Pitong taon na ang nakalipas simula nung mangyare ang insidenteng iyon. Imagine, I'm just only 13 years old nung nasaksihan ko kung paano at bakit namatay ang aking mama. It is because of my father and his damn attitude. Mahal siya ng mom ko but he doesn't gave his full attention to her. Puro lang sa pesteng kabit niya. Narealize ko nga na mabuti na ngang namatay na agad si mommy, for her na hindi na siya mag-suffer sa ginagawa sa kaniya ni papa.
Nakakalungkot nga lang isipin na namatay na agad si mama. Hindi man lang niya nasaksihan ang pag-graduate ko ng high school and college. Hindi man lang niya nakita kung paano ako naging successful fashion designer. Lahat ng itinuro niya sa akin, pinahalagahan ko lalo na ang pananahi ng damit dahil paborito ni mama ang manahi. Kaya siguro naging designer na ako ngayon dahil sa skills na itinuro sa akin ni mama nung nabubuhay pa siya.
Nga pala, dito na ako nakatira sa condo unit ko simula nung natapos ako sa kolehiyo. Ayoko kasing tumira sa bahay kung saan makakasama ko ang ama ko. I'm now 20 and I need to be a responsible at kaya ko naman na tumayo sa sarili kong paa. Tinuruan ko na ang sarili kong maging responsable simula nung nawala si mama dahil wala naman akong maaasahan sa magaling kong ama. And although may sarili kaming company, mas pinili ko nalang na magtayo ng sarili kong business at never kong pinangarap na manilbihan sa sarili namin business.
*phone ringing*
My father is calling. I answer it.
"Oh! Hell ya, dad.."
(How are you my princess?)
"I'm just doing good agenda here in my condo. How about you? Oh I mean, how about you and YOUR 48th woman? Am I right? Or pang 46 palang na babae?"
(Stop that Trisha! Tumawag ako hindi para bastusin mo. Gusto ko lang malaman kung ano ang lagay mo ngayon jan sa condo.)
"Sino ho bang nag-sabi na kamustahin mo ako? You are telling me to stop? Hindi ko kayo titigilan hangga't hindi ako satisfied sa ginawa niyo kay mommy before. Oh my god!! Who's the girl with you?!?"
I heard a voice of a girl, laughing.
(None of your business hija.)
"See? Gusto mong galangin kita? Eh hindi nga kita makitaan ng respeto sa mga babae. Lagi ka nalang nagdadala ng babae jan sa bahay! Bastos kang ama! And besides----"
Wow! Binabaan ako ng telepono. Mahusay! Lalo nanaman nag-iinit ang ulo ko. Nakakahigh blood! Sana hindi nalang siya tumawag! Kung masamang nilalang ako, matagal ko na sigurong napatay ang tatay ko. Pero hindi eh, sa kabila ng lahat ng ito may nagtatago pa din na malambot na puso sa dibdib ko. Mabait akong tao sa mabait sa akin, salbahe ako sa mga salbahe din sa akin. Pero hindi pa din ako papayag na hindi ko mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng mommy ko dahil sa papa ko.
At para mawala ang pagka init ng ulo ko, nagpunta nalang ako sa fashion designing studio ko. Stress reliever ko na talaga ang pag design ng mga damit. And besides, may naiwan pa pala akong trabaho kaya itutuloy ko na ito. Night gown lang naman ito ni Bernice, bongga! Sa akin siya nagpa-design dahil alam niyang mahusay akong designer, at hindi naman siya nagkakamali doon.
"Hey sissy!"
"Aba. Di ba ang sabi ko sa iyo before kumatok ka bago pumasok dito sa unit ko? Hindi yung bigla ka nalang susulpot jan na parang kabute!"
Si Bernice ang nasa harap ko ngayon, yeah speaking of her. Sanay naman na kasi siya na labas pasok dito sa condo ko. Kulang na nga lang, dito na siya tumira araw-araw. And obviously, she's my bestfriend.
"Wow! Ito na ba yung gown ko." panay ang haplos niya sa unfinished product ko.
"Kitam? Hindi pa tapos iyan pero parang nagagandahan ka na ah." I grinned.
"Tss. Huwag mo na ipamukha sa akin na magaling kang designer dahil alam ko naman. At hindi pa kita pwedeng asarin ngayon dahil hindi pa tapos yang gown ko. I mean baka sirain mo pa yung gown, at lagyan mo ng maraming bulaklak na parang dadalo sa piyesta ng mga bulaklak!"
"Buti alam mo?" tinignan ko si Bernice ng pang-asar na tingin.
Tumawa lang siya ng malakas at napangiti nalang ako. Buti nalang lagi akong pinupuntah ni Bernice dito kundi araw araw na akong nagluluksa. Hindi pa din kasi ako nakaka move on kay mama. Masakit kaya mawalang ng isang ina, right? Di baleng mawalang ka na ng tatay, huwag lang ang nanay.
"Sis, itigil mo muna iyan. Pahangin muna kaya tayo sa labas?"
"Okay."
Tinigil ko muna ang ginagawa kong gown for Bernice. Sakto ang timing niya na ayain ako magpahangin sa labas. Nang makarating na kami sa labas ng condo ko, umupo kami sa tapat na bench. Masarap mag-stay dito kasi mapuno means presko talaga kahit tanghaling tapat.
"How's your father?" tanong sa akin ni Bernice.
"Kailangan pa bang itanong iyan? Siyempre nasa mabuting kama kasama ang babae niya!" Pasigaw kong sagot kay Bernice habang nakatanaw lang sa kawalan. Nag-iinit nanaman kasi ang ulo ko kapag si papa ang pinag-uusapan.
"Ang tindi talaga ng galit mo sa kanya."
Bigla akong natahimik sa nakita ko mula sa hindi kalayuan. Isang nanay at isang anak na hawak ang kamay. Nakita ko sa mukha ng bata ang pagka-tuwa nito nang bigyan siya ng lollipop ng kanyang mama. Habang naglalakad sila, kinarga siya ng kanyang mama at hinalikan ito sa pisngi. Humalik din ang bata sa mama niya. Ang sweet nila mag-ina. Naramdaman ko kung gaano sila kasaya sa piling ng isa't isa. Naiinggit ako sa kanila.
*finger snap*
"Sis? Hello?"
"Oh I'm sorry Nice." Nag finger snap sa harap ng muka ko si Bernice dahil natulala ako sa nakita ko.
"Wala ka nanaman sa sarili mo. Well, hindi naman kita masisisi. I understand you. Pero what if kung magbago ang papa mo? Mapapatawad mo ba siya?"
"Mapapatawad?" sarkastikong tanong ko kay Bernice.
"Yeah?" sabi ni Bernice na may kasamang pagtaas ng kilay niya.
Mapapatawad? Siguro kapag patay na siya. Ang sama ko no?
"Hindi na siguro?" Sagot ko sa tanong ni Bernice.
Kahit patawarin ko pa ang ama ko,
hinding-hindi niya mapapalitan ang nanay na nagmahal at nag-aruga sa akin.
At lalong hinding hindi niya matutumbasan ang pagmamahal na binigay sa akin ni mama na ngayon ay isang ala-ala nalang.
**
A/N: Hindi po muna regularly ang pag-uupdate ko kasi may summer class ako ngayon. Enjoy! ^___^