IT was already 9 P.M. when Mellisa's last class ended. Paglabas na paglabas niya sa gate ng kanilang eskwelahan ay namukhaan niya kaagad ang lalaking naghihintay sa labas. It was Ian. Nakasandal ito sa saksayan nito at matamang naghihintay. Nilapitan niya ang lalaki.
"Bakit nandito ka pa? Kanina pa tapos ang klase mo, ah," sabi niya kay Ian.
Lumingon ito sa kaniya at ngumiti. "Malamang, hinihintay ka."
Ngumiti rin siya. Kung pwede lang na magtatatalon siya sa kilig ay ginawa niya. But she remains at ease. Nakakahiya naman sa mga dumadaang estudyante, aniya sa kaniyang isipan.
"Let's go?" anito.
Tumango lang siya. Ian guides her way inside the car.
Hindi sila nag-uusap sa byahe. Kapag nagkakatinginan sila ay magngingitian na lang sila at magpapatuloy iyon nang ilang minuto hanggang sa magmukha na silang mga baliw. Pero maganda ang pakiramdam na iyon para kay Mellisa.
Hindi nagtagal ay napansin ni Mell na tinatahak nila ang ibang daan. Hindi iyon ang daan pauwi sa kanila.
"Saan tayo pupunta?" tanong ni Mellisa kay Ian.
"Basta," tugon nito at nginitian siya.
Sinipat ni Mell ang kaniyang relo at pagkatapos ay hinarap muli si Ian. "Gabi na, ah. Saan tayo pupunta?"
"Just wait and see," maikling sambit ng lalaki.
Inirapan niya lang ang lalaki. Hindi niya ikakaila na kinakabahan siya sa kung anumang binabalak ng lalaki. Hindi naman sa natatakot si Mellisa kay Ian, kung hindi sa bagay na hindi nito sinasabi sa kaniya ngayon. This night is very unusual for her. Kung simpleng lugar lang naman ang pupuntahan nilang dalawa ay dapat sabihin na sa kaniya ni Ian kung saan iyon. But the guy did not. Kailangan niya na lang talaga hintayin kung ano ang binabalak ng lalaki.
Nasa gilid sila ng tulay nang ihinto ni Ian ang sasakyan. Tatanungin pa lang sana ni Mellisa ang lalaki kung ano ang ginagawa nila doon ay inunahan na siya ng lalaki.
"I know this is really awkward, and of course you are annoyed because you are tired and wanted to go to sleep. But let me do my thing," sabi ni Ian sa kaniya ngunti hanggang ngayon ay hindi niya pa rin maintindihan ang gustong ipunto ng lalaki.
Bago pa siya makapagsalita ay kinuha ni Ian ang isang puting panyo mula sa bulsa nito. Itinakip ng lalaki sa kaniyang mata ang naturang panyo.
"I really don't get this, Ian," aniya sa lalaki.
"Shhh."
Wala nang nagawa si Mellisa kung hindi hintayin matapos ang ginagawa ni Ian. Nang maramdaman niyang tapos na ito, hinarap niya ang lalaki kahit na hindi namna niya nakikita ito.
"Ano na?" tanong niya rito.
"Sit back and relax."
"Kanina pa ako tanong nang tanong, wala ka man lang kahit isang matinong sagot."
Hindi sumagot ang lalaki, bagkus ay naramdaman na lang ni Mellisa na tumatakbo nang muli ang sasakyan. Hinayaan niya na lang ito dahil kahit ano naman ang gawin niya ay mukhang hindi magsasalita ang lalaki tungkol sa pinaplano nito.
Nagulat na lamang si Mellisa nang biglang nag-preno si Ian. Kinabahan siya. Mabuti na lamang ay naka-seatbelt siya.
"Sorry," hinging-pumanhin ni Ian bago pa siya makapagsalita.
"Ano bang nangyari? Pwede bang tanggalin mo na 'tong piring sa mata ko?"
"Don't worry, you are safe. May malaking bato lang na nakaharang sa daan."
"Malaking bato?" nagtatakang tanong ni Mellisa kay Ian.
"Malapit na tayo."
Ilang minuto lang ang lumipas ay huminto na ang sasakyan. Hindi alam ni Mellisa kung nasaan sila, ganoon din kung anong tawag sa nararamdaman niya.
Narinig niya ang paglabas ni Ian sa sasakyan pati na rin ang pagbubukas nito sa pintuan ng pinto sa kaniyang tabi. Inalalayan siya nitong makalabas sa sasakyan. Natapilok pa si Mellisa nang magsimula siyang maglakad.
"Ano ba 'yon?" Naramdaman niyang hindi patag ang inaapakan niya. Marahil ay mga bato ang mga iyon.
"Dahan-dahan lang," sabi ni Ian sa kaniya.
"Eh kung tinatanggal mo na itong piring sa mata ko para hindi ko na kailangan pang magdahan-dahan. Mga kalokohan mo!" litanya ni Mellisa sa lalaki. Nag-iba na rin ang inaapakan niya. Malambot na iyon ngunit hindi pa rin patag.
"We're here."
Tinanggal ni Ian ang panyong nakatakip sa mata ni Mellisa. Paulit-ulit pa siyang napapapikit sapagkat nanlalabo ang kaniyang mata dahil sa pagkakapiring niyon.
Nang umayos na ang kaniyang paningin, inilibot niya iyon sa paligid. Natutop niya ang kaniyang bibig. Nilingon niya si Ian ngunit nakangiti lang ito sa kaniya at hindi nagsasalita. Inilibot niyang muli ang kaniyang paningin sa paligid. Walang tao. Ang ibig sabihin niyon ay silang dalawa lang ng lalaki ang naroroon.
Napalingon si Mellisa sa langit nang makarinig siya ng ingay mula roon. Fireworks...
Nilingon niya si Ian. He handed her a bouquet of flowers. Tinanggap naman niya iyon. Nagtatanong ang tingin niya kay Ian. Mukhang nakuha naman iyon ng lalaki nang lalong lumapad ang ngiti nito.
"Happy anniversary, my love," anito.
Napakagat si Mellisa sa kaniyang labi. Sobra siyang kinikilig dahil sa ginawa ng lalaki para sa kaniya. Napatakip siya ng mukha sa dahil sa hiya. Mabilis niya rin iyong tinanggal nang may mapagtanto siya.
"Anniversary? Kahit monthsary nga ay wala tayo niyon, tapos ngayon may anniversary na tayo?" hindi makapaniwalang tanong niya kay Ian.
Totoo ang sinabi ni Mellisa. Ang alam lang nila ay mahal nila ang isa't isa at boyfriend-girlfriend na rin ang turingan nila. It's a mutual decision. Pero hindi kasama doon ang eksaktong petsa kung kailan sila naging magnobyo. Hindi nila pinag-usapan ang tungkol.
Tumawa si Ian. "Today is March 30, the same day we first met, the first time I fall in love and probably the last time. So, I consider this day as our anniversary."
Hindi na nakapagsalita si Mellisa. Umaapaw ang saya na nararamdaman niya. Hindi matanggal ang ngiti niya kay Ian.
Napailing na lamang siya. Hinawakan niya sa batok ang lalaki at inilapit ang mukha nito sa kaniya.
"You're so adorable. I might kiss you because of that," aniya.
Ngumiti ang lalaki. "Then, kiss me."
"My pleasure."
So, she did. The kiss was so wonderful. Tila naging romantic ang tunog ng mga paghampas ng tubig sa dagat sa gabing iyon. Pakiramdam niya ay nasa isang isla sila na puno ng pagmamahal...at ayaw na niyang umalis pa.
BINABASA MO ANG
I'll Swim To your Heart
Teen Fiction"I just met him on the pool one day. Isang araw na nagpabago sa takbo ng buhay ko." -Mellisa Please do grab a copy of my novel entitled, "Chances", which is published under Precious Hearts Romances. Thankiiee, guys! :*