Chylie Jerah Chiu POV
Gumising akong tulala. Mali ba talaga ako? E anong dapat na gawin ko?
Pati sila Joy at Shana ay galit din sa akin. Para bang iniwan na talaga nila ako sa ere.
Si Jess ay nabalitaan kong busy daw dahil sabi ng assistant niya ay panay labas sila ng bagong manliligaw niya. Kaya pala lately ay lagi siyang naunang nagpapa-alam at kung minsan ay madaming dahilan upang hindi makasama sa galaan.
Now? I felt alone. I felt ALONE.
Lupaypay ang balikat kong bumangon.
Naligo.
Nag-ayos ng sarili at lumabas ng kwarto para pumasok na sa shop.
pagka-baba ko ay as usual, wala na naman akong nadatnan. Lagi na kasing pumapasok si Mommy sa company kasabay si Daddy.
"Goodmorning Chy!" Bati sakin ni Erika.
I just gave her a weak smile. Dahil wala talaga ako sa mood today.
"Hey, what's wrong? May problema ba?" Hindi ko namalayan na pumasok pala dito sa opisina ko si Erika.
"Uhmn. Nothing. Oh? Kumusta ang bentahan?" Pag-iiba ko ng usapan.
"Eto? Okay okay naman. Lalo na ngayon at buwan ng mga puso. Hehe!" Masayang sagot niya.
"Uhmn..good! Tatawagin kita later. Pahinga lang ako konti." Saad ko sakanya at agad naman niyang nakuha ang ibig kong sabihin kaya tumango lang siya at lumabas na ng opisina ko.
Umupo lang ako sa swivel chair ko at isinandal ang ulo tapos ay pumikit ng mariin.
"Wag kang magagalit sa gagawin ko"
"Wag na wag kang magagalit sa mundo"
"Your life must go on without me"
Paulit-ulit kong naririnig ang mga katagang yan mula sa isipan ko. Yan ang mga katagang nasa huling mensahe sakin ni Brieyah bago siya namatay.
Pilit kong iniintindi ang mga bawat kataga.
So ano ng gagawin ko?
Hindi pa ba huli ang lahat?
Pano na ngayon? E mag-isa nalang ako. Sinong tutulong sa akin?
Then bigla nalang akong napatingin sa labas at nakita ko si Erika na masayang nag-eentertain ng mga costumers. Tama.
Matutulungan ako ni Erika.
Kaya naman lumabas akong nakangiti at lumapit sakanya para tulungan siyang magtinda ng mga items namin.
Ngayon ko nalang ulit ginawa ang ganito. Ang magbenta. Dahil hate na hate kong mag-entertain ng mga tao lalo na kapag hindi ko sila kilala.
Ng medyo kaunti nalang ang mga costumer ay pumasok ako ulit sa opisina ko.
"Hey! Haha! Anong nakain mo?kakaiba ka today ha? Diba hate mong magbenta? What I mean is that...hate mong mag-entertain ng ibang tao? What was that?" Nakangitng tanong niya sakin.
Nginitian ko din siya."haha! Loka! I just missed it. Ginagawa ko naman kasi yan dati."
"Ang galing mo pala magbenta eh! Ngayon lang kasi kita nakita magbenta. Hehe! Kailangan nating mag-celebrate!" Masaya paring saad niya.
Somewhat, napaka-comfortable ng pakiramdam ko sa babaeng to. Nakikita ko kasi sa katauhan niya si Brieyah dati.
Ganun kasi si Erika e. Kahit na hindi ako masyadong nagsasalita sakanya ay para bang ramdam at naiintindihan niya ako.
BINABASA MO ANG
Does FOREVER Exist?
No FicciónBakit may mga taong iniiwan at nang-iiwan? Bakit may mga taong hindi kayang panindigan ang mga binitawang pangako? Bakit may mga taong madali lang para sakanila ang mag-sawa at sumuko? Bakit ang iba, pilit na pinagpipilitan ang sarili kahit na ito'y...