Chapter 9: I Have To Catch Her

1.4K 41 3
                                    


A/N: After hundreds of light years ay nakapag-update narin. Sorry po talaga sa super duper loooong update. Masyadong busy sa school dahil maraming activities tapos malapit narin ang examination pati intramurals. Sobrang stress.

So here's the update. Medyo lame. Pasensya na talaga. Babawi ako.

_______________________

-Zeryll's POV-

Isang buwan na din ang lumipas simula ng nagbalik ako sa TGA. Nakatapos nadin ako ng mga missions. Balik assassin na naman ako.

Aaminin ko na nami-miss ko ang mag-ama.. Kamusta na kaya sila ngayon? Nami-miss din ba kaya nila ako? I sigh.

"What's the problem, Zeryll?"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses.

"Ikaw pala, boss." Sambit ko ng makita kong si Boss Charlie ang nagsalita.

"Nami-miss mo sila?" Tanong niya habang nakatingin sa harapan.

"M-medyo.." Nahihiya kong sagot at napayuko.

"You can fly back to Philippines and visit them.." Nagulat ako sa sinagot niya..

"Talaga po?" Paniniyak ko.

"Oo naman, take a break for a while.." Sagot niya at nakangiting lumingon sakin.

"Thank you." Sagot ko at pumasok na sa loob.

****

Na-miss ko talaga ang klima dito sa Pilipinas.

Ano kayang magiging reaksyon nila kapag nakita nila ako? Lalo na si Farah. Galit kaya siya sakin? Si Farah lang naman ang ina-alala ko kasi alam kong naiintindihan ako ni Lucas.

Nasa harap na ako ng bahay pero di ko magawang pumasok. Kinakabahan ako sa magiging reaksyon ni Farah. Somehow, I treated her as my own child.

Nagpasya akong tumalikod nalang at tumuloy sa hotel, tatanawin ko nalang sila sa malayo.

Mas mabuti na siguro yun, para di ko na tuluyang magulo ang buhay nila. It's better this way.

Nakatatlong hakbang palang ako ng may magsalita sa likod ko.

"M-mommy?"

Oh God! I miss that little cute voice of hers.

"Mommy? Is that you, mommy?" Naramdaman kong tumakbo siya palapit sakin kaya pumihit na ako paharap sa kanya. I just can't resist this little girl of mine.

"Baby.."

I saw how her face filled with happiness. Tuwang-tuwa siyang tumakbo pasalubong sakin na nakabukas ang mga braso. Sinalubong ko din siya ng yakap at kinarga. I really miss her.

"You're back, mommy. You're back.." Umiiyak siya sa balikat ko habang karga ko siya at yakap.

"Yes, baby.. I'm back. Mommy is back. Hush now, I don't want to see you cry."

Alo ko sa kanya at tumigil naman siya sa pag-iyak. Pinunasan niya ang luha niya saka nakangiting tumingin sakin.

"Farah!"

Natigil kami sa pag-uusap nang marinig namin ang sigaw ni Lucas sa loob na tinatawag si Farah.

"Let's go inside." Farah whispered and giggle. I know she wants to surprise her dad.

Naglakad na kami papasok pero natigil kami ng lumabas sa gate si Lucas at nagkasalubong kami. Bakas sa mukha niya ang labis na pagkagulat.

"SURPRISE!" Farah shouted happily.

TGA: The Lost Ultimate Hacker AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon