August 3 nung sinabi mong "Akin ka nalang" sobrang saya ko nung araw na yun kahit parang loko lang yun masayang masaya padin ako.
"Ayi lapit ka nga dito may sasabihin ako :D " ganyan ka lagi pag gusto mo kong makatabi papalapitin mo ko sayo tapos hahawakan ang kamay ko at ngingiti kunyari naiinis ako sayo pero sa totoo lang natutuwa ako pag ganyan ka..
Madalas mong hawakan ang kamay ko madalas mo din akong yakapin at halikan ang mga kamay ko... Kaya napapagkakamalang tayo ehh..
Pero madalas mo ding sabihing mahal mo ko. Ewan ko kung totoo kasi ikaw yung tipong hinahabol ng mga babae gwapo ka kasi ehh hahaha pero hindi kita minahal dahil sa gwapo ka.. Minahal kita kasi ikaw yung nagpatibok ng puso ko.. Korni?? Pero ayun talaga yung dahilan. Sinabi ko sa sarili ko na Hindi kita magiging kaibigan..pero tignan mo nga naman ngayon?? Hayst. Sumandal ka lang sa balikat ko habang nilalaro yung mga daliri ko napangiti nalang ako..