Twist 4: Son of who?

13 3 0
                                    

Catherine's POV

"Cindy Lim. Don't forget that name. We'll still have a lot of encounters."

The way she said it gave me some chills.

Literal akong napanganga sa sinabi ng Cindy na yun. Malay ko bang Queen bee sya dito at ganun sya kataray. Mukhang mapapasabak ako nito ey.

Mga kaluluwa! Tulungan nyo po ako! Hays. Ba't pa kasi naimbento yang queen bee-queen bee na yan.

Pagkatapos ng makapigil-hiningang threat ng Cindy na yun, naghanap agad ako ng bleacher na mauupuan. Syempre uupuan Catherine, alangan namang hihigaan 'di ba. Bopols naman.

Malamang, medyo lumayo ako sa kinauupuan ni Cindy at ng mga alipores nya. Mahirap na, baka tuluyan na akong malapa ng mga anghel na yun na mga tigre naman pala.

Habang naghahanap ako ng mauupuan, biglang may babaeng kumaway sa'kin. It's like she's saying na tumabi ako sa kanya. Goraa! Cho-choosy pa ba ako? Eh ang kyut-kyut nya kaya.

"Hi! I'm Denise Fuentes, and you are..?" si pretty girl.

"Hello! I'm Catherine Angelique Hernandez" ako.

"Haba naman ng name mo. Uhm, can we be friends?" tanong nya.

"Sure! Ang kyut kyut mo kaya." ako. Ayan, di ko tuloy napigilang sabihin.

"Hehehe, thank you. You're beautiful din eh. And you're super brave. Ang galing mo kanina." siya.

"Ikaw naman. Na-flattered naman ako dun. Ahihihi.. Talaga? kinakabahan na nga ako eh, ang tanga-tanga ko talaga." ako.

"You know what? Hindi ko rin alam kung paano iibsan yang kaba mo. Honestly kasi, kinakabahan na rin ako para sayo." siya.

Pucha pie! Mas lalo yata akong kinabahan sa sinabi ni Denise. Kung kanina chills lang yung naramdaman ko, ngayon parang naliligo na ako sa Pacific Ocean na puno ng yelo.

"Uhm sino ba kasi sila? I mean, alam kong queen bee yung isa, pero ba't parang malaya silang magreyna-reynahan?" tanong ko.

"Yung dalawang babaeng nasa tabi nung nasa gitna ay sina Ariella Chin at Belle Chin. Cousins sila, actually." siya.

Ahh, that's why napansin kong magkamukha sila.

"Yung self-proclaimed queen bee ay si Cindy Lim. Actually, nagagawa nya ang mga bagay na yan kasi isa ang mga magulang niya, or shall I say family nya, sa mga may-ari ng academy." paliwanag nya.

Ahh, kaya pala.

"Teka, MGA may-ari? Bakit? Ilan ba ang mga may-ari ng academy?" tanong ko.

"Dalawang families ang owners nitong academy. Yung isa ay ang family ni Cindy, at yung isa naman ay ang family ni..."

"Mark, where art thou?"

"As usual wala na naman sya. Hays, sayang."

"Mark my loves. Pumasok ka sa class please."

Hindi ko na narinig ang huling sinabi ni Denise dahil sa ingay ng mga kaklase namin. "Mark" daw eh. Eh sino ba yun?

"Ano nga ulit yung sinabi mo Denise?" tanong ko.

Hindi pa man sya nakakapagsalita ay nagsalita na naman ng sobrang lakas si Cindy, dinig ata sa buong gym ey.

"Did I say something? I don't need to tell them who is Mark. Why? Because they already know that MARK ANTHONY VILLEGAS is mine. And mine ALONE! Now you two, you shut up and let them dream. Cause later on, I'll give them their worst nightmares."

Eh? Mark Anthony Villegas? Parang familiar yung Anthony.

Blag!

Lahat kami napatingin sa front door ng gym. Di ko man lang napansin na sinara pala yan kanina.

Te-teka! Siya yun ah! Akala ko ba hindi sya papasok sa class?

Holoooo! Ba't nakatingin sya sa'kin? Anyare?

Ba't nakatingin sa'kin si...

Anthony?

"And here comes the son of the second family that owns the school, Mark Anthony Villegas." Denise.

Anudaw? Son of who?

-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Halooo readers!!!

Please vote/like my story! :)

Again, wala pa pong magic thingy sa first few chaps. Kaya hwag nyo munang pansinin ang title. Ang first few chaps po kasi ay "2 years ago pa". ^_^

Geh! Mag-uupdate pa ako ng next chapters.

Follow|Vote|Comment|Share

@debgoddess

Fate's Twist in TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon