~~~~~~~**
CARL'S POV
Natapos na ang performance namin. Eto na ang pinaka ayaw kong part. *Sigh*
"Carl let's go. Hinihintay na nila tayo. Naayos na daw ni Manager yung mga gamit mo. Diretso na daw tayo sa airport sabi nina Mommy. Nandun na yung mga luggage" salubong ni Maureen. Tumango nalang ako at nilibot ng tingin ang paligid. Nilapitan naman siya nina Shin, Ryota, Cy, Kevin at Rence. Nagpaalam na sila dito at patuloy padin ako sa paghahanap.
"Nasa may garden si Yomi sa banda dun" sabi niya at ngumiti. Agad naman akong tumakbo sa direksyon na itinuro niya. Naabutan ko siyang nakaupo sa bench at nakatulala sa ulap. Kasama niya sina Younha at Iris.
Napatingin naman sakin sina Younha. Tumayo sila at niyakap ako. Ang mga to talaga, mamimiss ko sila. Sana madali kaming makabalik.
"Naomi Kim.." pagtawag ko sa tumayong si Yomi at ngumiti. Niyakap ko nalang din siya.
"Mukhang wala ka pang balak sabihin sakin to ah" sabi niya. Napangiti nalang ako. Alam na niya pala.
"Hoy bata! Alagaan mo ang sarili mo" sabi ko. Pero pasaway ang mga luhang to, tumulo lang sila ng tumulo ng maramdaman kong niyakap niya ako. "Wag mong iwawala ang bracelet na yan ah? Wag mong tatanggalin hanggat wala ka pang boyfriend" nasabi ko na ikinatawa niya.
"Sira ka ba!"
"Ah basta. Wag mong kakalimutan ang isang Carl David Cho kundi malalagot ka sakin"
*moment of silence*
"Naomi Kim.."
"Hmm?"
"Mamimiss kita. Smile naman diyan" sabi ko at hinawakan ang magkabilang pisngi niya. Pinahid ko lang ang mga luha dito "Smile na"
"Aish! Sino sa tingin mo ang ngingiti kapag may aalis ha? Sapakin kita diyan e" Tch!
"That's my girl" sabi ko at niyakap siya ulit.
"Bumalik ka. Bumalik ka kasama ni Maureen ha? Hihintayin namin kayo"
"I will. We will" sabi ko at hinarap ang mga mokong na to. "Tumitigil na nga kayo sa pag-iyak diyan! kalalaking tao umiiyak oh, pinapaiyak niyo naman ako eh." Sabi ko at piangkukutusan sila ng isa.
"Babalik pa ako. Babalik pa kami. Hindi naman ito ang huling performance natin magkakasama" sabi ko nalang at ngumiti sila.
"Dapat lang Carlito"
Lumakad na ako papuntang kotse kasabay si Maureen na umiiyak pa din.
Ngayon palang parang gusto kong tumalon sa kotse at bumalik dun. Napansin ko din ang mga taong nanunuod sa amin at ang ibang umiiyak na din.
"Naomi Kim!" pagtawag ko kay Yomi at ngumiti. "Hintayin mo ko ha? Sana suot mo pa ang bracelet na yan pagbalik namin" sabi ko nalang at nakita naman siyang ngumiti.
Sana nakuha niya ang gusto kong iparating.
Hindi ko lang talaga masabi ngayon. Dahil ayoko namang iwanan siya ng mga salitang yun nang hindi ko sigurado kung kelan ako babalik.
CYRUS POV
Tss. Ang isang yun talaga. Tsaka pa siya nagpahiwatig kung kelan aalis siya. Tsk tsk. Namalayan ko nalang ang pagyakap ni Yomi sakin. "Sssh. Okay lang yan" sabi ko at niyakap siya pabalik.
BINABASA MO ANG
MuMeSmile ( Music Makes Me Smile ) [Completed: Revised]
Teen FictionThis story is about a girl who really loves music. She had a beautiful voice and know how to play guitar. Behind her smile is the loneliness that almost breaks her heart . The worst kind of pain is when you smile just to keep the tears from falling...