SAITii *** Chapter 3

1.1K 36 4
                                    

----------

SAITii *** Chapter 3

3rd Person's POV

Nakagat niya ang ibabang labi ng marinig ang buong paguusap ng Heroin at Vile Shadows. Naramdaman niya ang unti-unting panlulumo ng mapagtantuan ang mga bagay bagay.

Ndi niya inaasahan na nasa paligid at sobrang malapit na pala sakaniya ang kaniyang ama. Nakaramdam siya ng kaunting galit pero mas nanaig ang pagmamahal.

Agad niyang pinunasan ang tumulong luha saka dahan-dahang naglakad pabalik sa Hospital Room niya. Sa ganitong sitwasyon ay ayaw niyang magpadalos dalos at kailangan niyang magisip ng tama.

Ang totoo ay kanina pa siya nagising, wala lang talagang nakapansin dahil wala naman siyang kasama sa kwarto ng mga oras na iyon.

Nang maggabi ay ndi na siya mapakali. Kailangan niyang gumawa ng aksyon. Kaya pala wala din siyang mahanap na maraming impormasyon ay dahil pinagtatakpan iyon ni Knox at Max, at dahil ngayong alam na niyang nagtraydor ang grupo at mga tao sa COF sakaniya... isang tao nalang ang naiisip niyang gagawa ng mga pinaplano niya.

[ "Yeah? How are you—"

"I want you to do something, Phynx Alexander."

~~~~~~~~~~

Agad siyang naalimpungatan ng maramdaman ang ibang presensya at pagbukas ng pinto sa kwarto niya. Ndi naman siya nagkamali ng dahan dahang lumapit at magsalita ang lalaki.

"L-Louie... Please, wake up.. I can't bear seeing you like this. I'm so damn worried at... at ndi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama sayo."

Bahagya siyang nanigas sa kinahihigaan ng makilala ang lalaki. Pinilit nitong magkunwaring tulog hanggang sa tumahimik ang paligid kasabay ng paghawak ng lalaki sa kamay niya.

Hindi maipaliwanag ang galit na nararamdaman ng babae habang nakikinig sa lalaki. Hindi ito makapaniwala na nakuha pa ni Junno'ng magpunta at magpakita sakaniya pagkatapos ng lahat.

"I'm sorry, Louie.. Ako na ang humihingi ng tawad sa mga nangyari sayo, sainyo.. I beg for your forgiveness... because I love you so much."

May kung anong tuwa ang nabuhay sa puso ng babae ngunit mas nananaig ang galit doon. Lahat ng pagpipigil ay ginawa na ni Louie upang huwag masira ang mga planong nasa isip. Wala na siyang dapat na pagkatiwalaan bukod sa kanyang sarili simula ngayon.

Ilang minuto ang muling katahimikan bago niya naramdaman ang unti unting paglapit ng lalaki sakaniya, at halikan siya nito ng puno ng pagmamahal.

Nagtagis ang kaniyang bagang dahil sa ginawa ni Junno pero hindi maipagkakailang may parte sakaniya na nagustuhan iyon na pilit na niya ngayong itinataboy.

Alam nito sa sarili na kakaiba na rin ang pagtingin niya kay Junno, sadyang ayaw niya lang iyon tanggapin at ngayon ay naiintindihan na niya kung bakit.

Akmang gigising na ito ng maramdaman ang muling paglapit ng mukha ni Junno at buong tapang na bumulong sakaniya bago mabilis na nilisan ang lugar.

"I am the damn culprit, Louie.. But I'm ready to face the consequences."

~~~~~~~~~~

Ndi pa man tuluyang nagsisink in ang lahat ng sinabi ni Junno ay bahagya pa siyang nagulat ng may magpasukan ulit sa kwarto niya.

Umusbong ang galit niya ng maramdaman ang presensya ni Max sa paligid. Madaming mga sinabi ang ibang mga kasamahan nila sakaniya at nagtagal pa doon ng ilang minuto habang nagtutulug-tulugan pa rin siya, pero tutok ang atensyon niya sa lalaking nagpaikot sakaniya.

She's Always In Trouble [Season II]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon