Paasa Lang Pala

117 7 9
                                    

Author's Note: Dedicated to myself. Hindi ito ang pinakamagandang story na nagawa ko. Pero malaki ang impact nito sa akin. Hahay! Ang daming paasa at umaasa sa mundo. Tama na! Chos! Paki-play na lang din ng video.



*****


Her POV



"Kumusta ka na pala?" tanong na nagmula sa kanya. Simple lang ang mga salitang ginamit niya at ilang beses ko nang narinig. Pero iba ang dating sa akin. Simpleng tanong lang na galing sa kanya, pero sumasaya na agad ako.


"Ayos lang." napangiti ako matapos sagutin ang tanong niya. Marahil dahil iniisip kong kaya siya nagtatanong ay dahil nag-aalala siya. At hindi ko mapigilang pamuluhan sa naisip ko habang nagpipigil ng kilig.


Mabuti na lang at hindi ko siya kaharap. Sa facebook lang kami nag-uusap, kung pag-uusap bang matatawag iyon.


"Ah ganun ba? Hehe, eh ang lovelife?" reply niya ulit sa akin.


Natigilan ako sa tanong niya. Bakit kailangang ungkatin pa ang bagay na iyan? Alam naman niya ang totoo.


Pero isinintabi ko na lang. "Ano pa bang dapat isagot diyan? Siyempre, wala." sagot ko naman. Hindi ko rin inakalang mauuna siyang magchat sa akin. Hindi niya kasi ugali ang ganoon.


"Ah, mabuti naman. :) Huwag kang mang entertain ng iba ah. " nagtaka ako sa reply niya.


"Anong ibig mong sabihin? Bakit?" tinipa ko iyan sa keyboard at sinend sa kanya. Mayamaya lang ay nagreply ulit siya.


" Wala! Wag mo na lang pansinin." hindi na ako namilit pa. Wala akong ganang mangulit ngayon lalo pa at siya ang kachat ko. Ayaw niya sa mga makukulit eh.


"Okay." yan lang at sinend ko na sa kanya. Lumipas ang ilang minuto pero hindi na siya nagreply pa.


Gusto kong magsend ulit ng message sa kanya. Pero pinipigilan ko lang. Ayoko siyang pilitin kung ayaw niyang makipagchat sa akin.


Pero, minsan na nga lang siyang magchat eh! Palalampasin ko na lang ba?


Hindi, nakapagdecide na ako diba? Na kakalimutan ko na siya.


Napabuntong hininga na lang ako sa naisip ko.


Hindi ko mapigilang alalahanin kung paano nagsimula ang lahat.


High school ako nung nagkakakila kami. Kaklase ko siya. Naging malapit ako sa kanya dahil na rin sa mabait siya. Kaibigan ang turing ko sa kanya pero habang tumatagal ang panahon, ramdam kong nag-iiba na. Bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nandiyan na siya. Pero pilit kong binalewala iyon.


One time, sinabi kong gusto ko siya. Biro lang naman iyon pero pakiramdam ko galing yun sa puso ko. Ngumiti lang siya at hindi na nakipaglokohan pa. Alam na naman niyang biro lang din yun.

Paasa Lang Pala (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon