"Class exchange papers"Wait!!!!a-ano daw??!!!!
Nohhh!!! Huhu ayaw ko pang makipagpalitan ng papel.
Okay alam kong medyo OA na...Huhu ano nga bang nakakaiyak sa pakikipagpalitan ng papel....Pero kong ikaw kaya ang katabi ng isang Luis Ramirez!!! gwapo,mayaman,mabait (sabi NILA!!!!),One of the top and also one of the crushes in this school,and last but not the least MAYABANG!!!Oppss... Teka alam kong wala na lahat tong kinalaman sa pakikipagpalitan ng papel.Pero kasi naman kasi... Dahil katabi ko sya... oo sa KASAMAANG PALAD,Katabi ko sya.At dahil nga katabi ko sya (paulit ulit Lang haha) nakikita nya kong gano kababa ang mga score ko..wait don't judge me yet!! Hindi ako bobo no... Nagkakataon lang talaga na sa subject na ayaw ko at hindi ko maintindihan at ayaw kong intindihin na subject tumatapat ang pagpapalitan ng papel namin.
"Oh" sabi ko sa kanya sabay tapon ng papel ko sa mukha nya... Haha pero joke lang yon.. Kong pwede nga lang sana itatapon ko talaga yon sa Mukha nya...
"Tsk.Excited na kong malaman ang score mo haha" sabi nya sabay bigay din ng papel nya sakin..tsk ang yabang talaga
Saka hahaha excited talaga yong term na ginamit no?!! Hahaha
Okay waley (-.-)
"Tsk ang yabang talaga"sabi ko ng pabulong"May sinasabi ka?!" Tsk. Narinig pala nya.
"Wala..gwapo ka lang pero bingi ka" pabulong na sabi ko ulit
"Tsk"sabi nya nalang
"Okay class no.1......."ohhhhh. No magchecheck na pala.... Wait bakit nga bah ganto ako kong magreact.. Alam ko naman sa sarili ko na Confident ako sa mga Sagot ko at alam ko din na hindi ako babagsak...(medyo mayabang haha)
hanggang sa natapos nalang yon pag checheck namin at ready na ko sa sasabihin nya....
"Ohh..bagsak ka nanaman hahahaha" sabi nya ng malakas na dahilan para tumingin ang buong klase sakin...sabi ko na nga bah ano pa bang bago(-.-)
Dalidali kong tinignan ang papel ko at nainis ako sa nakita ko dahil 24/30 lang naman ang score ko at hindi naman ako bagsak...pshhh porket 1 mistake lang sya....ang yabang talaga
Nagsisimula naring tumawa ang buong klase... Na pinangungunahan ng mga babae palibhasa gusto nila tong dawson na to kaya.... ang alam NANAMAN nila ay bagsak ako.... ano bang akala nila na bagsak talaga ako at mababa ang score ko ganon.....pero ano nga bah ang magagawa ko.. Kahit anong explain ang sabihin ko hindi naman nila ako paniniwalaan sino nga bah naman ako para paniwalaan nila isang nobody vs. popular like him anong laban ko!?
Yong totoo hindi naman ako pangit I'm Xylean Perez... Hindi pangit... Sabi nga nila cute ako ehhh..at katulad nga ng sabi ko hindi naman ako bobo.. Itong subject lang talaga na ito ang hindi ko talaga masyadong makuha pero nakakahabol naman...kaya wala akong problema sa ibang subject pagnagpapalitan kaming dalawa... Pero kong makatawa sya at makapagsalita akala mo lahat ng subject bagsak ako...tsk..Im a 4th year highschool... At sa subject lang talaga na to ako sobrang pahiyang pahiya na...
"Haha bagsak ka nanaman pala Xylean ehhh haha" sabi ng nagfefeling close kong classmate
"Haha pakopyahin mo kasi minsan Luis"sabi ng isa sa barkada ni dawson na si Justin
"Haha wag na lang noh ano sya chicks haha" sabi pa ng isa nyang kabarkada na si Raphael
"Hahahahaha"tawa nilang lahatHindi ko na kaya.. Kunti na lang at papatak na ang mga letcheng luha ko. Kaya dali dali kong kinuha ang gamit ko at lumabas.hindi ko narin pinansin ang prof namin na tumatawag sakin.
BINABASA MO ANG
"Bagsak ka nanaman"(one shot story)
Teen FictionPano kong may bwisit sa buhay mo!? Na wala nang alam kundi ang sabihan ka ng "BAGSAK KA NANAMAN"psshh ehh di sya na tss...