Salamat po!

82.8K 156 41
                                    

Mahal naming mga guro

Napakaraming salamat po sa pagtuturo

Isa po kayo sa mga naging instrumento

Upang kami ay matuto at maging matalino


Salamat po sa inyong pasensya

Salamat po sa inyong mga paalala

Huwag po kayong mag-alala

Aalalahanin po namin ang mga iyon sa tuwi-tuwina


Patawad po dahil kami'y makukulit

Kaya naman kayo'y parating nagagalit

Kaya naman aming ipapaalala ng paulit-ulit

Sa aming puso mga puso naman ay kayo'y naging malapit


Hinding-hindi po namin kayo makakalimutan

Mapadpad man ang aming mga paa kung saan

Kaya tanggapin niyo naman po ang dahan-dahan

Na sa paaralang ito kami ay lilisan

Tula Para sa GuroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon