[Chapter 55] ♫ *Sleepy Heads*

1.2K 26 0
                                    

YOMI'S POV

Ilang linggo na ang lumipas. Nakapag-gig na kami. Gumaling na ang mga pasa at galos ni Carl. Nakakasama nadin namin si Maureen pero syempre, nag-iingat at mas inaalagaan na namin. Buti nalang at walang nangyaring masama. Hindi ko na rin naman nakita si Dave dito sa campus, si Jeron naman.. hanggang tingin nalang. Hindi na ako galit pero hindi ko matanggap ang ginawa nila, lalo na kay Carl.

*sigh*

Naandito na kami sa school. Hindi pumasok sina Mau at Carl dahil sinundo ng parents ni Mau. Kasama din nila si Manager, may aasikasuhin lang daw sila.

Pagdating ng lunch, normal lang na pagtambay sa bench ang ginawa namin. Mga inaantok pa kasi dahil sa gig kagabi.

"Sandali lang ah?..may puntahan lang ako." paalam ni Rence. Tumango nalang kami. Maya-maya naman, bumalik na siya at may kasamang mga pamilyar na mukha. Sila ang mga freshmens na nakilala at nakalaro namin dati. Nagyaya naman sila ngayong maglaro ng volleyball at badminton. Pumayag kami dahil wala din namang pinagkakaabalahan.

Naglaro lang kami ng naglaro hanggang sa mag time. Nakita ko namang nag enjoy silang lahat. Buti nalang, bumalik na ulit sa dati ang samahan.

Ang gagaling kalaban ng mga 'to. Mukang pinagpraktisan pa kami para sa nalalapit na intramurals. Haha.

Iniassign nga pala kami dun sa intrams para sa intermission o presentation.. sinabihan kami na kung pwede ay magperform. Pumayag naman si Manager.

Si Manager talaga ang kinonsulta nila hindi kami no? Pero pagbibigyan na namin haha. Tutal parte din naman kami ng mapeh club, obligado din kami kung tutuusin. Pero this time, isinama si Ryota sa magpe-perform dahil sa siya ang escort sa mapeh club.

