"It's not an ordinary day when something strange or special happens to you"
Mag-isa nalang ako dito sa office. Alas otso na ng gabi. Kanina pang ala-sais nag-uwian ang mga officemates ko. "OT" ako tuwing Lunes, hindi ako nasamahan ni Claire ngayon dahil may lagnat ang anak niya.
"Hhaaaaaaaa" \(•o•)/ -pag-uunat ko dahil sa pangangalay sa pagkakaupo.
Masilip muna nga ang Facebook ko.
(2 friend requests / 18 notifications / 2 messages)
Inuna kong buksan ang Friend requests."Sino kaya tong mga to?"
(Jonalyn Biray-6 mutual friends)
(Regine Quintos-10 mutual friends)"Ohw,i know these girls, sila yung mga pinakilala sakin ni Ate Angel! Ok. Confirm!"
Sinunod ko naman ang notifs ko:
-#aldub updated their status: may forever talaga sa Aldub! 💓💓💓
-Claire Espante updated her status: pagaling ka na baby Josh, mommy and mamu are here for you.-feeling worried.
-Gian Velasco is watching Mission Impossible at Robinsons MagnoliaAt kung ano-ano pang updates and change of their profile pics.
Wait, may message nga pala ako..
-Maribel Dunga sent a photo.Hay sa wakas! nasend din ni Ms. Maribel ang I.D. niya..
-downloading
-opening file
-printing
Ok done!Pagtingin ko sa oras, 8:30 na pala. Nag log-out na ko sa Facebook then ng computer. Pagkatos ay nagligpit na ako ng table ko. Nag-ayos ako kaunti ng mukha at nilock ko na ang drawer ko. Ipinasok ko na ang susi at phone ko sa shoulder bag ko. I turned off the lights at isinara na ang pinto ng accounting department. Bumaba ako sa may lounge na wala ng tao. Napakatahimik ng building pag ganitong oras na. Pagbaba ko sa may garahe, andun pa si Mang Ants (short for Antonio) ang mabait na gwardiya ng AXTON PRIMA Building.
"Bye Mang Ants! See you"...pagpapaalam ko.
"Cgeh po Ma'am Maine. Ingat po kayo.." mabait naman niyang sagot saken at as usual amoy sigarilyo siya.
Naglakad ako ng mga 15 hakbang papuntang sakayan ng dyip. Pinara ko ang byaheng Project 8 papuntang Munoz. Umupo ako sa bandang gitna sa tabi ng isang Ale na medyo may edad na. Sa harap ko may magkaholding hands na mga estudyante, parang nasa 1st year palang cla. Sa tabi nila may mag-Ate naman na nagkukulitan.
"Uuuuhuum! Wulung porber..uuuhum uhum" ubo nung kapatid na lalake na mga nasa 13 yrs. old.
Nagpipigil naman sa tawa ang ate niya habang pinagbabawalan ang kapatid. Ako lang ata ang nakapansin sa kakulitan nila. May itsura naman yung kapatid na lalake at yung ate niya, mukhang mabait pero medyo maarte . Kanina pa kasi siya tissue ng tissue. Naubos na ata niya ang isang pack niya ng facial tissue. Sensitive siguro ang face ni ate.
Napatingin naman ako sa labas sa may bintana. Marami pa ring mga tao at sasayan. Malamig din ang hangin dahil kakatapos lang ng ulan.
Nag-U-turn ang sinasakyan kong dyip sa may harapan ng Farmers Mall. Tumingin ako sa may harapan ko, nakababa na pala yung "HHWS" (holding hands while sitting) na highschoolers, di ko napansin.
"Manong para po sa tabe" sabi ni ateng tissue.
Bumaba na silang magkapatid. Mga 7 pa kaming naiwan sa dyip kasama ang kanina ko pang katabi na ale... Wala na kong energing mangilatis, medyo naramdaman ko na ang pagod. Tiningnan ko ang relo ko, 9:05 pm na. Lumingon ako sa labas, malapit na pala akong bumaba. Sa may Walt Z (mall) ang baba ko. Hinila ko ang tali na nakasabit sa may kisame ng dyip. May tumunog na parang bell sa may drivers seat at inihinto ni kuya sa tabi ang sasakyan.
"Sandali lang po." sabi ko habang nakayuko pababa ng dyip.
Pagkakita ko sa mga nakahilerang tindahan ng Cds, naalala ko ang text ng pinsan ko kanina.
"Ate Mae, pakibili naman po ako nung korean series. Ang title ay "Waking Up To Reality". Bago lang yun e..Maganda daw! Nakakakilig! Pinanood ko nga po yung trailer! Grabeh! Sige na Ate.. Matagal pa kasi yun ipalabas sa Tv. Kakatapos lang po sa Korea. Thank you! Lab yow! Mwaaah! 💕💕"
Nangiti na naman ako sa pagkakaalala. Naiimagine ko kasi yung mukha niya habang sinasabi yun. May gestures pa at talagang kilig na kilig siya sa mga koreannovelas.
"Kuya, meron na ba kayo nung korean na "Waking Up To Reality"?. Tanong ko kay kuya na nagbabantay sa may bilihan ng cds.
"Ah..yung bago Ms.? Teka...Buknoy! Meron ba tayo nung bagong korean? Yung... Ano.."sabi ni kuya sa kasama niya na nasa kabilang banda ng tindahan.
"Anu?!" Tanong naman nung tinawag na Buknoy.
"Yung ano...." Sabi ulit ni kuya.
"Waking up to reality po" sabi ko
"Oo yun! Wekeng Up to...." Sabi ni kuya.
"Ay.. Miron! Wet lang." Sabi nung Buknoy pagkatapos ay naghalungkat na sa mga Cds.
"Ay itu pu uh." Sabi niya at iniabot kay kuya ang nahanap na cd.
"Itry natin Ms." Sabi ni kuya pagkatapos ay ipinasok ang cd sa player.
Malinaw naman at maganda rin ang sounds. Finorward ni kuya sa may nagsasalita para makita ang Subtitle. Maayos din naman ang subtitle.
"Okay na po yan kuya." Sabi ko.
Kumuha ako ng 50 pesos sa wallet ko at iniabot kay kuya.
"Eto po ang bayad. Salamat".
Kinuha ko ang cd na nakaplastic na kulay black at hinintay ang 10 pesos na sukli ko.
Naglakad na ako ng mga 50 steps mula sa bilihan ng cds at nasa harap na ako ngayon ng building ng apartment na inuupahan ko.
"Good ebning po maam." Bati sakin ni Mang Anths (short for Anthony) (guard)
Sa 3rd floor pa ang apartment ko. Habang naghihintay ng elevator, kinuha ko ang cellphone ko sa bag. Pinress ko ang lock button at pagkatapos ay ang pin ko (••••).Pagkabukas ng cellphone ko, may 5 misscalls ako galing kay mama.
"Si mama talaga...grabe makamissed call". Sabi ko sa sarili ko.
Kung hindi lang ako sanay sa matiyagang pagtatawag ni mama, kakabahan ako e. Tatawagan ko nalang siya pagdating sa apartment.
Binuksan ko naman sumunod ang messenger ko.....
💁 Maribel: sent a photo.
🎸 ALDEN: Hi! 😊
👱 Gian: Andito ako Robmag."Kapag napansin ka ng crush mo, yung feeling na: OMG! Hi daw! Baket?!
#kiligtothebones (#KTTB)
😽😽😽😽😽
BINABASA MO ANG
Waking Up To Reality
FanfictionMan-woman, Boyfriend-girlfriend, Honeypie-sweetheart, heart-love. Magsasama habambuhay, till death do they part. #mybetterhalf #oneNonly #mayforever #tilltheendoftime Totoo ba? Masaya raw at makulay ang buhay kapag kasama mo si "the one". Kaya maram...