Chapter 6

10 1 0
                                    

-Daimon's POV-
"W-wag... wag mo syang sasaktan! Nagmamakaawa ako!" Sabi nung babae na hinang hina na sa panaginip ko

Pero yung mga tao sa paligid patuloy parin sa pagpapasakit sa lalaking nakahandusay sa sahig. Pilit na inaabot ng babae ang kamay nung lalaki pero hindi ito magawa ng babae. Ng bigla may su-----

"Fvck!" Yan lang ang tangin nasagot ko ng magising ako sa isang masamang panaginip. Bakit ganun? Akala ko ba ako ang nagbibigay ng masamang panaginip? Napailing-iling nalang ako sa mga pangyayari

Ng bigla akong mapalingon sa kanang gawi ko. Yung nilalang na ubod ng panget ay nakatulog na. Eto na ang pagkakataon kong makaganti sa kanya

Isang snap lang ng daliri ko ay makapagbibigay na sa isang tao ng masamang panaginip.

Kaso nga lang mas kailangan kong gawin ng malapitan. Ayaw ko pa naman sa lahat ay lumalapit dito sa nilalang na napakapanget na to. Ng unti unti kong nilapit ang sarili ko sakanya ay bigla akong nakaramdam ng isang matinding suntok.

"ikaw alipunga ka, natutulog ako pero gising ako. Kaya wag mong pagtangkaing gawan ako ng masama kundi magasawang suntok with relatives pa ang matatanggap mo" sabi nya saka natahimik ulit

Walangya naman! Pano nya nalaman na may gagawin akong masama sakanya?! Di kaya may lahing halimaw to? Tutal naman mukha syang tiyanak.

Pinagiisipan ko parin kung pano ko sya bibigyan ng isang bangungot. Mahirap ng masuntok ulit sa mukha. Ang sadista naman nito. Kumbaga sa isang normal na nilalang, sya ang pinakapanget at pinakasadista sa lahat. Manununtok kung kelan gustong manuntok. Pag ako talaga napuno baka bangasin ko bungo neto. Kala nya huh. Ako na si damion na kinatatakutan ng marami ay walang paghihirap nya akong nasusuntok?

Aba. Pasalamat pa nga sya dahil ginawan ko sya ng kabutihan. Hinihingi sya sakin ni santanas. Aba asa syang ibibigay ko tong pangit na nilalang nato. Pag lalaruan ko muna sya. Pahihirapan sa lahat ng ginawa nya sakin. Humanda sya. Makakatikim sya ng----

"Adoboo~ pagkainnn. Lumapit kayo sakin. Hayaan nyong kainin ko kayo." Sabi nung nilalang na ubod ng pangit habang nakanganga pa at nagd-drool. Ganyan naba sya kawalangya? Hanggang sa pagtulog patay gutom parin. Mabulunan sana sya sa panaginip nya.

Umirap ako sa hangin dahil masakit parin ang suntok na natamo ko sakanya. Kung maikli lang ang pasensya ko malamang kinitilan ko na to ng buhay eh.

------
Muli na namang sumikat ang araw na dahilan ng pagkagising ng nilalang na pangit na to. Si dax tulog parin ang batugan.

Keaga aga sermon agad nya ang inabot ko. Ni hindi pa nga nagmumumog dahil may tuyong laway pa sinesermonan agad ako. Kala naman nya natatakot ako sakanya. Mukha nya!

"hoy napanaginipan ko kagabi muntik mo na kong halayin dahil sa kagandahan ko" ani nya

"Wag ka ngang sinungaling. Alam ko naman na pagkain ang napanaginipan mo dahil nagssleep talk kapa. Ilosyunada ka talaga" sabi ko sakanya

Umirap sya tapos di na muling nagsalita. Asar talo amputa. Sinabihan pako kagabing alipunga. E kung ipalunok ko sakanya yung paa nyang puno ng kalyo at alipunga?! Beastmode talaga ako dito sa baliw na to.

Pano ba naman ang pangit. Ang aga aga mukha agad nya nakita ko.

------*

My most beautiful nightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon