Saluhin at Mahulog (Short Story)

131 4 6
                                    

A/N: Dahil sa pakikinig ko ng 97.1 (wanted sweetheart) at bago ako matulog kagabi kung anu-ano pumasok sa kokote ko. Pero feeling ko hindi related ito sa pakikinig ko ng radyo XD Sana maenjoy niyo ang maikling storya na ito.

*****

Storya ng dalawang magkakabatang may gusto sa isa't isa kaso natatakot magtapat dahil ang akala nila sa isa't isa ay hanggang magchildhood friends lang sila. Nagbakasyon ang kanilang pamilya sa isang lugar kaya naman araw-araw laging magkasama ang dalawa.

"Saan ba kasi tayo pupunta alex?"

"Basta makikita mo rin!" Patuloy sa paghila si alex sa binata. At hanggang sa nakarating na sila sa sinasabing lugar ni alex.

"Ano naman gagawin natin sa puno na yan?" Pagtatakang tanong ng binata

"Malamang aakyatin!" Pilosopong sagot ng dalaga "Gusto ko kasi kumuha ng mangga eh." Natutuwang sabi ni alex.

At parang may kung anong pumasok sa isipan ni francis kaya naman.

"Osige. Ikaw ang aakyat sa puno at ako ang taga-salo ng mga manggang ihuhulog mo sakin."

"Ayy! Ang daya mo naman francis eh, ikaw tong lalaki dapat ikaw na!"

"Sige na ikaw na. Ikaw naman ang may gusto eh."  Nalungkot ang dalaga dahil parang napipilitan lang si francis na samahan siya. Pero hindi niya nalang ito pinansin kasi masaya na siya na nandyan ang binata kahit papano.

"Sige ako na. Paano pagnahulog ako?" Hindi alam ng dalaga kung bakit ito lumabas sakanyang bibig na para bang may pinaparating siya.

"Edi nahulog ka." Para bang nadismaya si alex sa sagot ni francis. Tinanggap niya na talagang may pagkapilosopo ang kanyang kababata kaya naman kahit anong gawin niya hindi magegets ni francis kung ano ang kanyang pinaparating.

"Nakakainis naman ito eh!" Kunyaring patampong sabi ni alex. Pero sa loob-loob niya talagang nagtatampo siya. "Basta saluhin mo ako ah!" 

"Ayoko nga, hindi ka naman mangga eh." Nagpout effect nalang si alex at umakyat na ng puno. SI francis naman ay may kung anong kalokohan naman na naiisip sakanyang utak.

At sa pagiisip niya ay hindi niya namalayan na nahulog na pala si alex sa puno. Buti nalang ay hindi naman ito ganon kataas.

"ARAY!" Sigaw ng dalaga "Francis! Bakit hindi mo ako sinalo?" Naiinis na sabi ni alex. Bigla naman ngumiti si francis na palihim at iniisip niya ito na ang tamang panahon.

"Hindi ka naman kasi sakin nahulog eh." Bahagyang parang kinilig ang dalaga pero pinigilan niya rin ito at sinakyan niya ang kalokohan ng kababata.

"Bakit pag nahulog ba ako sayo sasaluhin mo ako?"

"Depende, kung sakin ka talaga mahuhulog."

"So, sasaluhin mo ako?" Napaisip na naman ang binata, dahil hindi niya aakalain na sasagot sakanya ng ganoon si alex, dahil ang akala niya bibiruin na naman siya nito. Kaya naman itunuloy na niya ang gusto niyang sasabihin.

"Oo, ikaw lang naman ang problema eh." Seryosong sabi ng binata

"Anong problema sakin?" Pagtatakang tanong ng dalaga.

"Hindi ka kasi sakin nahulog, kaya hindi kita sinalo."Parang naramdaman ni alex na makahulugan na ang mga binabato nilang linya ni francis sa isa't isa kaya naman hindi na rin niya napigilan na aminin dito ang nararamdaman.

"Natatakot kasi ako baka pagnahulog ako hindi mo ako saluhin."

"Kaya nga hindi na kita sinalo kasi ayaw mo sakin mahulog."

"Sana sinabi mo na sasaluhin mo ako para nahulog ako sayo."

"Paano pagsinabi kong pati puso mo sana ihulog mo rin sakin?" Namula ang dalaga sa sinabi ng binata parang nagegets niya ang gusto nito iparating.

"Bakit sasaluhin mo ba?" Seryosong sagot ni alex

"Kung ihuhulog mo sakin."

"Sus, matagal na nga nahulog ang puso ko sayo eh. Hindi mo lang sinalo. Kaya hayan, pakalat-kalat."

"Tsk! Matagal na rin akong handang saluhin yan eh. At tsaka kung hindi ko sinalo edi sana may nakadampot na diyan sa puso mo.." Nakangiting sabi ni francis. Hindi na mapigilan kiligin ni alex dahil sa pinagsasabi ni francis.

"Ang daya mo! Akin na nga yang puso ko!" Kunyaring galit na sabi ni alex

"Babawiin pa eh akin na ito! Nahulog na nga sakin di ba?"

"Buti sinalo mo naman!" Nagtawanan silang dalawa at maya-maya'y...

"Mahal kaya kita alex."

"Mahal din naman kita francis eh."

THE END

Saluhin at Mahulog (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon