3 Witches Break A Spell (SNSD Tiffany, Yoona, Sohyun)

974 10 3
                                    

____________________________________

INTRODUCTION:

“In the magical universe there are no coincidences and there are no accidents. Nothing happens unless someone wills it to happen.” -  William S. Burroughs quotes

____________________________________

Sa mundo ng pantasya, may isang lugar na tinatawag na ""YOSOYO"" na kung saan naninirahan ang mga iba't ibang uri ng nilalang na mayroong taglay na kapangyarihan. Dito naninirahan ang mga mangkukulam, diwata, kapre, salamangkero, at marami pang iba.

May tatlong magkakaibigan na may pambihirang mahika. Hindi pa sila ganap na bihasa sa pag-gamit ng salamangka. Sila ay mga ""UNTRAINED WITCHES"".

Si LOONA, isang mahusay na estudyante. Matalino at masipag. Mahilig mag-aral ng mga spells. Hindi lang pagiging witch ang kanyang pinapasok na propesyon kundi pati na rin ang gawain ng isang wizard ay kanya ring pinag-aaralan.

Sa Majika Academy, mamimili ka ng isang propesyon na gusto mong pag-aralan. Si Loona ay napangkat sa uri ng mga mangkukulam. Nung una ay hindi niya kaagad tinanggap ang titulo ng pagiging mangkukulam sapagkat natatakot siya na magkamali sa pag gawa ng spells. Gusto niya na lamang maging ordinaryong mamamayan sa Yosoyo ngunit naunawaan niya bandang huli na kailangan niyang magkaroon ng kaalaman sa pag gamit ng iba't ibang spells. Ayaw niyang maging mangmang at mapag-iwanan ng kanyang kaanak.

Si LANNI, isang estudyante at isa ring mang-aawit. Nagsusumikap siyang makapasa sa lahat ng pagsasanay dahil lagi na lang siyang nahihirapan. Pero sa tulong ni Loona, nakakatungtong siya sa mga baitang. Siya ang bukod tanging naiiba sa magkakaibigan dahil gumagawa siya ng spell sa pamamagitan ng musika. Hindi siya sanay gumamit ng malaking paso at mga mahiwagang sangkap. Magaling siyang magmaneho ng walis. Siya ang nagtuturo kay Loona at Lian ng tamang pagkumpas para makontrol ang walis ng tama.

Si LIAN, isang masayahing estudyante na mahilig mag-aral ng mahika ng apat na elemento. Pangarap niyang maging Engkantada/Engkanto pero nabigo siya. Mas kinakaya niya pa ang pag gawa ng spells. Palaban si Lian. Kapag inapi mo, aapihin ka rin. Siya ang Tagapagtanggol ni Loona at ni Lanni.

_______________________

Anong mangyayari kung mapakawala nila sa mahiwagang bote ang presong ""GENIE"" na si Master M?

TUTUKAN!!

______________________

Nagtungo ang tatlo sa librarya at nakasalubong nila ang isa sa kanilang propesora na si WITCH YANNA.

LIBRARY

Witchyanna: Magandang umaga sa inyo, wala tayong aralin ngayon ba't ang aga aga e, nagtungo na kaagad kayo rito?

Loona: Magsasanay kasi kami, guro.

Witchyanna: Ang sisipag niyo naman, kayo lang ang estudyanteng nandirito sa librarya.

Loona: Oo nga po. Magbabasa basa kami ng libro tungkol sa mga sumpa.

Witchyanna: Tandaan niyo na ang ""sumpa"" ang pinaka mapanirang mahika. May maganda nga itong naidudulot pero may masama rin itong epekto. 'Pag nagkamali ka ng pagpataw ng sumpa, maaari kang makapanira ng kapwa mo. Delikado ito.

Lian: Tama po kayo, masyadong nakakakilabot ang pagpataw ng sumpa. Ayoko kayang bigyan ng curse ang ibang tao.

Lanni: Mas lalo ako. E, kayo guro, nakapagpataw na po kayo ng sumpa?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 24, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

3 Witches Break A Spell  (SNSD Tiffany, Yoona, Sohyun)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon