Catherine's POV
"Anthony. At magkaklase tayo, by the way."
Huh? Kumusta naman yun? Magkaklase daw kami pero tumakbo naman sya palabas ng gate. Teka nga lang! Don't tell me hindi sya aattend ng class? Grabe naman, di ba obvious Catherine? First day of school, nagditch sya ng class ey.
But wait! Why do I care anyway? What's mine if that Anthony guy ditched the class? Hays.
Papasok pa lang ako ng gym nang woah...
Don't tell me sila ang Chinese version ng Charlie's angels? Paano ba naman kasi, may tatlong chinitang may-ari siguro ng makeup factory ang nag-aabang sa malaking pinto ng gym. At ang mas nakakatawag pansin eh tila iwas at nakayuko sa kanila ang mga estudyante, lalong lalo na ang mga babae at ang mga lalaking uhm—well, uso din palang nerds dito ey. Nung may girl naman na di nakayuko eh bigla na lang natapilok pagdaan sa tatlo. Yun naman pala kasi eh pasimpleng hinarang nung isa sa tatlo ang paa nya sa daraanan nung girl. Nakahigh heels pa naman sya, ayun pinagtawanan sya ng iba. Tsk.
"Excuse me." ako.
Papasok na sana ako nang bigla akong tawagin ng nasa gitna. In fairness, sya ang pinakamaganda sa kanilang tatlo, kung di nya lang ginawang coloring pad ang mukha nya.
"Hey! You're not familiar. You must be a transferee here." Charlie's angel #1.
"Uhm. Yes." ako.
"Very well then, let me tell you something. The next time you see me around, bow down." siya.
Eh?
"And why should I?" tanong ko. Siyempre, di ko alam kung bakit.
Bigla namang nagbulungan yung mga natitirang estudyante sa labas ng gym.
"Thou shall not question the Queen Bee!" mataray na sabi ni Charlie's angel #2, yung nasa right ni #1.
Parang nabingi ako dun ha. Commandment lang te? At ano raw? Queen Bee? Uso din pala yun.
"Sorry. Pero di ko alam." sagot ko naman. Grabe ha! Papasukin na lang kaya nila ako.
"And now that you know, bow down." Charlie's angel #3, yung nasa left naman ni #1.
"I'm sorry but we still have a class. We are just wasting our time here." sabay pasok ko sa gym. Narinig ko na naman ang bulungan ng mga tao. At dahil I learned from what I saw kanina, siniguro kong walang paang nakaharang sa daan.
Pero bago pa ako makalayo sa front door ng gym, nagsalita na naman si #1 na literal na nagpatigil sa akin.
"It seems like you want to hear murmurs from the people transferee girl. Fine. Next time, you'll be hearing more than murmurs. You'll be hearing laughters. Good luck transferee girl! I hope you'll enjoy my welcome gifts and surprises for you."
At naglakad sila papunta sa kinatatayuan ko. Wala pa ang teacher kaya hindi man lang kami nasita.
Bago nya ako nilagpasan, may binulong muna sya sakin.
"Cindy Lim. Don't forget that name. We'll still have a lot of encounters."
Cindy's POV
Ughh! That bitch! At nakahanap pa talaga sya ng kakampi ha. Magsama kayo. May araw ka rin sakin bitch. Maganda sya sana pero sinira nya lang naman ang araw ko.
Kung nandito lang sana sya.
Pagkatapos kong ibulong sa kanya ang final words ko, dumiretso na agad ako sa pinakagitnang bleacher. Aba dapat lang! Ang pinakamaganda, dapat nasa pinakagitna rin.
Agad na hinanap ng mga mata ko si...
"Mark, where art thou?"
"As usual wala na naman sya. Hays, sayang."
"Mark my loves. Pumasok ka sa class please."
Damn these ugly bitches! Mga assumera! Pero syempre, kinikimkim ko lang ang nagbabaga kong inis sa mga panget na nasa paligid.
"Cindy, alam kong naiinis ka na. Gusto mong turuan natin sila ng leksyon?" Ariella. Kaibigan ko raw. Maganda naman sya kaya pwede na. Pero ako pa rin ang pinakamaganda.
"Yeah right! They need to know that Mark's your property." Belle. Kaibigan ko rin daw. Magpinsan sina Ariella. Pasado na rin ang face nya.
"Did I say something? I don't need to tell them who is Mark. Why? Because they already know that Mark Anthony Villegas is mine. And mine ALONE! Now you two, you shut up and let them dream. Cause later on, I'll give them their worst nightmares."
Sinadya kong lakasan ang pagkakasabi nun para marinig nilang lahat. Effective naman, natahimik ang mga panget.
Oops! I've been talking a lot but you don't know me yet.
Well sorry, but Queen Bees don't introduce themselves. Swerte nyo na lang pag sinabi ko.
Blag!
Wait, what?
-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*
Hi readers!
Ano kayang nangyari? Hehe :D
I-follow nyo rin po sana ako. Thanks!
Silent Readers! Mag-ingay!!
Reading Tip: Huwag nyo munang pansinin ang title ng story. As I've said, sa gitna pa ang magic.
Follow|Vote|Comment|Share
@debgoddess
BINABASA MO ANG
Fate's Twist in Time
FanfictionIt has been a year since the worst tragedy in her life happened. But until now, she still carries the pain that the accident brought because she still blames herself. What if fate will play with her? What if it will give her something that she has b...