Twist 5: Tour Guide

12 2 0
                                    

Mark's POV

Hindi ko alam pero para akong asong ulol na napapangiti ngayon.

Hindi ko naman sana sya kakausapin eh. Sorry na lang, pero hindi talaga ako nakikipag-usap sa mga di ko close. Sobrang gwapo ko kasi para pansinin sila. Bahala silang mangarap at maghabol sa'kin. Pero...

Wahahahahahahahahahaha!!!

Epic naman talaga kasi yung tanong nya. Yow! Sa mga gwapo dyang nakakarelate lang ha. Tapos...

Ang ganda nya pre! Walang wala sa ganda nya si Cindy. At yung babaeng yun naman! Kainis! Habol ng habol sa'kin. Di ba nya maintindihang hanggang pagiging childhood friend lang ang maibigay ko sa kanya? Pucha.

Alam ko namang mag-aabang na naman ang dakilang manghahabol na si Cindy sa'kin, minabuti ko na lang na wag pumasok. At yun nga, nakatagpo ko ang pinakamagandang dilag na nilikha ng Diyos. Pucha! Ang corny ko. Totoo naman kasi eh. She's the most beautiful girl I've ever seen. Catherine.

"Oh pre! Ngiting ngiti ka dyan?"

Catherine.

"Huy! Tulala lang bro?"

Catherine.

"Mark pare! Nakakatakot na yan ah."

Catherine.

"MAAAAAAARK!"

"CATHERINE! Pucha Dylan! Ba't ka sumisigaw?"

"CATHERINE???" sila.

Sheyt! Nandito na pala ako sa tambayan ng barkada.

"Sino yun bro ha? Bago mo?" Dylan.

"Woah, pinagpalit mo na si Cindy pre?" Stephen.

"Anong 'bago' ko? Kailan ba ako nagka-gf? Mga ulol! At h'wag nyo ngang mabanggit-banggit yang Cindy na yan. Nakakabadtrip!" ako.

"Easy lang bro. Sino ba kasi yang Catherine na yan Anthony?" Neil. Nagsalita na rin ang best friend ko. Siya lang at ang pamilya ko ang tumatawag saking 'Anthony'. Subukan lang ng ibang tawagin ako sa second name ko, magpaalam na rin sila sa academy.

"She's just a someone." tipid kong sagot.

"Woah! May napupusuan na pala ang NGSB natin. Hahaha" Stephen.

Pucha. Kung di ko lang sila mga kaibigan, wala na sana sila sa academy na to. Palibhasa kasi mga paiba-iba ng babae tong mga to, maliban kay Neil. Loyal yan kay Denise eh, girlfriend nya.

Bago pa ako mabadtrip sa pang-aasar ng mga loko, lumabas na lang ako ng tambayan. Kusang naglakad ang mga paa ko papuntang... gym?

Okay? Bahala na nga, makikita ko naman sya eh, hehe.

Fate's Twist in TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon