03: Monster

1 0 0
                                        


It's been two weeks at hanggang ngayon ay napapanaginipan ko parin ang magkaperohang scenario. Isang babaeng tinatawag ang aking pangalan, ngunit sa tuwing sinusubukan ko itong tignan sa mukha ay hindi ko talaga maaninag ang kanyang wangis. Weird.

Nasa school kami ngayon at kasama ko si Des, katatapos lang ng aming second period at mukhang magkakaroon pa kami nang free time dahil pinatawag lahat ng aming mga professor dahil sa biglaang meeting. Kaya naman, si Kayla ay narito sa aming silid-aralan.

"Sabay-sabay tayo mag lunch mamaya ha," yaya ni Kayla. Actually kahit di naman na niya sabihin dahil simula nung nakasabay na namin siya ay nagtuloy-tuloy narin iyon. Naging magkasundo pa sila ni Des na hindi naman na nakapagtataka dahil parehas naman silang madaldal.

"Ay gora! Libre kuna," si Des. Napalingon naman ako dahil sa sinabi niya, syempre libre daw eh.

"Weh ba? Baka mamaya libreng candy lang pala ulit yan!" Paasa kasi yan e. Sinabi niya samin yan nung nakaraan akala ko libreng lunch yun pala candy, punyemas.

"Nope, real na 'to promise!" At nagtawanan naman sila ni Kayla. Tignan nito 'tong dalawang 'to.

"Yown! Ako na sa drinks." Sabi naman ni Kayla. Ito gusto ko sa dalawang 'to e! Nag s-share ng blessings.

"Yan dapat ganyan, para 'di ako naririndi sainyong dalawa." Biro ko sakanila.

"Ay syempre may bayad yan! Ilibre mo kami fishball mamayang uwian!" Ayown lang. Pero ok lang, mura lang naman yun kesa sa mga gagastusin nila mamaya. Susulitin ko talaga lunch ko mamaya, walang isang butil nang kanin ang matitira.

"Ay Claire, samahan mo nga akong umihi." Aynako talaga, ewan ko dito kay Kayla dinaig pa ang gripo kanina pa kasi ihi nang ihi.

"Tara na!" Di pa ako nakakasagot hinila na ako.

"Go Claire! Haha! Baka di na umabot yan sa cr!" Kantyaw ni Des.

Habang papunta kami sa cr, hindi ko alam kung matatawa o maaawa ba ako sa babaeng ito halata kasi na ihing-ihi na siya.

"Bakit kasi 'di kana pumunta kanina?" Tanong ko.

"Ih... Kaya ko pa naman pigilan kanina, hehe" sabi niya. Oh edi ano napala mo ngayon? Haynako.

Pagkalapit sa pintuan ng cr ay agad siyang tumakbo at pumasok sa isang cubicle.

"Hintayin mo'ko diyan sa labas!" Sigaw pa niya sa loob. Di nako pumasok sa loob, dahil baka marinig ko pa ang pag-ihi niya. Joke! Baka kasi mamaya maihi rin ako e, ganun pa naman ako.

Napalingon naman ako nang marinig ko ang pagbukas ng pinto.

"Oh, kamusta? Ilang galon ng tubig ang naihi mo?" Bungad ko sakanya. Jusme, parang hindi lang ihi ang ginawa nito kasi kung titignan akala mo tinawag ng kalikasan.

"Ewan ko sayo! Halika na nga." Sabi niya, hahaha tignan mo yan siya rin nahirapan sa pinag-gagawa niya.

Habang papunta sa room ay may bigla nalang bumunggo sakin, ang lawak-lawak nang corridor oh! Tapos kami lang ang nandito dahil halos lahat ay nasa loob pa ng room o nasa canteen. Muntik pa ako mawalan nang balanse, tinignan ko ang nakabunggo sakin.

Hindi kuna sana papansinin kaso mukhang sinadya.

"Oops, you're there pala." That fvcking bitch said. Bwisit talaga. That's Trixie, sa dalawang linggo kuna dito ay yang peste nayan ang lagi nalang nanggugulo sakin! Ewan ko ba kung ano trip niyan.

"Claire, tara na. 'Wag mo nalang pansinin." Bulong sakin ni Kayla. Wala akong balak na patulan ang pesteng Trixie nayan kaya pagkatapos ko siyang tignan ay tinalikuran ko nalang siya. Ugh, punyeta talaga! Buti nalang nakapagpigil pa ako.

Celestial AcademyWhere stories live. Discover now