Nagkagulo sa isang cruise ship nang biglang may sumabog sa bandang likuran ng barko. Mabilis na nililisan ng mga pasahero ang barko gamit ang mga lifeboats. Ang mag-amang Ricardo at Kevin ay tumatakbo mula sa kanilang silid patungo sa lugar kung saan naghihintay ang mga lifeboats. Sa kasawiang palad ay biglang may sumabog na tanke ng gas malapit sa kanilang dinadaanan kaya nadaganan ng isang mabigat na debris ang ama ni Kevin na si Ricardo.
"Dad!" sigaw ni Kevin at bilis na binubuhat ang mabigat na bakal na nakadagan sa katawan ng ama nito. Dahil sa walong taon lamang ang batang lalake ay wala pa itong lakas upang tulungan ang ama.
"Go and leave me, Kevin!" utos ni Ricardo sa kanyang anak dahil alam niyang ilang oras na lamang ay lalamunin na ng apoy ang buong barko.
"No! I don't want to leave you, Dad!" sigaw naman ni Kevin at umiiyak.
"Go to safety, Kevin!" matigas na utos pa ni Ricardo sa anak. "Maybe you can ask for help outside!" patuloy pa nito.
Ayaw mang iwan ni Kevin ang kanyang ama ay napilitan na rin ito dahil maari nga naman siyang humingi ng tulong sa iba at balikan ang naipit na ama. "I'll come back for help, Dad!" sabi ni Kevin at mabilis na tumakbo.
Nang makalabas siya ng hallway ay biglang nilamon ng apoy ang nasabing lugar. Natulala na lamang si Kevin nang makitang hindi na nito mababalikan ang kanyang ama.
"Dad!" sigaw nito at umiiyak. Saktong napadaan ang isang crew ng barko na si Ferdinand at nakita ang umiiyak na bata na si Kevin.
"Bakit ka nag-iisa dito?" tanong ni Ferdinand kay Kevin.
"My dad is still trapped there!" sagot naman ni Kevin at tinuturo na hallway kung nasaan ang ama nito. Mabilis na binuhat ni Ferdinand ang batang lalake upang dalhin kung nasaan ang mga lifeboats ngunit nagsisigaw ito.
"I don't want to leave my dad!" sigaw pa nito. "Huwag kang mag-alala, babalikan ko ang tatay mo." sagot ni Ferdinand dito. Nang makarating sila kung nasaan ang mga lifeboats ay iniiabot ni Ferdinand si Kevin sa kasamahan nito.
"Saan ka pupunta?" tanong na kasamahan niyang crew na makitang aalis pa ito.
"Babalikan ko ang tatay niya. Naiwan daw sa loob." sagot ni Ferdinand. "Pero delikado ang bumalik pa dahil any minute ay sasabog na ang buong barko!" sabi naman ng isang crew ngunit hindi siya pinansin ni Ferdinand at mabilis na nagtungo kung nasaan ang tinutukoy na hallway ni Kevin.
Nang makita ng crew na nag-oorganisa ng mga lifeboats na kumakalat na ang apoy sa deck ay nagsabi na itong aalis na sila palayo ng barko. Nagsisigaw naman si Kevin nang maramdamang papaalis na ang lifeboat na sinasakyan nito dahil maiiwan na nila ang kanyang ama.
"Dad! Dad!" paulit-ulit na sigaw ni Kevin. Hinawakan na lamang siya ng isa sa mga pasahero at pilit na tinatahan. Walang tigil naman sa pag-iyak si Kevin dahil nalayo na ito sa kanyang ama.
Nang makita ni Ferdinand na nagkalat na ang apoy sa nasabing hallway, pilit na tinitignan nito kung may tao nga na naiwan tulad ng sabi ng batang si Kevin.
"May tao ba diyan?!" sigaw nito. Nang marinig naman ito ni Ricardo ay mabilis itong sumagot at nagsisigaw.
"Tulong!" sigaw ni Ricardo dito. Nang marinig naman ito ni Ferdinand ay sumagot siya.
"Maghahanap ng ako ng ibang daan dahil hindi na ako makakadaan dito." wika ni Ferdinand.
"Sige, hintayin kita." sagot ni Ricardo. Dahil isa siya sa mga crew ng barko ay kabisado ni Ferdinand ang pasikot-sikot dito.
Nakahanap siya ng ibang daan upang puntahan si Ricardo. Nang datnan niya ito ay nakita niya si Ricardo na nadaganan ng isang malaking debris. Buong lakas na binuhat ni Ferdinand ang mabigat na nakadagan kay Ricardo. Nang makalaya mula sa pagkakadagan ay pinasan ni Ferdinand si Ricardo dahil nagkaroon ito ng injury sa binti dahil sa debris na dumagan dito.
"Dito tayo dumaan, nilamon na ng apoy ang hallway na ito." sabi ni Ferdinand.
"May nakita ka bang batang lalakeng dumaan sa hallway?" tanong ni Ricardo dito. "Yung anak mo?" wika naman ni Ferdinand. "Dinala ko na siya sa may lifeboats. Siya ang nagsabi sa akin na naiwan ka dito sa hallway." patuloy pa nito.
"Salamat sa tulong." sagot na lamang ni Ricardo. "Dito tayo dumaan." sabi pa ni Ferdinand at dumaan sa isang silid. "May emergency exit door dito." patuloy pa nito. Kumuha ito ng life-vest sa isang cabinet at ibinigay ang isa kay Ricardo at isinuot ang isa sa kanya.
Nang mabuksan ang nasabing emergency exit door ay inakay nito palabas si Ricardo at tumalon patungo sa dagat. Lumangoy palayo ng barko si Ferdinand habang nakakapit sa kanya si Ricardo. Ginamit ni Ferdinand ang pito na nakakabit sa life-vest upang kunin ang atensyon ng mga lifeboats malapit sa kanila. Nang madinig ng crew sa isa sa mga lifeboats malapit sa kanila ay pinuntahan sila nito upang iligtas. Nang makasakay na ang dalawa sa lifeboat ay sumagwan na sila palayo sa lumulubog na barko. Ilang saglit pa ay nagkaroon ng malaki at huling pagsabog sa barko at pagkatapos ay nilamon na ng buo ng dagat.
"Maraming salamat sa pagtulong mo sa akin.." wika ni Ricardo ay Ferdinand.
"Ako pala si Ricardo Buenavista." pakilala pa nito.
"Ako naman si Ferdinand Manlapaz." sagot naman niya dito.
"Utang ko sa'yo ang buhay ko." wika pa ni Ricardo. "Huwag kang mag-atubiling lumapit sa akin kapag kailangan mo ang tulong ko." dagdag pa nito.
"Salamat." nakangiting sagot naman ni Ferdinand.
BINABASA MO ANG
Stuck with Mr Snobbish
RomanceAminado naman ang bading na si Maya na attracted na siya noong una pa lamang silang magkita ng gwapo ngunit supladong binata na si Kevin. Ngunit gugulo ang mundo niya nang mapilitan siyang makasama ang binata sa iisang bahay dahil sa isang hindi mai...