Kami ang magkapartner tapos ako, si Carl, Rence at Kevin naman ay kasama ko sa kakanta at tutugtog. May sarili din silang part na sila lang ang kakanta. Biglaan ang desisyon na yun at sa isang araw na ang instrams. Papetiks-petiks lang kami ngayon pero siguradong puspusan na naman ng praktis nito mamaya o bukas.

~~~~~~~~**

Naandito na kami sa bahay at ako nalang ang gising. Ang daya naman nitong mga kasama ko e. Manuod daw muna kami ng movie habang naghihintay kina Manager at Carl pero hindi pa nangangalahati mga tulog na sila. Aigoo~

Masyado silang napagod sa paglalaro at pagpapraktis ng ipangpeperform sa intrams. Eto nga ba ang sinasabi ko e.

"Oy wake up. Pumunta na kayo sa kwarto niyo" paggising ko sa kanila.

"hmm?" pupungat-pungat pa silang tumingin sa akin at nag-inat. Agad ko namang hinila sa damit si Rence na mukang lalabas pa ng bahay.

"Dito ang daan Rence" natatawang sabi ko pero sa kasamaang palad, lumiko siya sa may papuntang kusina at nauntog sa dingding. Tsk Tsk.

"Ah-Aray! Umaga na ba?" mukhang nagising siya sa pagkakauntog ah. Haha. Natawa nalang ako. "Okay ka lang ba? Tingin ko wag ka nalang munang matulog. Ang lakas ata ng pagkakauntog mo e" sabi ko. Tumango naman siya habang hinihimas ang noo.

Natatawa namang umakyat sina Kevin at Kuya Shin. Nanuod nalang ulit kami ni Rence. Buti nalang hindi niya ako tinulugan sa pagkakataong to.

"Oy Rence! Diba ito yung title ng movie na ikinukwento mo sa akin last time na sabi mo panuorin ko?" tanong ko sa isang to. Tumango naman siya habang busy sa pagkain at nakatutok sa tv.

"Eh bakit matatapos na pero parang wala naman ni isang tumugma dun sa mga ikinuwento mo?" tanong ko ulit dahil hindi ko talaga makita kung saang parte ng palabas niya nakita ang mga pinagsasabi niya sa akin.

"Ha? A-ah Eh, hindi... ano, yung mga cut scenes ang ikinuwento ko sayo" WHAT?

"Pambihira ka din eh no? Halos isang oras ka kayang nagkwento at hindi na tayo nakagawa ng assignment" reklamo ko. Akalain mo yung sa sobrang excited ko sa sinasabi niyang magandang palabas e nalimutan ko na ang assignment ko tapos ngayon hindi pala magkatugma ang lahat.

"Nagkamali ako ng pag-alala. Ngayon ko lang din narealize. Kasalanan ko bang nakakalito sila" Aba't! Isinisi pa sa pinanuod? Baliw talaga. Imbis na mainis, natawa nalang tuloy ako. Kakaiba talaga ang isang to.

"Oh gising pa pala kayo. Masyado nang late ah" bati ng pumasok na si Manager. Tumayo naman kami ni Rence at sinalubong sila. Ang dami nilang dala.

"Masyado na ngang late pero ngayon lang kayong dalawa" sermon naman ni Rence at kinuha ang mga dala nila. Matamlay na lumapit sa amin si Carl at nakatingin lang.

"You're still awake.." sabi niya at bigla akong niyakap na ikinagulat naming lahat.

Hindi ako makagalaw.

*dug dug*

Asar! ba't ganito?

"Hindi ka dapat nagpupuyat, alam mo ba yun?" A-ano bang.. nangyayari sa isang to?

"C-carl.." pagtawag ko.

Sinubukan kong alisin ang pagkayakap siya pero mas lalo lang niyang hinigpitan.

"P-pasaway ka talaga" Bakit parang umiiyak siya? Okay naman kami nitong mga nakaraang araw ah. Wala akong maalalang hindi okay ang buong barkada matapos ang insidente kina Jeron. Masaya din siyang umalis kanina at nagpaalam.

"A..ayos ka lang ba?" tanong ko pero wala akong nakuhang sagot.

Malungkot ba siya? May nangyari kaya? Ano bang problema?

"Manager ano to?" tanong ko at sumulyap kay Manager na umiwas ng tingin at nagbigay ng tipid na ngiti. Niyaya naman niya si Rence pumunta sa kusina at dinala ang mga pinamili ata.

"Oy Carl.." pagtawag ko ulit at sa pagkakataong to, iniangat na niya ang ulo at tumingin sa akin.

"Parang ilang araw akong nawala samantalang hindi lang kita nakita maghapon"

*dug dug*

Ay ewan ko ba sa isang to! Nakakaasar! Akala ko kung ano nang nangyari e, pati ako pinapakaba.

"Oh bata! Ingatan mo to" sabi niya at may isinuot na bracelet sa kamay ko. Ang ganda. May mga musical notes na nandito.

"I'll miss that smile" Ano daw?

"May.... Sinabi ka?" tanong ko. Tama ba yung narinig ko?

"Ha? Wala. Sabi ko ang ganda ng ngiti mo. Wag mong iwawala yan." Sabi niya at ginulo ang buhok ko. "Matulog ka na. Masyado nang gabi. Matutulog na din ako, goodnight"paalam niya at umakyat na.

Naiwan lang akong nakatayo at inaabsorb ang mga inasal niya sa gabing ito. Weird Carlito. Hindi man lang ako nakapagthank you sa bracelet na to.

"Hindi ka pa ba tutulog?" tanong naman ni Rence.

"Ah tutulog na din. Goodnight manager" paalam ko at sumunod na kina Rence at Carl.

MuMeSmile ( Music Makes Me Smile ) [Completed: Revised]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon