CHAPTER 14:[Intruders]
Loria's POV
Lumipas ang kahapon at dumating ang bukas.Hindi pumasok sa klase si Might.At hindi ko rirn nakikita ang lalaking iniiwasan at tinataguan ko.
Pero may mga konklusyong nabubuo na nakipaglaban na naman daw ang Neon Fangs.
Para sakin naging maayos ang araw na 'to.Hindi ko kailangan magtago sa tuwing makikita ang leader ng Neon Fangs.
"Uuwi ka na Loria?"tanong sa akin ni Luna
Tungkol kahapon,kaya sila nawala sa cafeteria ay dahil inutusan daw sila ng isang teacher.Naiinis nga sila dahil hindi nila ako nakasabay maglunch.Sinabi ko kasi sa kanila na nauna na akong maglunch.Ayoko sabihin sa kanila ang totoong nangyari.
"Oo"sinukbit ko na ang backpack ko at sabay na kaming tatlo lumabas ng mainbuilding pero naghiwalay din kami dahil pumunta na ako ng parking lot.
Nakita ko naman agad ang puting kotse na naghahatid sundo sakin sa school kaya pumasok na ako."Tara na po."sabi ko at pinaandar na ni manong driver na pogi ang kotse.Pero di pa kami tuluyang nakakalayo ay may natanaw akong lalaki sa labas na nakasandal sa kotse at naninigarilyo.
Hindi ko alam kung nakikita niya ako dito sa loob kahit tinted 'to dahil nakatingin siya sa direksiyon ko.Katulad ng parati kong nararamdaman ay takot at kaba sa tuwing makikita ko siya.
Hanggang sa makalayo na kami ay iniisip ko pa rin siya.Akala ko matatapos ang araw na 'to na wala siya.Hindi pala.
Might's POV
"Yown!Akin 'to!"masayang wika ko tyaka ko dinampot ang isang Hardballer.Nakidampot rin si Mclee at Lie sa mga baril na nakalagay sa isang steel cabinet.
"Magdala kaya ako ng mga carbine?"narinig kong sabi ni Mclee
"Sige.Magdala ka rin mga mga submachine guns kung nababakla ka!"
"Bakit?Gusto mo i-try ko sa'yo 'tong submachine guns?"
Bago ko pa malaman ay may hawak na siyang submachine gun at nakatutok pa sakin.Teka!Paano nagkaroon nga ng submachine dito?
"O-oy!G*go ka Mclee ah!"
"Haha!Kita mo?Ikaw pala ang bakla eh.Aminin mo na kasing FRONT mo lang ang mga babae mo!"Aba'y gagong 'to!
"Ul*l!Ang sabihin mo walang nalapit na babae sa'yo!"
Nakita kong naglagay ng Ballester-Molina sa likod ng pants si Lie.Yun lang ang dadalhin niya?Bakit ba palaging kampante ang isang 'to?Samantalang lahat na yata uri ng baril ang kinuha ni Mclee.
"Ten minutes to go."Pagkasabing-pagkasabi ni Lie nun au tumayo na ako at lumabas.Sumunod naman si Mclee.
Kinuha ko ang susi ng kotse ko sa bulsa "Saan ang meet up?"tanong ko habang naglalakad papunta sa may garage nitong lumang place namin.
"Just follow me."saka sumakay si Lie sa kotse niya
Pumasok na rin ako sa oh-so-sexy kong Lamborghini Huracan.
Mag-gagabi na nang tumawag si pinuno na may meet up kami.Hindi ko alam kung bakit pero alam kong may exciting na bakbakan ang magaganap.
Namiss ko ang ganitong eksena.Na may pupuntahan kami para makipagbakbakan.
Halos dalawang taon na rin ang nakalipas mula ang huli naming labanan.Sa pagkakatanda ko ay nang dahil iyon sa hindi pagsunod ng mga tinatawag na dealer ang kasunduan nila ng BOSS ng Castel's Mafia.
BINABASA MO ANG
The Underboss is an ex-convict: Mafia Story |ONGOING|
Teen FictionOne of the orphan girl of Rosebert Institute given a chance to enter to the expensive and well known school.It is unusual for the orphan like her ofcourse and the thought of being fortunate seems to change as the day passed inside that school. After...