Chapter Payb
Aray ang sakit naman nun. Bakit ba bigla bigla nalang sumasakit tong tagiliran ko? Hmm. Baka masyado nang napapagod tong katawan ko kakatrabaho at asikaso sa bahay.
“ma, alis na po ako. Ma, magoovernight po kami sa bahay ng classmate ko para sa project namin. May dala po akong damit. Sabado naman po bukas. Sige po ma” – sabay halik ko sa pisngi ni mama pero umiwas sya.
“o sige, layas na. umuwi ka ng maaga bukas nang mapakinabangan ka.” – mama
“sige po” tuluyan na akong lumabas sa bahay.
Minsan napapaisip ako eh. Masarap din silang maging magulang. Kasi tignan mo ah. Kahit isa akong babae pinapayagan lang ako mag overnight . ni hindi nga tinanong kung san yun? Kung sino yung classmate ko. Wala man lang sinabi na mag-iingat ka anak, alam mo namang marami nang lokoloko ngayon. Ingat. Iloveyou .
Yan yung mga simpleng mga salita lang na hinahanap hanap ko sa mga magulang ko. Pero ni minsan di naman nila ako nasabihan ng mga ganyan.
Naglakad na ako papasok sa school, medyo malayo sya dahil kung lalakarin ko sya ng medyo mabilis aabutin parin ako ng 25 minutes.
Ays. Exercise den to noh! After square miles per centimeter cube. Nakarating na den sa school.
Eto na ang school! Isa sa mga lugar kung san pwede akong maging malaya. Walang nag uutos sa kin. Walang nangingialam sa mga ginagawa ko. Pero, maraming tao ang humuhusga sakin.
Di ko den alam kung pano ko nalaman eh. Basta ang alam ko hinuhusgahan nila ako.
Naks! Lakas ng pakiramdam. Animal instinct.
“hi Trisha! Musta na ang muchachang prinsesa ?! haha” sabi ni Chona pagkayakap sakin.
“haha, baliw ka talaga . eto okay parin naman ! excited na ako sa overnight natin mamaya kala Janine .” – me
“haha, ako nga din eh. Buti pinayagan ka ng mudra mo?” – Chona
“haha, oo naman. Choz. Wala namang pakialam sakin yung mga yun kaya okay lang kahit san ako matulog. Pero pinapauwe nila ako nang maaga” sabi ko habang umaakyat kami sa hagdanan.
“wow! Sinabi talaga nila yun ?! miracle!” – Chona
“baliw. Concerned lang yun kunware, syempre may kadugtong yung sinabi nya noh, sabi ni mama, umuwi ako nang maaga nang mapakinabangan. Haha . asa ako men!” – sabi ko nalang.
“ayy grabe!” – Chona
Sya si Chona Legaspi, bestfriend ko. Sa kanya ko sinasabi lahat ng ginagawa sakin ng mga magulang ko, pamilya ko.
Naiintindihan nya ako. Sya lang naman ang nag iisang nagtyatyaga sa akin eh. Hehe.
Pumasok na kami sa loob ng classroom!
“Hello Trish!”
“hai Joy”
“hai Trisha”
“hoi Joyie”
“hey Trishiie beybi”
Haha . baliw talaga tong mga classmate ko. Nakakatuwa sila.
Tumawa nalang ako.
Itong kwartong ito. Dito lang ako nawawalan ng inaalala sa buhay. Dito lang ako nagiging masaya kahit minsan.
Sila, mga classmates ko. Isa isa sa mga nagpapasaya sakin. Bukod sa mga stuffed toys ko sa kwarto. Sila sila lang.
BINABASA MO ANG
Behind These Smiles... (ShortStory)
Teen FictionPAALALA : ang kwentong ito ay hindi full romance. Tungkol ito sa isang tao na may hinanakit sa buhay nya. Mga hinanakit nya sa mga magulang at kapatid. Mga pinsan at kakilala. Ipapakita dito ang tunay na buhay ng isang babae na pilit nagpapakatatag...