Prologue
Lumaki ako ng may kulang sa sarili ko. Lumaki ako ng may pagkukulang ang magulang ko. Lumaki ako ng hinuhusgahan. Lumaki ako ng laging isinasawalang bahala. Lumaki ako ng may sama ng loob. Lumaki ako ng madaming bumabagabag sa akin. Lumaki ako ng maraming nangongonsensya sakin. At Lumaki ako ng walang NAGPAPAHALAGA sa akin.
Pero.. kahit ganoon, pinilit ko paring harapin ang bawat araw na sasalubingin ko. Sa ayaw ko man o gusto. Ito na ata ang kapalaran ko. Ang maging gantong anak, kapatid, kaibigan.
Wala halos nagpapahalaga sa akin. O baka pwede ko naring sabihin na AKO lang ang nagpapahala sa akin.
Samahan mo akong ikwento ang buhay ko sa iba. Samahan mo akong ikwento sa kanila ang tunay kong buhay sa likod ng mga ngiting ito. Samahan mo ako, samahan mo ako sa mundong kinalakhan ko.
BINABASA MO ANG
Behind These Smiles... (ShortStory)
Novela JuvenilPAALALA : ang kwentong ito ay hindi full romance. Tungkol ito sa isang tao na may hinanakit sa buhay nya. Mga hinanakit nya sa mga magulang at kapatid. Mga pinsan at kakilala. Ipapakita dito ang tunay na buhay ng isang babae na pilit nagpapakatatag...