Catherine's POV
Halos isang oras na kaming naglalakad nitong tour guide ko ngunit hindi man lang sya nagsasalita. Tinitingnan ko lang sya minsan at nakangiti lang sya. Seriously? Kanina pa yang ngiting yan ah! Nasisiraan na ba to? Sabihin nyo nang maipagamot natin. Sayang ang lahi eh.
Oo na! Aamin na. Gwapo tong kasama ko ngayon. Kung showy lang siguro ako, kanina ko pa to nilandi. Catherine! Ano ba yang iniisip mo? Peace po.
Yun na nga. Halos isang oras na kaming naglalakad, isang oras na hindi nagkikibuan, at isang oras na rin siguro syang nakangiti. Ano ba? Excused na nga kami sa sumunod na klase namin dahil sa tour na'to.
Yun pala ang pinagmeetingan. Napagkasunduan na iexcuse muna ang mga transferees at mga mapipiling tour guides sa first day classes. They value us, transferees daw kasi, kaya ayun, pinagtour muna kami.
Ahh! Gets ko na! Kaya ngiting-ngiti tong kasama ko eh kasi excused sya sa class. Naaalala ko pa nga yung kaninang tila ayaw nyang pumasok sa PE class namin.
"Uhm excuse me, Anthony. Alam mo ba na nagsasayang lang tayo ng oras? Mas mabuti pang pumasok na lang tayo sa klase natin kasi hindi ka naman nagsasalita." nasabi ko rin.
Natauhan naman sya bigla.
"Oh sorry. Napapagod na rin ako Angel kaya kumain muna tayo." siya.
Wait lang ha. Did he just say "Angel"?
"Angel?" ako.
"Yep. Ang haba kasi ng Catherine. Tsaka may kakilala na akong 'Cath', nakakasawa na rin." siya.
"Ah okay. Saan naman tayo kakain?" tanong ko.
"Tara! Sa cafeteria tayo!" at hinila nya po ako papuntang cafeteria. Lakas nyang makahila ha.
"Dyan ka lang. Bibili lang ako ng pagkain natin. Umupo ka lang muna dyan." siya.
"Okay." Napapansin ko lang ha. Parang naiiba tong pwestong to dito sa cafeteria.
"Oh my God. Who's that girl?"
"Ang kapal naman nya atang umupo dyan sa pwesto ng Royal Couple."
"Like duh! Nakita ko syang kasama si Mark kanina. Transferee lang sya."
"As in? Nilalandi nya siguro si Mark."
Ako bang pinag-uusapan nila? Malamang Catherine, ikaw ang tinitingnan eh. Bobita.
BINABASA MO ANG
Fate's Twist in Time
FanfictionIt has been a year since the worst tragedy in her life happened. But until now, she still carries the pain that the accident brought because she still blames herself. What if fate will play with her? What if it will give her something that she has b...