I'm Left Broken

40 6 4
                                    

Been inspired by someone! Thank you for checking out this crap!

--

Dear Clark,

Clark Ford Domingues. 1st year college noon, mag-isa kang pumasok sa room, di kagaya ko kasama ang buong barkada. Ang suot mo no'n ay blue polo shirt at black pants, nakataas din ng kaunti ang buhok mo na bumagay naman sa'yo. Kitang-kita ang maputi mong braso na kinalalagyan ng isang weird na bracelet, habang sa kabila naman ay nakakabit ang itim mong relo. Maging ang naging epekto mo sa mga kababaihan ay kapansin-pansin, napahinto sila sa pagk-kwentuhan at napatingin sa'yo.

Dumating yung professor at sinabing magpakilala tayo isa-isa. Hindi ko na pinakinggan ang mga pangalang binabanggit ng bawat-isa sa classroom, ung sayo lang naman kasi ung habol ko.

Kaya naman nung ikaw na ang magpapakilala, all ears agad ako. Doon ko nalaman ang pangalan mo, at kung ilang taon ka na. Magka-age lang tayo pero ung mukha mo kasi angelic, maamo. Pinaupo ka na nung Prof at kung sinuswerte nga naman ako, sa tabing upuan pa kita umupo kahit na may naupuan ka naman na kanina. Syempre kinilig naman ako. Nagka-crush na ata ako non sa'yo?

Lumipas ang ilang araw, nakita kong nagkaroon ka na ng kasama. Hay buti nalang. Hindi ko na kasi kayang hindi ka lapitan at makipagkaibigan sa'yo kahit na ba iwan ko muna ung barkada ko. Nakakaawa ka kasi, wala ka pang kasama. Pero ngayon okay na.

Ilang buwan ang nagdaan. Minsan nakakausap kita, kaya nga lang mas close ko ung kabarkada mo. Naa-awkward kasi akong kausapin ka ng matagal at makipagtawanan sa'yo. Crush nga kasi kita diba? Kaya ayun, papatagal ng papatagal ung crush ko naging like na.

Para sa akin kasi magka-iba ang crush, like, at love. Sa crush it's pure attraction, kumbaga puro looks lang ang basehan dito. While with like it is an attraction with attitude, looks plus the positive attitude/behavior of someone. And sa love it's almost the same with like but love is deeper, because when you love someone it's not all about the looks and the good attitude, it's also about accepting his flaws and imperfections. So all in all, for me crush, like, love are stages. You will start with crush then it will become like until you will love that someone.

Naaalala ko pa, palagi kong sinusundan ng tingin ang bawat ginagawa mo. Pinagmamasdan ang bawat pagngiti ng iyong mga mata. Creepy siguro tingnan pero 'yun ang totoo. Nagsisimula na kong maging creepy stalker nang dahil sa'yo.

At nung birthday ko. Nagulat ako nang bigla kang lumapit nang may dalang rose! Alam mo bang muntik ko nang ikamatay yon nang dahil sa sobrang kilig? Feeling ko sandaling nagmalfunction ang circulatory system ko. Kaso nga lang, sa mga kabarkada ko pala galing iyon at ipinabigay lang sayo. Nadismaya ako syempre, akala ko kasi kusa mo iyong ginawa. Pero kahit na ganon, kahit na panandalian lang ang kilig. At least naramdaman ko iyon.

Baon ko ang kilig na'yon araw-araw. Parang naging vitamins ko nga iyon para magkaroon ako ng ganang pumasok sa eskwelahan. Kaya lang kumalat ang balitang may crush ka daw. Matalino, talented, at maganda. Si Elle Kimberley Montelco. Unti-unting nawala ang saya ko, ung kilig na vitamins ko unti-unting naexpired. Hay.

Pero tumagal ng tumagal parang hindi naman. Para bang rumor lang ang lahat. Kaya naman medyo nabuhayan ako ng loob. Lalo na nung dineny mo ang lahat. Halos tumalon ako nung marinig ko iyon. Nailibre ko nga ang buong barkada ko nung araw nayon. Sana lang wala ng rumor na ganun ang lumutang pa. Umaasa kasi ako e.

Dumating din iyong time na naging close kami ng parents mo. Second year na tayo non. Naging kachat at katawagan ko yung ate mo. At nung nagbirthday naman yung kabarkada mo, inimbita rin nya kami kaya kasama kami non, medyo ginabi tayo. Nagpasundo na ung iba hanggang iilan nalang tayong natira. Maya-maya pa dumating ang buong pamilya mo, ang cute lang kasi talagang buong pamilya mo pa ang sumusundo sa'yo. Inalok nila akong makisabay na. Buti pa sila alam na malayo ang bahay ko, ikaw kaya? Hm. Ano bang klaseng tanong yan? Syempre hindi mo alam yun, sino ba ako. Pero natuwa naman ako na hindi ka nagreklamo o tumutol sa pag-aaya ng magulang mo, ibig sabihin gusto mo or okay lang sa'yo. Well, that's a sign.

I'm Left BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon