Second Chance

11 0 0
                                    

Kate's POV

"W-woah. Okay, calm down. To be honest, I..." 'Di ko siya tinitignan pero hinihintay kong tapusin niya 'yung sasabihin niya.
"I-I missed you." Hindi ko alam kung ano 'yung sasabihin ko. Tinalikuran ko siya, lumabas ako sa opisina at iniwan ko siyang mag-isa doon. Ano ba pake ko sakanya? Nakakasira ng araw. Pagkabalik ko sa opisina namin, inayos ko na 'yung mga gamit ko at nagpasyang umalis nalang ng opisina. Ayokong masira ng tuluyan 'yung araw ko dahil sa mga walang kwentang tao.

Dumiretso ako sa coffee shop na malapit lang sa building namin. Naupo ako sa usual spot ko, at syempre inorder ko din 'yung favorite frappucino ko, Chocolate Chip Cream. Naki-connect ako sa wifi nila at binuksan ko 'yung mga social media accounts ko. Ang tagal ko ding hindi nakapag-online. Habang nags-scroll ako sa news feed ko, biglang may naglapag ng mocha frapp sa table ko. Tinignan ko 'yung itsura nung naglapag, and wow nice. It's Jacob. Manggugulo na naman siya dito? Tss.

"What do you need?" Di niya ako pinansin at umupo siya sa harap ko. The f?!
"Sino nagsabi sayo na umupo ka dyan?" Pataray kong tanong sa kanya.
"Kate, let me explain please." Wow, explain? Explain na puro kasinungalingan? Wow, just wow.
"Wow. Explain huh?" I heard him sigh.
"Kate, wag kang mag-iskandalo." Inirapan ko lang siya at binalik ko 'yung tingin ko sa phone ko.
Ilang minuto na pero hindi parin siya nagsasalita.
"Ano? May balak ka pa bang mag-explain? Kasi kung hindi, sabihin mo lang. Nasasayang oras ko sa'yo." Pataray kong sinabi sa kanya kahit hindi ko siya tinitignan.
"Just promise to listen to every word that I'll say." I just nodded.
"I know you hate me, galit ka sakin, haha sino ba namang hindi magagalit sa ginawa ko? Kate. You know how much I love you, I really love you. At dahil nga sa sobrang pagmamahal ko sa'yo, kinakailangan kong gawin 'yun. Kinailangan kong makipag break sa'yo." Mahal pero nagawa niyang makipagbreak sakin? Wow ha. I looked at him, then hissed.
"Makinig ka muna sakin, 'di pa ako tapos." Fine.
"Something happened, maski ako nagulat. Nakipag-break ako sayo kasi ayokong masaktan ka." Sinaktan mo na ako, Jacob. Nagawa mo na.
"I want you to be free, ayokong matali ka sa isang relasyon na masasaktan ka sa huli. Gusto kong makahanap ka ng iba, 'yung mapapasaya ka niya." Teka, ano ba pinagsasabi niya. Naguguluhan na ako. Sumaya? Masaya ako sa kanya.
"Kate, may sakit ako. Heart failure. Kahit anong oras maaring tumigil sa pagtibok 'yung puso ko. Ayokong iwan ka, kaya ako nakipaghiwalay sayo. I want you to find other guy, 'di lang naman ako 'yung lalaki sa mundo na 'to na pwede mong mahalin. Oo, masakit pero I want you to be happy. Kahit hindi ako 'yung dahilan kung ba't ka masaya. Kate, 'di kita pinagpalit. Ikaw lang 'yung mahal ko, wala akong iba." M-may sakit siya. Ba't wala akong alam? Ba't 'di ko alam 'yun? Sana kasi sinabi niya sakin 'yun.

I looked at him, sa mata niya. Nagtutubig 'yung mata niya? Jacob, please. Don't cry, hindi ko kayang makita kang umiiyak.
"S-sorry Kate. Sorry sa lahat." He looked at me, he smiled. 'Yung ngiti na pilit.
Tumayo na siya at lumabas ng shop.
Bakit ganito? Gusto ko siyang sundan, gusto ko siyang yakapin, gusto kong ako 'yung mag-aalaga sa kanya. 'Yung galit na nararamdaman ko kanina, nawala na parang bula. Inubos ko 'yung frapp ko at saka ako tumakbo palabas para habulin siya. Pero walang bakas ng isang Jacob ang nakita ko. Umuulit sa isip ko 'yung mga sinabi niya sakin kanina. Ramdam kong sincere siya sa bawat sinasabi niya. I don't know where to find him.

Naisipan kong pumunta sa lugar naming dalawa. Sa may treehouse na malapit sa bahay namin. Umakyat ako d'on. Napangiti ako nang makakita ako ng isang lalaki. I know it's him.
"Jac.." I called out his name. He immediately looked at me.
"K-kate, why are you here?" He looked down.
"Masama ba?"
"H-hindi." Umusog siya para maka-upo ako.
Magkatabi kami ngayon, sa lugar naming dalawa.
Ang awkward ng atmosphere sa pagitan naming dalawa.
"K-kate, can I ask you something?" Nabasag 'yung katahimikan nung nagsalita siya.
"Ano?"
"Ah, w-wala."
Awkward ulit.
"Jacob, I want to give you a second chance." Tinignan ko siya, halatang gulat siya sa sinabi ko.
"I don't want you to get hurt." I smiled at him, alam kong nahihirapan siya ngayon. I want to cheer him up.
"You don't trust me?" He shook his head.
"I want you to be happy, Jacob. 'Di ko magawang humanap ng iba kasi wala akong mahanap na kagaya mo. Kasi ikaw lang 'yung mahal ko, kasi ikaw lang laman nito." Napangiti siya sa sinabi ko kaya napangiti narin ako.
"Thank you, Kate." Hinawakan niya 'yung kamay ko.
"I love you." Tatlong salita lang 'yung sinabi niya at naramdaman kong nag-iinit 'yung pisngi ko.
"I love you too." I said in a little voice. He hugged me and he kissed my forehead. 'Di ko talaga pagsisisihan na minahal ko 'yung lalaking 'to.

Nagkabalikan kami ni Jacob, our relationship now is stronger than before. Sabi nga nila, love is sweeter the second time around. Masaya ako kasi kami parin, kami 'yung hanggang huli. 'Di ko siya pinapabayaan. Lagi akong nasa tabi niya, hindi ko siya hinahayaan na nahihirapan. Kapag may problema, pareho naming lulutasin 'yun. Kapag nagkakatampuhan kami, inaayos na lahat kasi ayaw naming magkaaway kaming dalawa. Our relationship is perfect.

Isang araw, dalawang araw, tatlong araw hanggang umabot ng isang linggo, isang buwan. Walang Jacob na nagpaparamdam. Araw-araw akong naghihintay sa kanya, nakatitig sa phone ko na umaasang may marereceive na message o tawag na galing kay Jacob, pero wala. Umayaw na ba siya?  Sumuko na ba siya?
Ilang gabi na akong umiiyak dahil umaasa ako na magpaparamdam siya.

Isang araw, may nareceive ako na message. Galing sa mama ni Jac, 'di ko alam kung bakit pero kinakabahan ako. 'Di ko gusto 'yung nararamdam ko parang may iba, natatakot ako. Binuksan ko 'yung message..

Anak, wala na siya. Iniwan niya na tayo, isang buwan siyang nasa hospital. Hindi na kinaya ng katawan niya, hija. Natapos na 'yung laban niya.

Napahagulgol nalang ako dahil sa message na 'yun.
Jacob bakit mo ako iniwan? Bakit hindi mo sakin sinabi na nasa hospital ka, para naalagaan kita. Lalaban tayo diba?

Tinanong ko kung saan nakaburol si Jacob. Pinuntahan ko siya.
Habang naglalakad ako papunta sa kabaong niya, nangangatog mga tuhod ko. Hindi ko kayang makita siya ng ganyan pero kailangan. Pagkarating ko sa harap ng kabaong niya, napaiyak nalang ako bigla. Hinawakan ako sa balikat ni Tita, 'yung mama niya.
"Nak, may sulat para saiyo si Jacob." Iniabot niya sa akin ang isang papel. Nginitian ko siya at umalis siya sa tabi ko.

Kate,
Siguro wala na ako ngayong binabasa mo 'to. Pasensya na ha? Hindi ko sinabi sayo na nasa hospital ako para hindi kana mag-alala saakin. Sorry ha? Andami kong kasalanan sayo. Kate, alam mo bang napaka-swerte ko kasi minahal mo ako? Masaya ako kasi sakin ka. :) kasi ako 'yung pinili mo. Salamat kasi lagi kang andyan para saakin, salamat kasi hinding hindi mo ako pinapabayaan. Ngayong wala na ako, 'wag mo papabayaan 'yung sarili mo ha? Lagi kang kumain sa tamang oras, 'wag ka magpapalipas ng gutom. Magpahinga ka para hindi ka masyadong mapagod at hindi ka magkasakit. :) 'wag ka mag-alala Kate, okay lang ako kaya dapat okay ka lang din ha? :D Babantayan kita palagi, lagi akong nasa tabi mo 'wag ka mag-alala.  Mahal kita Kate, mahal na mahal kita sobra. Ikaw lang nasa puso ko. Ikaw 'yung mahal ko hanggang sa huling tibok ng puso ko.

-Jacob

Nakakainis ka Jac! Sobra. Bakit ang bilis naman? Bakit ang bilis mo akong iwan?
Tuloy-tuloy na umagos ang mga luha ko.

Isang taon na 'yung nakalipas. Hanggang ngayon, 'di ko parin matanggap na wala na siya. Andito ako ngayon sa puntod niya.

                   R.I.P
            Jacob Serez
July 24, 1990 - October 9, 2013
          Serez Family
    You will be missed.

Nakahawak ako sa puntod niya.
Miss na kita, Jac. Kamusta ka na diyan? Haha, miss na talaga kita. Nakakainis ka kasi e, iniwan mo ako. Pero okay lang, atlis hindi ka na nahihirapan ngayon diba? Masaya ako kasi ikaw 'yung minahal ko. Hindi ko kailan mang pinagsisihan 'yun, Jac. I love you. I miss you.

May tumakas na luha mula sa mga mata ko. Hays, nakakamiss ka talaga Jac.
Biglang humangin ng malakas, napatingin ako sa paligid ko.

Napangiti ako nang naamoy ko ulit 'yung pabango mo.
Naramdaman ko 'yung yakap mo. You hugged from behind.
Nilingon kita, nakita ko ulit 'yung ngiti mo. Kahit keylan talaga nakakahawa 'yang mga ngiti mo.
"Kate." Pagtawag mo sa pangalan ko.
"Mahal kita." Pumikit ako at hinalikan mo ang noo ko.
Napadilat ako at nawala na naman 'yung mga ngiti sa labi ko. Wala ka na.
I whispered, Mahal din kita Jac.

-----

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon