan ang mga luhang tumutulo sa mga mata ko. Araw-araw nalang may gulong kakaharapin. Nakakapagod na. Pati sila na hindi naman dapat napapahamak, nasasaktan pa ng dahil sakin.

"Hindi ko alam kung anong intensyon niyo. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero pwede ba?! Itigil niyo na"

"Naomi.."

"Hindi ako laruan na pwedeng pagpustahan kung kanino dapat mapunta. Hindi ako isang bagay na pwedeng hiramin. Hindi ako pag-aari ng kung sino. At hindi ako pumapayag na may manakit sa mga kaibigan ko"

*sob*

"Naomi Kim.." hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero pinagsisipa ko ang kung sino mang kasama nina Dave na malapit sakin hanggang sa makalapit ako kay Carl.

Ang taong to... lahat na ginawa niya para sakin. Ang taong masungit na to, lahat naman ng hinangad niya para sa kabutihan ko pero ng dahil sakin, ganito ang nangyari sa kanya.

"Gusto niyo ng laban? Sige ibibigay ko. Pero ako ang makakalaban niyo" singhal ko. Nakakainis na! Hindi na matapos-tapos ang mga gulo na to.

"Nagpapatawa ka ba?" matamlay na tanong ni Dave.

"Nakakatawa ba ang sinabi ko? HA?!"

"Naomi.. hindi mo naman..."

"Isa ka pa Jeron! Akala ko matino ka! Pero bakit kasama ka nilang gumawa nito? Ipinagtatanggol pa naman kita sa kanila. Pero bakit ganito ang ginawa mo? Pinatunayan mo lang na mali ang pagkakakilala namin sayo" tama nga sila. Dapat talaga nung una palang , lumayo na ako para hindi na umabot sa ganito. "Nakakainis lang. Bakit kapag nagtitiwala, palaging may sumisira" nakakapanlumo. Napaluhod nalang ako ng wala sa oras kasabay ng mga luhang to. Nakakapagod pala.

"Tama na Yomi. A-ayos lang ako"

"Sa lagay na yan.. ayos ka pa sa tingin mo Carl David Cho?" Tch! At nakukuha pa niyang ngumiti sa mga natamo niya.

"N-naomi.." nakita ko ang mga paa niya sa harapan ko. Lumalapit siya pero may humarang sa kanya. "Wag mo siyang hahawakan o ni lalapitan" boses ni Ryota.

Nakakalungkot lang.

"Halika na" Yaya ng mga kasama nina Jeron sa nakatulalang si Dave at Jeron. Nagsi-alisan na sila pero hindi ko padin magawang tumayo.

"Sorry Carl.. sorry"

*sob*

"No. Thank you. You did save me" nakangiti niyang sabi.

"Yomi.. halika na" yaya ni Younha at tinulungan akong tumayo. Tahimik lang ang mga lalaki at lumapit kay Carl. Naiinis ako. Naiinis ako sa sarili ko. Bakit ko ba hinayaang mangyari ang lahat ng to?

*Blagsss*

"MAUREEN!" naging estatwa ako sa kinaroroonan ko ng makita si Maureen na bumagsak sa lupa at putlang-putla.

No, not again.

"Mau.." napatakbo sila dito at agad na binuhat. Para silang hangin na nawala sa tabi ko at binuhat sina Carl at Maureen para isakay sa ambulansiya.

Naiwan ako ditong nakatayo... nakatulala.

"Yomi.." may isang bisig na yumakap sa akin. *sob sob* "hindi pwede. Hindi pwedeng mabawasan ulit tayo Cy" *sob sob* Hindi ko na ata kakayanin yun.

"Sssh, hindi na yun mangyayari. She's strong and so as Carl. They'll need you there, we should follow them"

"Cy.. *sob sob* Cyrus.. ang sakit-sakit eh. Bakit parang ang malas-malas ko? *sob*"

"No. No. Don't say that. You're very lucky to have those people by your side to protect and love you. You're one of the luckiest girl, don't you know that? Pagsubok lang to. Pagsubok lang"

Niyakap ko nalang siya pabalik at ibininuhos ang sakit at lungkot.

~~~

CYRUS' POV

Nakatulog na siya sa balikat ko habang umiiyak. She's still that little girl I used to call 'Omi'. Binuhat ko nalang siya sa sasakyan at idineretso sa bahay. Mas okay siguro kung magpapahinga nalang muna siya. *sigh* Eto na naman ang sunud-sunod na hamon.

"'Nak, nandito sina Kevin" sabi ni Mommy sabay pasok nina Kevin, Ryota at Rence. Ngumiti lang sila ng tipid at lumapit kay Yomi na kasalukuyang nakahiga.

"Ang tapang ng batang to kanina ah" nakangiting sabi ni Ryota at hinaplos ang ulo ni Yomi.

"Kinabahan nga ako dun. Akala ko pati sa atin magagalit" sabi naman ni Rence na parang pagod na pagod na naupo.

"Kamusta na sina Maureen at Carl?" usisa ko.

"Nagamot na si Carl pero baka mamaya pa umuwi. Pinagpahinga muna dun. Binabantayan pa naman nina Shin, Younha at Iris si Maureen. Uuwi nalang daw sila kapag nakarating na ang parents ni Mau. Pinauwi nila kami para kay Yomi" I see.

"Ano daw ang lagay ni Mau?"

"Hindi pa alam. Mukhang sobrang napagod at nastress. Kailangan pa daw ng pagsusuri para malaman ang kondisyon ng lagay ng sakit niya" mukhang nagkakaroon na nga ng epekto ang sakit niya sa kanya. Tsk. Delikado to.

*moment of silence*

"♫♪ A flower in the spring, fallen leave in the fall..." napatingin nalang ako sa biglang kumanta na si Rence. Sinundan naman ito ni Ryota at Kevin. Tss. Nahahawa nadin sila sa amin ni Yomi.

Matapos naman ang kantahan at ang ilang kwentuhan, umuwi narin sila sa bahay nila ng magising ang matamlay na si Yomi.

Sana lang maging okay na. Okay na naman dapat. Pero kahit anong iwas namin sa gulo, ang gulo naman ang lumalapit. *sigh*

Lilipas din to.

MuMeSmile ( Music Makes Me Smile ) [Completed: Revised]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon