Chapter 20*Lists*

5 0 0
                                    

Lily's POV

Pinagmamasdan ko ngayon ang folder na ibinigay sa akin ni Garfield. Natatakot pa kong buksan kung sino ang nasa loob noon. Ewan pero nakakadama ako ng kaba doon sa taong posibleng pumatay sa kapatid ko.

Hanggang sa ilapat ko na ang aking kamay dito at unti unti itong binuksan. Samu't saring mga litrato ng iba't ibang tao na may posibilidad daw na pumatay sa kapatid ko.

Suspect #1
Steven Ivan Gamboa
-Palaging nakikita ito kahit saang lugar na mayroong pageant kung saan kakahok ang biktima na si Lianne Monica Marie Faustino. Isa ito sa hinihinalaan dahil matindi ang paghanga nito sa biktima.

Si Ivan? Matagal na siyang nanliligaw sa kapatid ko , pero hindi ko naman nababakas sa kanya na magagawa niya ito kay Lianne.

Suspect #2
Nathalia Espanto
Ayon sa aking nakalap na kaalaman , siya ang No.1 na matinding kalaban nito sa mga pageant ar base na rin sa sinasabi ng ilan , malaki ang inis nila ng biktima sa isa't isa. Minsa'y nagkaaway na daw sila ng biktima.

Hindi siya pamilyar sa akin. Pero baka maaaaring kilala siya ni Yulesis o kaya ay ni Haye.

Suspect #3
Yulesis Bernardo
Dating nobyo ng biktima at sa tulong ng aking nakalap na impormasyon , ang araw bago mamatay ang biktima ay nagkaroon sila ng away kung kaya't nagpakalayo layo ang biktima at kinabukasa'y natagpuan na.lamang na patay .

Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa dahil maging ang mga insidente ang siyang nagsasabi na nararapat na makasama si Yulesis sa mga taong pwedeng paghinalaan sa pagkamatay ng kapatid ko. Pero imposible to , alam ko at tiyak ko sa sarili ko na hindi ito magagawa ni Yulesis sa kanya.

Suspect #4
Haye Francisco
Suspetsa ito mula sa mga kaklase noon ng biktima. Sinasabing nagkaroon din sila ng away ng biktima bago ang araw na ang biktima'y matagpuang patay.

Si Haye?

"Because I'm in pain . At alam mo kung ano yung masakit?! Namatay siya na still hindi kami ayos and at the same time hindi ko man lang siya pinag explain . "

Biglang nagflashback sa akin ang mga salita na to.

"Ma'am ano hong problema?" , tanong sa akin ni Garfield

"Naalala ko lang , nagkaroon ng away si Yulesis at Lianne nang matuklasan niya na may relasyon din sila ni Haye. P-pero base doon sa nabasa kong scrapbook ng kapatid ko , i-inutusan lang siya ni Mama na agawin si Haye sa akin. Garfield , n-naguguluhan ako"

"Hindi kaya may kinalaman din dito ang mama mo?"

Napayuko ako at sandaling pinagtatagni-tagni ang mga pangyayari.

"P-pero , si Mama ang nag-utos sa akin na hanapin kung sino ang pumatay sa kapatid ko. T-tapos naalala ko dati umiiyak siya at humihingi ng tawad kay Lianne. A-ang gulo. Ang gulo gulo."

Napapailing na lamang ako dahil hindi ko talaga malaman at alam ang gagawin.

"Diba Ma'am , nabanggit po ninyo sa akin na kasama din kayo sa crime scene? Nandoon ka rin po sa mga oras na yon at hindi ba't ikaw rin ang tumawag sa pulisya? H-hindi mo ba nakita ang suspect?"

"N-nagising ako na tadtad na ng pasa sa aking katawan saka mga kalmot at iyon nagising na lamang din ako na patay na si Lianne."

"It means , Ma'am hindi lang si Lianne ang target ng suspect , maging ikaw rin Ma'am. Kaya hindi pa rin natin masasabi na ligtas ang buhay mo"

A-ako?!

"T-teka , a-anong ibig sabihin nito?"

"Target ka rin ng suspect ma'am"

P-pati ako?!!
Bigla akong kinabahan , ano kayang kasalanan namin sa kanya ni Lianne?

"Naguguluhan na talaga ako "

"Ma'am tama ho ba ang narinig ko sa inyo kanina? Tadtad ka ng pasa at ng kalmot?"

Tumango ako.

"Malaki ang posibilidad na babae ang suspect "

Nakahinga ako ng maluwag dahil wala ito kina Yulesis at Haye. Wala sa kanila ang suspect. :)

Maaaring si Nathalia a-at si

AMANDA?!!!

Nagulat ako nang makita ang litrato niya dito.

"T-teka Garfield b-bakit pati siya ay kasama rito?"

"Siya ang sumunod na nobya ng ex ng kapatid mo , kaya nagbabakasakali lang din tayo. Patuloy ko pa ring mamanmanan at iimbestigahan ang mga tao na iyan"

"P-pwede bang isama mo na rin si Catherine? Uhm , kung pwede lang na pati siya pakiimbestigahan. Dadagdagan ko na lang ulit ang bayad ko"

"Wala hong problema ma'am . Balik na lang ulit ako kapag may nakalap ulit akong impormasyon."

*********

"Talaga Lily? Ano ka ba naman?! Halos 8 bwan na atang patay si Lianne pinapaimbestigahan mo pa rin?"

Nagtaka ako sa tono ng pananalita ni Minzy.

"Alam mo Minzy , gusto ko rin na magkaroon ng hustisya sa pagkamatay ng kapatid ko."

"Sus! Sa dami ba naman kasi ng naiiinis diyan sa kapatid mo na yan! Nakuu ang sama kasi ng ugali niya!"

Tiningnan ko siya pero iniwasan ko na tingnan siya ng may pagsususpetsa.

"Alam mo ba , niyaya niyan si Haye na makipag-inuman , at thereafter nagpupupunta dito yan kesyu buntis daw siya!"

Yumuko na lamang ako.

"Tapos malamam laman namin na may boyfriend pa pala yan!! Yung mayaman! Yung Yulesis Bernardo "

Tiningnan ko siyang muli at bakas kay Minzy ang galit sa kanyang mukha.

"Bakit parang galit ka ata kay Lianne?"

"Sus! Ano ka ba?! Eh ubod ng sama ng kapatid mo na iyon ano! Tapos nakakainis talaga ang pag-uugali niya! Hmp. Buti nga sa kanya"

Don't get me wrong Minzy

I immediately text Garfield at isinama sa listahan si Minzy.

Hindi kaya may kinalaman din sila ni Haye?!

***
Hello^^
Enjoy Reading :P

LilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon