Prologue - Mr. Right

830 21 3
                                    

POV   MHINE

~Woohh ~'

'yeahhh~~~~

ikaw na ba si Mr. Right?
ikaw nga ba love of my life
ikaw nga ba ang icing
sa ibabaw ng cupcake ko?

ikaw na ba si Mr. Right?
ikaw nga ba love of my life
Ikaw nga ba magbabalik ngiti
saking mga mata?
si Mr. Right Kaba?
Mr. Right na ba?
Mr. Right Ka ba?

Kahit na malabo
at di alam sa'n tutungo
peo di' pagkakait
ang hinihiling ng puso ko

matagal na rin naghihintay tumibok
ang puso ko
Oh sana nga si Mr. Right Ka na........

Ohhhh~~~~

GAME in a count of three 1,2,3

WAHHHH!!! SPLASH~~~

Wahh!! ang lamig ng tubig grrr.. pasigaw kong sabi.

Sa susunod maaga na akong magigising para naman makapagpainit ako ng tubig uhuhuh hirap pag walang heater sa bahay hashtag poorita ako. 

MHINEEEE!!!!

Bigla kong nalaglag ang sabon ko sa inidoro dahil sa sobrang gulat ko. Paano ba naman kasi yung sigaw ni inay sa pangalan ko ay parang pang death row sa malaysia. Yung feeling na  papatayin na ko dahil may nagawa akong masama. Teka may nagawa ba akong masama .. isip isip mhi---

MHINEEEEEEEE!!

PATAY!!! nako nako talagaa at Pinagsasabunutan ko ang sarili ko nang maalala ko kung ano ang nagawa ko .

PATAY YUNG SINAING KO! pabulong kong sabi.

pinatay ko na agad yung gripo sa banyo at patakbong pumunta ako sa kusina para patayin ang nasusunog kong sinaing at harapin ngayon ang aking galit na galit na inay.

hay! napabuntong hiningha na lang ako . Buhay nga naman  wala na ngang heater pati rice cooker wala din kami .

MA! sorry na po hindi na mauulit. Sabi ko sabay beautiful eyes.

Ikaw na bata ka paano kung nasunog na itong bahay natin ha! - Inay

Sorry na po talaga hindi na mauulit promise. Sabay taas ng kanang kamay ko.

Sa susunod na maliligo ka kasi patayin mo muna yung sinaing mo o kaya magtimer ka sa banyo!

Sorry po, nagtimer naman po kasi ako kaso po nung nagalarm na po nadala ako sa ringtone at ayun na po napakanta po ako with matching sayaw pa po.

MHINEE!!

Napangiwi na lang ako sa sigaw ni inay sino bang hindi eh magkatapat na magkatapat lang kami kunbaga face to face. feeling ko tuloy dadami na naman mga tutuli ko nito.

Teka , Linggo ngayon ha bakit maaga ka aalis at bakit ka aalis may lakad ka? Pagiiba ni inay sa usapan.

Napatulala na lang ako sa sobrang dami ng tanong ni inay ?_?

Oh baka  nagtatanga tangahan ka na naman MHINE! at akala mo may pasok ka sa trabaho!- Inay

Oh? diba grabe makatanga naman itong si inay alam ko naman na ganun ako pero ipagsigawan  pa naman na tanga ako hay napabuntong hininga ako ulit .

Ano buntong hininga nalang ba ang isasagot mo sa mga tanong ko?! nakapameywang na sabi ni inay

Ah kasi po pupunta po ako sa kasal ni Frey. sagot ko.

SI FREY?!! IKAKASAL NA?!- Inay

Opo ngayon nga po ang kasal niya . Nakalimutan niyo po? Di ko makapaniwalang sabi.

Ang tanga mo ate  Mhine tatanungin ka ba ni inay kung di niya nakalimutan. Sabi ng kabute ay este  magaling kung kapatid na si joe na  bagong gising lang .

napakamot na lang ako ng ulo kasi may point naman siya.

Magbihis ka na ate mhine baka malate ka pa eh diba 10:00 o'clock ang start? Sabi  ng  kapatid ko at ang sinabi niya  ang nagpagising sa tulog mantika kung utak.

Patay! pagtingin ko pa naman sa orasan namin ay 9:20 na eh yung biyahe panaman papunta dun galing dito ay 45 mins. pagtaxi siguro kakayanin ng 30mins. Pero naman mababawasan na naman laman ng wallet ko uhuhuhuh. sad life </3

Patakbo na akong pumunta sa kuwarto at nagbihis ng mabilis .

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

After 5 minutes

Anak ,Umuwi ka mamaya nang maaga. - Inay

Bakit po?

Ngayon ang Uwi ng Itay mo galing sa hacienda . Gusto ka niya daw makausap importante daw.-Inay

ah ok,  sige po inay alis na po ako. Sabay mano kay inay.

At ikaw!  Turo ko sa kapatid ko 

Ano yun ate?

Tulungan mo si inay sa paglalaba , May pasalubong ka pagbalik ko. Sabay kinindatan ko siya .

Ah sige ate no probs. ahmm ate?  Parang nagaalangan na tanong ni Joe.

Ano ?

Ate kailangan mo na masalo yung bulakalak ng bride mamaya para naman makita mo na si Mr. Right..At mabilis pa sa alas kwatro ang pagtalikod ng kapatid kong si Joe sakin.

Napangiti na lang ako sa sinabi ng kapatid ko. Nang mapagtanto ko,  na pang 30 na kasal na pala ang pupuntahan ko ngayon. Sana this is the right time na ako naman ang makasalo ng bulaklak na iyon. 

For the sake of  love . Humanda ka Mr. right mahahanap din kita !

MHINEEE!!

PATAY NA NAMAN AKO KAY INAY .

Kaya naman Tumakbo agad ako ng mabilis at pinarahan agad ang nakita kong taxi.

Yung sabon  sa inidoro :(

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

A/N:

Aldub is love. Fan po ako ng aldub grabe nakakakilig po talaga sila. uhuhuh at dahil isa akong dakilang fan ginawan ko po sila ng story. Sana po ay magustuhan niyo :)
















Mr. Right Meets Ms. Right  #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon