"Martin maghiwalay na tayo" malamig na sabi ni Iris sa kasintahan
"huh? Bakit? Ok naman tayo diba? May mali ba akong ginawa? May ayaw ka ba sa akin? Just tell me babaguhin ko kaagad" nagtatakang tanong nito sa girlfriend
"wala .. basta ayoko na" sagot ni Iris sa kasintahan at inaayos na nya ang gamit at tumayo na. Dali daling syang lumabas sa restaurant na pinagkitaan nila.
"wait! Babe naman don't do this to me... may iba ba?" sabi ng kasintahan ng maabutan nya ito at nahawakan sa braso.
"ano ba?! Its just that ayoko na! gets mo ba?.." sigaw nito sa nobyo at tinanggal nya ang pagkakahawak sa braso nito.
~~
"uy best nabalitaan mo na ba na hiwalay na si Albert at ang girlfriend nya?.." kaagad na bati ni Cassandra sa kaibigan na nakatulala sa may bintana at nagkapangalumbaba
"hoy Iris!" sigaw nito sa kaibigan ng mapansing tulala ito at hindi narinig yung sinabi nya
"oh Cass nandyan ka na pala" bati nito sa kaibigan na may ngiti
"ay naku! Kanina pa po.. ikaw tong tulaley" mataray na sagot nito sa kaibigan at umupo sya sa tabi nito.
"sorry may iniisip lang kasi ako.." palusot nito kay Cass
"at ano naman yang iniisip mo at kailangan tulala ka at di mo pa napansin yung kagandahan ko.." pabirong sabi nito
"di naman masyadong importante.. ano nga pala yung sinasabi mo kanina?" pagiiba ni Iris ng usapan.
"ang sabi ko naghiwalay na si Albert at yung girlfriend nya.." tuwang tuwang sabi ni Cass.
"a-ah ganun ba?.. edi maganda may chance ka na.." nakangiting sagot nito.
"baliw! Chance ka dyan paano naman mangyayari yun eh hindi naman ako kilala nun.." kinikilig na sabi ni Cass.
"madali lang yan.. tutulungan kita... and im sure magiging kayo bago tayo makagraduate ng college." Paninigurado ni Iris sa kaibigan
"wow ha! Parang sure na sure ka ha? Pero salamat.." sabay yakap sa kaibigan.
"naku ikaw pa ba.. lakas ka sa akin" yakap pabalik nito
"teka kamusta pakiramdam mo? Nakabisita ka na ba sa doctor?" bumitaw si Iris sa yakapan nila at tiningnan ng seryoso ang kaibigan.
"yes maam! Nakapunta na po ako sinamahan ako ni lola kahapon.." sabay kurot sa ilong ni Iris.
"aray ko naman! Kamusta naman daw?" nagaalalang tanong nito habang hinihipo hipo pa ang kinurot na ilong.
"ganun parin.. pero wag ka magalala best friend ko im taking all my medicines sa tamang oras and I eat healthy and sleep good.." pagpapanatag nito sa sa loob ng kaibigan.
"naku! Dapat lang ay teka pakopya pala ako ng ako ng assignment sa accounting.." sabay labas ni iris ang activity sheet nya
"hala! Wala rin ako panu yan.." kumakamot naman sa ulo si Cass ng marealize na wala din syang assignment.
"hahaha.. magbestfriend nga tayo! Tara magcut na lang tayo" yaya ni Iris sa kaibigan.
*After 1 month
"best!" nangibabaw ang boses ni Cassandra pagpasok nya ng classroom napatingin tuloy yung mga ka blockmates nito sa kanya.
"best!" tuloy parin ang pagtawag nito hanggang sa nakaupo na sya sa tabi ni Iris.
"ano bang problema mo at kailangan nakasigaw ka.." nagtatakang sagot nito sa kaibigan
"iiihhh.. wait lang kinikilig pa ako.." sabi nito sa maarteng boses at halata ang pamumula ng buong mukha nito.
BINABASA MO ANG
A Bestfriend's love (one shot)
Short StoryA bestfriend isn't someone who's just always there for you. Its someone who understand you a bit more than you understand yourself.