Nang dahil sa facebook at modern technology nabuo ang love story ko.
Hi, I'm reiza 18 years old from Pasig city. (:
Nag-start ako mag-FACEBOOK nung second year high school palang ako, nung una ayaw ko talaga gumawa ng facebook kasi nga may FRIENDSTER naman din kasi ako. (Sana remenber niyo pa ang friendster) kaso that time yung friendster ginawa ng GAME kaya napilitan na talaga ako gumawa ng facebook, hindi rin naman ako nag sisisi na gumawa ako ng facebook kasi marami din akong nakilala at naging kaibigan sa facebook.
Goodbye High school, Hello COLLEGE!
Sa University of the East ako inenroll ng parents ko, MAGANDA daw? kasi dun at pinakuha nila ako ng course na BS TOURISM.
Medyo makalayo din ang University of the East sa bahay namin kasi ang University of the East ay nasa Recto, Manila. Kaya pinag-dorm ako ng parents ko para makabawas din sa gatos sa pamasahe. Tuwing sabado at linggo lang ako nakakapag stay sa bahay kaya kapag nasa bahay ako 24 hours akong nasa harap ng computer, e wala kasi akong laptop o kaya computer sa dorm kaya ganun nalang ako kasabik sa tuwing uuwi ako ng bahay dahil makakapag conputer ako.
June 29, 2012 - Nagmamadali akong umuwi kasi may gagawin kaming project, may binigay kasing samin na group project na documentary about history ng UE or University of the East, video presentation siya. Lahat ng section ng freshmen student na tourism may kanya-kanyang video presentation about nga sa history ng UE. Para makakuha kami ng mataas na grade kailangan MAGANDA, MAAYOS at MARAMING LIKE yung video namin sa facebook.
July 6, 2012 -Simula na ng pagpapalike at hanggang July 9, 2012.
Halos lahat kaming magkaklase umuwi sa kanya-kanyang bahay para makapagpa-like ng marami. (Halos lahat kasi ng classmates ko naka-dorm din kaya umuwi din sila) Gets?
LIKE LIKE LIKE LIKE LIKE LIKE!
Nag-start ako magpalike ng video namin around 9pm hanggang 3am.
Habang nagpapahinga ako sa pagpapalike may nakita akong status ng isa kong friend sa facebook. E nagustuhan ko yung status niya kaya ni-LIKE ko.
After ng ilang minuto may biglang may nag-friend request sakin.
Tiningnan ko yung profile picture niya baka sakaling kilala ko, pero hindi ko pa pala kilala pero may isa kaming mutual friend at laking gulat ko yung mutual friend namin e yung friend ko na nilike ko yung status.
ACCEPT then nag-post ako sa wall niya. "Thanks for the add po. (:"
Tas may nag pop-out yung chat ko.
Him (EN) : Hi ate, thanks po pala sa pag accept. (:
Reply (ME) : no problem, e btw paano niyo po ako na add?
Sympre nagtanong na aki agad.
Him (EM) : Nakita ko po kasi na nilike niyo po yung status ng friend ko kaya inaadd na po kita. Hehehe!
Reply (ME) : Ahhh. Sabi na e.
After ko magreply sa last chat niya nag offline na muna ako para makapagpahinga naman.
Kinabukasan. Same time! Habang nagpapalike ako may biglang nag-chat sakin.
Him (EN) : Hi ate, kumusta ka na po? Bakit gising ka pa po? Masyado na pong late oh.
Reply (ME) : May ginagawa pa po kasi ako, nagpapalike kami ng video presbtation project namin.
Nasa mood ako magreply sa stanger na nagcchat kaya nareplayn ko siya. HAHA! Choosey ko lang noh?
Him (EN) : Ahhh. Kaya po pala, pwde po ba kitang tulungan magpalike?
Reply (ME) : sure. Thanks!
LIKE LIKE LIKE LIKE LIKE LIKE!
ZzzzZzzZzzZzzz -___-
Tapos na ang pagpapalike at nanalo kami. Kami yung may pinakamaraming like. Well! Worth it naman ang pag pupuyat ko diba?
After ng busy weekend nagkatime din ako ulit na ma-solo ang facebook ko na walang inaalala na pagpapalike.
May nag pop out na namab sa char ko at sympre siya na nman.
E nakatulong din naman siya kaya nakikipag chat na ako sa kanya.
HAHAHAHAHA! Sa buong oras naming pag-cchat tawa ako ng tawa sa kanya at nagkapalitan din kami ng cellphone number.
TEXT TEXT TEXT TEXT TEXT TEXT
ONE WEEK na tuloy-tuloy yung pagtetext namin. (: As in yung pagtetext namin walang halong malisya. Basta may kilig lang akong nararamdaman. Ikaw pa naman punuin ng BOLA at hindi ka kiligin.
Kaso nagkataon na naging busy na ako kasi sunod-sunod na yung pagpapagawa samin ng project kaya bihira nalang ako makapagtext at makapag computer.
Sa sobrang busy ko hindi ko magawang magreply sa mga text niya sakin. E nung ako naman nagkatime naman na, nagtetext ako sa kanya kaso wala naring reply siya.
Kaya naisip ko baka nagpalit o kaya binura na niya number ko. Kaya tumigil narin ako sa pagtetext.
Ayun. Naging busy ulit ....... Halos nakalimutan ki na siya. Sa ilang buwan na lumipas may mga dumating na mga manliligaw. Ayyuun! Hanggang ligaw lang talaga sila kasi wala pa sa isip ko ang mag boyfriend that time tska daming kailangan gawin.
October 15, 2012 - Sem break. HAHA! Yeyy! Makakapagpahinga din ako at makakapag celebrateng 18th birthday ko.
To be continued.
Thank you for reading my love story.
Sana hindi ka na-BORED?
I hope you like it.
Follow me/Comment/Share
reccolo ❤