isang malakas na putok ang pumaibabaw sa gitna ng tahimik na lugar habang malakas na ulan.
hindi malaman ng isang babae kung anong gagawin nya .. tumakbo sya ng tumakbo dala dala ang bata na wala pang isang araw nyang naisisilang ..
hinahabol sya ng tatlong lalaki at gusto syang hulihin.
napapatakan na din ang mga walang ka muang muang na mukha ng bagong silang na bata habang umiiyak.
tumakbo sya sa isang bahay sa gitna ng masukal na lugar.. iisipin mong nasa gubat ka pero sadyang ang bahay lang talaga na yun ang tanging malapit na nakatayo sa lugar kung saan sya tumtakbo ..
kumatok sya sa bahay at lumabas ang isang lalaki na nasa tama ng edad at sa tingin nya ay kasing edad lang nya.
sinabi nya lahat ng nangyari at nagkasundo sila.
umalis na sya at pumunta sa isang bayan na tinitirikan ng isang malaking bahay at nakipag ayos sa nagmamay ari nito. nagpakasal sila at nagkaroon ng dalawang anak.