eight.

355 10 4
                                    

 Guide:

"EXO." - English

"EXO." - Korean

"EXO." - Chinese

“Ang hirap kasing magpanggap na malakas ka sa harap ng taong dahilan ng kahinaan mo.”

 oOo

=Andie=

“L-luhan?!”

My sudden outburst makes the others jump from their seats. I will never call him by the endearments we had and he too, shouldn’t dare call me with the name he gave me. Siya ‘yung rason kung bakit ayokong may tumatawag sa akin ng Seomin except for my parents. Though hindi naman Seomin ang endearment niya sa akin, ayoko pa rin. Aside from my parents, siya lang ang tumatawag sa akin ‘nun back in China. Simula ‘nung umalis siya, I learned to live by the name Andie Stephanie Tan – the girl whom everybody thought of as a cold person.

“Kilala mo ako?” nagtatakang tanong niya habang tinuturo ang sarili niya. Hahaha. How nice. Nakalimutan na niya ako. Did I really change physically?

“Ang sarap naman pakinggan ng tanong mo. Nakalimutan mo na agad ang babaeng iniwan mo nang walang paalam?” Ako na halos ‘di pa makalimot, siya na halos ‘di pa makaalala. Ang galing.

“S-seomin… Dee…,” sabi niya nang hindi makapaniwala. I saw a hint of tears in his eyes. Akmang lalapit na siya pero pinigilan ko siya.

“’Wag na ‘wag mong subukang lumapit sa akin. Hindi ako si Seomin or Dee. Patay na ang babaeng may-ari ng mga pangalan na ‘yun.” Ramdam ko na may mga luha nang pumapatak so I wiped my tears. Wala na akong pakialam sa reactions ng iba. Ang alam ko lang bumalik siya. At nasasaktan ako.

Tinupad niya ang pangako niyang babalik siya pero bakit nasasaktan ako? Kung kelan wala siya, gusto ko siyang bumalik. Pero ‘nung nandito na siya, hiniling ko na sana ‘di na lang siya nagpakita sa akin. Seeing him just made all the pains and miseries go back. Until now, ramdam ko pa rin ang emptiness kahit ilang metro na lang ang layo niya sa akin. Ang sakit, eh. Ang sakit sakit. Nararamdaman ko na naman ‘yung pakiramdam kung paano maiwan ng isang taong malapit sa puso mo, ng taong mahal na mahal mo bilang isang kaibigan at kapatid. ‘Yung umalis siya na para bang wala kayong pinagsamahan, na para bang hindi ka niya pinagkakatiwalaan, na para bang wala ka lang sa kanya. Kaya pala narinig ko ang pangalan niya; kaya pala nakita ko siyang kasama ng iba sa litrato; kaya pala kada punta ko sa SMEnt. nakikita ko mukha niya kasi konektado silang lahat. Kaya ba siya umalis dahil gusto niyang abutin ‘yung matagal na niyang pangarap? Kaya ba siya sumuway sa mga magulang niya dahil ‘dun?

“Oh. Ano’ng nangyayari dito?” By the voice, it is Aunt Chaeha. “Andie at Luhan, bakit kayo umiiyak?”

I ignore her question at dali dali akong tumakbo palabas ng bahay. Kinuha ko ang susi ng sasakyan ko sa pouch. Tinawag nila ako pero hindi ko sila pinansin. I turn on the engine at pinaharurot ang kotse ko palabas ng village na ‘to.

Gusto kong mapag-isa. Gusto ko lang umalis sa bahay na ‘yun dahil nandoon ang isang taong naging sanhi ng pagbabago ko. Wala akong pakialam kung nilalabag ko ang traffic rules. Wala silang alam sa pinagdadaanan ko kaya wala silang karapatang pigilan ako. Habang nagmamaneho ako, patuloy lang sa pagtulo ang mga peste kong luha. Sinubukan kong maging malakas, pero natalo ako. Siya ang isa sa mga kahinaan ko bukod sa mga magulang ko. Ang hirap kasing magpanggap na malakas ka sa harap ng taong dahilan ng kahinaan mo. Wala na akong pakialam kung nakita man nila akong umiiyak, na ang walang pusong si Andie Stephanie Tan ay umiyak sa harap ng ibang tao.

Living With the Stars - An EXO fanfictionWhere stories live. Discover now