Chapter Seben
“ Lintik ka Trisha! P*nyeta! Di ba sabi ko umuwi ka nang maaga ?! anong oras na ?! ALAS DOSE na nang tangahali! Lintik kang bata ka! Pinapasakit mo ulo ko!!!!!” sabay hampas sakin ni mama ng mga damit nyang nilalabhan.
“ma, di ba nga po sabi ko pinakain muna kami nung magulang nung classmate ko. Nagtext naman po ako eh. Sorry na po” sabi ko habang umiiyak at pinupulot yung mga damit na hinampas nya sa akin.
“Sorry sorry! Nyeta! Ano! Bagong manicure lang ako! Tapos dahil hindi ka lang umuwi nang maaga! Eto! Ako na naglaba ng mga gamit! Nasayang lang yung binayad ko sa manicure!!!! Hayoooop kang bata ka!!!! Lintik!” sabi ni mama nung lumapit nanaman sya sakin at sinabunutan ako ng todo.
Napaupo nalang ako at umiyak
“Ma, grabe naman. Manicure? Haha. Wow. Sorry ma ha. Yaan mo. May ipon po ata ako sa taas, papamanicure ulit kita ma. Sorry naman po. Di ko naman alam na mas mahalaga pa ang manicure kaysa sa akin.”
Tumayo na ako .
“p*nyeta! Natututo kanang sumagot sagot ha ?!!”
Sabi ni mama, tsaka ulit lumapit sa akin at pinasubo yung panyong nilalabhan nya.
“ma, tama na po. Ayoko na. sorry po. Sorry” sabi ko kay mama habang nagpupumiglas dahil gigil na gigil sya sakin.
“sige ! umakyat ka don! Magbihis ka! Ligpitin mo tong lahat! Lintik. Di mo talaga ako papatahimikin eh. Pinapainit mo ulo Trisha Joy! Bilisan mo at naiirita na ako sa mukha mo!” sabi ni mama
Kumaripas nalang ako nang takbo sa taas, umiyak muna ako doon, para naman pagkababa ko ayos na. wala nang luha na papatak sa mga mata ko. Kawawa naman eh. Ngingiti nalang ako. Di ko dapat kalungkutan tong mga toh. Ngiti Trisha. Ngiti.
Inayos ko na ung nilabhan nya . binanlawan ko na at sinampay. Pagtapos nun, naglampaso na ako sa loob ng bahay. Naglinis ng mga kapa kapa, silong at kung anu ano pa.
“kain na po.” Sabi ko. Dahil tapos ko nang lutuin ang kakainin namin ngayong gabi.
“bakit adobo nanaman ? wala ka na bang ibang alam lutuin kundi adobo ?! ha?! “ kuya
“eh kuya ano, wala namang ibang pwede maluto eh.” Sabi ko
“nako, sumasagot ka pa! ang sabihin mo . wala kang alam dito sa bahay. Kaya ganyan!” sabi ni kuya
“ok po” sagot ko nalang nang may pagkasarkastiko.
Napupuno na kasi ako kuya eh. Sorry naman.
“hoy umayos ka nga ng sagot sa kuya mo, baka masampal kita. Lagas yang mga ngipin mo. Sinasabi ko sayo” sabi ni papa
Ano bang mga luha ka. Wag nga kayung bumagsak. Ktong kayo sa kin mamaya. Parang yun lang yung sinabi. Iiyak ka. Magpakatatag ka nga.
“sige po . sorry po pa, kuya.” Sabi ko sabay ngiti ng malapaaaad. ^_____^
Pinapatuloy na namin ang pagkain at nag ayos na ako. Sa wakas. Sa dami nang nangyari ngayung araw makakatulog na ako. Bukas Linggo. Magsisimba ako.
BINABASA MO ANG
Behind These Smiles... (ShortStory)
Fiksi RemajaPAALALA : ang kwentong ito ay hindi full romance. Tungkol ito sa isang tao na may hinanakit sa buhay nya. Mga hinanakit nya sa mga magulang at kapatid. Mga pinsan at kakilala. Ipapakita dito ang tunay na buhay ng isang babae na pilit nagpapakatatag...