Chapter Nayn

84 5 1
                                    

Chapter Nayn

“hmhmmmm” ungol ko . napatingin ako kung saan ako nakaramdam ng sakit.

O_________o

Anung nangyayare? Bakit.. bakit ako nandito ??

Nakita ko nalang kasi na nakasuot na ako ng hospital gown at tinuturukan ako ng kung ano nung nurse sa braso ko.

“ouch” sabi ko

“ayy, gising na po pala kayo maam! Sa wakas. Saglit lang po at tatawagin ko yung mama nyo sa labas.” Sabi nung cute na nurse sa akin.

“huh ? miss bakit ba ako nandito ?? uy.. nurse...” hindi na ako pinansin ng nurse at nagderetso sa labas para tawagin si mama.

Bakit kaya ako nandito ?? wala naman akong sakit ha ?? tsaka bakit parang tuwang tuwa naman yung nurse na nakita akong gising na!? ngayun lang ba yun nakakakita ng nagising na pasyente?? Malamang !!! gigising talaga ako!!!

*creeeeeaaeeeaaakkk*

Sabi ng pinto. Eeeh.

Nakita ko agad si mama. Nakangiti sa akin. Wait lang! nananaginip ba ako?! Bakit nakangiti si mama sa akin !? wait! Am i dead?! Am i in HEAVEN ?! its a miracle.

Magsasalita pa lamang sana ako para batiin si mama, pero nag iba na.. iba nanaman.. :(

*PPPPPPAAAAAAKKKKKKK*

Ouch . sinampal ako ni mama. Wait lang! nakangiti kanina si mama nung pumasok ha ?! nakangiti sya diba !?! diba ?!!!!!!!

“ano ?! masaya ka ?! inaaksaya mo yung pera na pinaghihirapan ng tatay mo! Tas magkakasakit ka ha !? alam mo bang tatlong araw ka nang nakahilata jan !!! di mo ba alam na ako ang nagkakandahirap na magbantay sa yo ha ?! di mo man lang iniisip yung kalagayan ng iba ?! laging sarili mo nalang iniisip mo?! Alam mo bang gumastos na kami ng malaki?! Alam mo bang nasa pribado kang hospital ha ?! alam mo ba na ang daming gamot, suero, gamit, tests na pinapagawa sayo?! Alam mo bang ang laki ng perwisyong ginawa mo ?! ha!!!!! Lintek ka talagang bata ka! Sakit ka ng ulo!!!!” sabi ni mama na galit na galit.

Di ako makasagot. Di ko alam ang isasagot. Halo halo tong nararamdaman ko. Ang daming tanong na namumuo sa utaak kong gulong gulo.

Bakit ako nandito sa hospital? Anong tatlong araw daw ako nakahilata? Bakit nagagalit si mama na ginastusan nila ako dahil may sakit daw ako? Ano naman yung sakit ko? Malala ba? Mamamatay ba ako???

Ang dami ang dami dami kong gustong itanong. Pero parang umurong yung dila ko. Di ako makapagsalita dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay mama. Nagagalit ako sa kanya. Naawa. Gusto kong magsorry dahil nahihirapan sya sa pag alaga sa akin. Alam ko naman na ayaw nya akong alagaan pero pinilit nya parin. Gusto kon magalit dahil mas inaalala nya pa yung pera na ginastos sakin kaysa sa kalagayan ko. Gusto kong mainis dahil pagkagising ko sampal agad nya yung natikman ko. T^T sana  hindi nalang ako nagising.

“ ANO?!! Iiyakiyak ka nalang dyan ha ?!!! kung di lang pinilit ng papa mo na ipagamot ka. Di naman kita pagaaksayahan ng panahon. Pinapagod mo lang ako

“ bakit ma, ano po bang nakakapagod sa pag alaga sa anak ninyo? Di lang pala basta anak, sa anak nyong pinagsisilbihan kayo. Ano po bang sakit ko ha ?!” sabi ko.

Bastusan na kung bastusan, pero di ko na kaya yung mga sinasabi ni mama. Minsan lang ako sumagot sagot kaya itotodo ko na toh.

“aba ! aba! Ang lakas ng loob mong sumagot sagot?! Ginagastusan ka na nga ! may kidney failure ka! Malala yung sakit mo! Kain ka kasi ng kain ng kung anu ano. Kain ng noodles, softdrinks!! Chichiria!!! Ayan napapala mo!” sabi ni mama

Ano? Ako pa may kasalanan nun ? eh hindi nyo nga ako madalas pinapakain. Nakakain ko nalang cup noodles, tsaka chichiria. Wala akong choice kesa mamatay ako sa gutom noh!

“ ah ganun po ba ma, cge. Uwe na po tayo. sayang nga naman po yung pera nyo para sakin.” Sabi ko.

Tumayo na ako. Hinatak ko ung karayom na nakatusok sa kaliwang kamay ko.

Bahala na. dumeretso na ako sa banyo at nagbihis. Kahit nahihilo pa ako. Pinilit kong ayusin na lahat ng mga gamit. Si mama naman umalis. Binayaran na ata yung billings dito sa hospital. Uuwe nalang ako. Kesa naman nagpapagling ako dito sa ospital pero.. kinokonsensya ako... 

Behind These Smiles... (ShortStory)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon