CHAPTER 20 : Let me go

1.1K 14 2
                                    

 

As I promised, dedicated to my friend IMINFINITE00. Lovelots Popsy. Hihi. Super thank you sa mga nagbabasa, nagvo-vote at specially nagco-comment dito. MAHAL NA MAHAL KO PO KAYO. =)))) Usap tayo sa Twitter? @AbbyMiiiles :) Sorry, dapat kahapon ko ‘to i-publish pero ayaw eh. Huhu. Anyway, makakatakas ba si Chandria? Please read. ~ A/n

 

***

 

 

CHAPTER 20 : Let  me go

 

 

CHANDRIA’S POV

 

 

Unti unti kong minulat yung mata ko. Nasa’n ba ko? Parang bodega nanaman to. Pero medyo maliwanag naman.  Tiningnan ko naman yung relo ko. 9:54. Maliwanag kaya umaga siguro ngayon. Pero bakit ba kasi ko nandito? Aalahanin ko yung nangyari…

Ah! Alam ko na! Papauwisanako pero may sumusunod sakin na lalaki kaya naisipan kong bumalik sa shop para sunduin ni Lance. Tapos… Ayun! Merong nagtakip sa ilong ko then nakatulog nalang ako. Aish. Eh naguguluhan parin ako. Kung kidnap to. Sino naman pagpapakidnap sakin? O.o

Eto lang mga pamimilian ko, una, baka nalaman ng mga kalaban ni Dad na ako yung anak nila kaya gagawin nila kong alas para makuha ulit yung yaman nila kay Daddy. Pangalawa, baka si Mia nanaman?! Pag siya talaga gumawa nito sakin, nako! Makakatikim siya ng suntok! Lalagasin ko buhok niya sa ulo Uh. >< Ba’t ba eto iniisip ko?! Kelangan kong makatakas dito!

Gumalaw galaw ako pero yung paa ko naka-kadena. Di ko naman  ‘to pwedeng ngatain. Masisira lang ipin ko. Makapaghanap nga ng lagari. Pero mukhang walang lagari dito. Natigilan naman ako ng biglang may nagbukas ng pintuan. Bumungad sakin yung isang lalaki na mata lang yung nakikita dahil nakatakip yung buo niyang mukha tapos nilagyan niya ko ng pagkain sa harap. Magtatangkasana kong suntukin siya pero di ko siya naabot.

“Hoy panget! Sino ka ba?! Sindikato ka ba?!” Sigaw ko dun sa lalaki. Oo, sinabihan ko siyang pangit. Pano kasi ayaw niya ipakita yung mukha niya kaya sabi ko pangit siya. K. Nevermind.

“Hoy miss umayos ka ah? Napag-utusan lang ako.” Sabi ni Panget.

“Nino?! Ikaw ba yung lalaking nagbabantay sakin sa shop?!”

 

“Eh kung ako nga? Magagawa mo?”

 

“Aba loko ka ya! Tara nga dito! Kundi lang nakatali isa kong paa baka sinuntok na kita jan eh!”

 

*boog!*

 

Way Back Into Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon