Chapter 1: kamusta kana? Shara levinda...

17 0 0
                                    


Nandito ako sa harap ng bahay nila, inoobserbahan at tinitingnan ang bawat pag kilos niya, Hindi padin siya nagbabago. Maalaga at mapagmahal padin siya sa pamilya niya. Pero unti unting nawala ang paghanga ko sa kanya ng biglang May dumating na lalaki at hinalikan siya. Makikita sa mukha nila na mahal na mahal nila ang isat isa. At nakikita ko rin sa mga mata niya kung gaano siya kasaya.
Kinuha ko ang litrato niya
"Kamusta kana Shara" salita na lumabas sa labi ko, "pinipilit kong kalimutan ka, Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na hanapin ka"

Patawarin mo ako Shara, Pero

"Ibabalik ko Lahat ng sakit na pinaramdam mo.
Shara Levinda, nagbalik na ulit ako"

\FLASHBACK/

Six- am na ng umaga at naghahanda na ako para sa pagpasok sa trabaho.

Haaaaaays. Papasok na naman sa trabaho! Ay wait itetext ko muna si Shara, ang pinakamamahal kong girlfriend 🙈

Hi Goodmorning Babe, kumain kana pag gising mo! Iloveyou!

Goodmorning din Babe, Gusto ko lang sana itanong kung pwede ba tayo mag usap mamaya pag out mo sa work?

Sure Babe, tungkol Saan?

hmm, ano kasi babe, Basta mamaya ko nalang sasabihin sayo, kapag nagkita tayo.

okay sige. Basta wag mong kalimutan kumain ng breakfast and mag ingat ka sa pagpasok sa work mo. I love you babe <3

Pagkatapos kong itext si Shara, nag asikaso na agad ako para makapasok sa trabaho. Habang nasa byahe, hindi ko padin maiwasan na mag isip kung anong gustong sabihin sakin ni Shara. Inisip ko nalang baka kailangan niyang umuwi sa probinsya para bisitahin ang lola niya or baka may suprise na naman siyang gagawin para sakin. Hays, shara kung alam mo lang kung gaano mo ko napapasaya sa araw araw.


~ Sa trabaho ~

Thank you sir!  Have a wonderful day!

Hoy Wayne! Anong meron? at bakit parang ang saya mo yata ngayon? naka score kana siguro sa long time girlfriend mo! haha

Pwede ba Liam, tigil tigilan mo ko. Hwag mo kong igaya sayo. Para sabihin ko sayo kaya kong maghintay hanggang sa makasal na kami ni Shara saka nirerespeto ko ang girlfriend ko. Kaya kung ako sayo lumayo kana sa harap ko bago pa kita masaktan.

Grabe ka naman Wayne, ang init agad ng ulo mo. Joke lang brad! Chill ka lang. Alam ko namang mahal na mahal mo ang girlfriend mo. Pero lagi mong bantayan yang girlfriend mo.

Bantayan? hindi na kailangan Liam, kase alam kong kahit kailan hindi ako ipagpapalit ni Shara sobrang mahal ako ng babaeng yon.

Sobrang confident mo naman brad! pero pinapaalalahanan lang naman kita, kasi diba ang mundo ay parang isang palengke madaming magnanakaw kaya mag ingat ka!

Hay nako Liam, puro ka talaga kalokohan. Ang sabihin mo wala kang lovelife!! Hahaha sige na nga aalis na ko Brad! Ikaw na bahala dito mag oout nako!".

Nakapag out na ako sa trabaho at agad agad kong Tinawagan si shara,

"Hello babe, Kaka-out ko Lang sa work, Gusto mo ba dyan nalang tayo magkita sa trabaho mo?

"Hindi na Wayne, sa mall nalang tayo magkita"

"Wait, Anong Wayne? Hay nako babe galit kaba sakin?

"Oh, I'm sorry babe, pagod Lang sa work"

"Okay babe, nagulat Lang ako sayo, but don't worry we will eat in the mall, Magde-date tayo!"

"Ahm, Ikaw ang bahala, Sige na magkita nalang tayo sa mall"

End call.

Bigla nalang pinatay ni Shara ang call, and Hindi ko maintindihan kung Bakit napaka cold niya sakin ngayon. Gusto ko nalang Isipin na baka pagod Lang Talaga siya sa work or Baka stress.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 17, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Definitely your BAD-EXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon