"This tube belongs here, and this one should placed here"
Nakangiti kong inaayos ang mga gamit sa harapan ko, kakatapos lang ang last class ko kaya nagaayos na ako para makauwi. Hinubad ko ang Lab gown ko at kinuha ang bag ko."Courtney, uwi ka na?"Nilingon ko si Ella.
"Nope, It's too early, magshoshoping siguro muna ako, wanna come?"
Malaki ang ngiti ni Ella na tumakbo papunta sakin at kumapit sa braso ko.
"Sure! It's been a while since I last shop, nuod rin tayo ng Movie."
"Can I go?" Nilingon namin si Kyle na dala-dala na yung bag ni Ella.
"Do we have a choice? e hawak mo na yung bag ni Ella?"
Tumawa nalang siya."Wag kang magrereklamo pag napagod ka kakalakad at labas pasok sa mga shop ah. Babatukan talaga kita".Nakasimangot na sabi ni Ella.
"Why do I have this feeling na ayaw mo ko isama ha? Siguro magsstalk ka nanaman sa pangit nayun after nito?" Ella just rolled her eyes and I did the same.
"Hoy! You two. No LQ ! gusto ko ng katahimikan" turo ko sakanilang dalawa.
Nalukot ang mukha ni Ella ."Lq ka dyan. Were not together no"
Nakita ko ang pagtiim ng bagang ni kyle."Wait for me outside ng school, magCc-r lang ako" agad siyang umalis. Tinignan ko si Ella.
"What's the real score between you two?" Titig na titig na tanong ko sakanya, I really don't know kung ano ba talaga ang meron sa dalawang to e.
Sometimes they look like they together, and sometimes they don't! but then, they fight like they are together. Medyo naguguluhan lang naman ako.
"Nothing." Kibit-balikat niya lang sabi. Kumunot ang noo ko.
"No really, what's the score?"
"Kulit lang Courts, wala nga e, as in wala! Torpe siya, tara na" .
Hindi na ako nagtanong at nagpahila nalang sakanya. Bahala siya kung ayaw niyang umamin. Kaya madalas nagkakaproblem sa isang relasyon e, Kung hindi nagaaway laging Denial.
Naglalakad kami sa hallway at naguusap kung anong movie na maganda para panuorin mamaya ng biglang huminto sa paglalakad si Ella at natulala, sinundan ko ang tingin niya at nakita kong titig na titig siya sa room na nahintuan namin, kinalabit ko siya.
"Huy! Anong tinitignan mo?"
"Ssshhhhh, wag kang maingay" lumapit pa siya sa pintuan at sumilip.
"What are you looking in there?" Hindi siya sumagot, hinila niya lang ako sa tabi niya, kinibit-balikat ko nalang ang asal niya at sumilip sa pintuan. Ano ba kasing tinitignan niya?
Ahhh. So room ng mga Seniors to, tinignan ko ang tinititigan ng kaibigan kong hindi man lang kumukurap at nakita ko ang isang matangkad na lalaki,maputi at may mga chinitong mata na tumatawa kasama yata ang mga classmates niya, pero saglit ko lang siyang napansin ng naagaw ng isang pamilyar na mukha ang mga mata ko.
He's Laughing like he's gonna die. At halos maluha luha ang asul na mata nito sa kakatawa. Ang supladong lalaking iyon, marunong palang tumawa. SO he's my Senior! Katulad ng ilang beses ko siyang nakita para kong na hyhypnotize kakatingin sa kanya. This is the first time I saw him like that. Mas gwapo siya. Oh My God!
Ipinilig ko ang ulo ko, at tinitigan ko ulit siya, Ang there I am again, trapped kakatingin sakanya. Mukhang enjoy na enjoy siya sa pakikipagkwentuhan.