The Last Blind Date
By: Katey Pie
[A/N: Hi readers! Kamusta kayo? First time ko po to maka pag publish ng story ditto. So sana, magustohan nyo po. At the same time, sana ma enjoy kayo. (^_^)]
CHAPTER I
“HOY, LAWRENCE SANTIAGO!!! HINDING-HINDI AKO MAG KAKAGUSTO SA ISANG TULAD MO!!!! NAPAKAMANYAK MO! ANG YABANG MO!!!”
“ TINGNAN LANG NATIN MISS RAMOS! NAG SISIMULA PALANG TAYO.” Ningitian nya ako ng nakakaloko, saka tuloyan nang umalis papalayo. Nakakainis talaga sya! Kung hindi lang sya gwapo, baka napatay ko na yun! Argggghhh! Ano ba talaga? Ano ba talaga ang nararamdaman ko para sa kanya?
Hi! Ako pala si Kaitlyn Ramos, isang 3rd year Fashion Designing student sa Illyria University. Isa akong mabuting istudyante at masunorin na anak sa parents ko, only child lang kasi ako sa family. Meron akong tatlong matatalik na kaibigan, at mahal na mahal ko sila. Sa totoo lang, perfect na sana ang buhay ko eh. Dahil meron akong mapag mahal na parents, supportive na mga kaibigan, maganda at malaking bahay na may kotse pa! Kaso lang, may kulang parin eh. Kulang parin yung taong makapag papasaya sakin habang buhay. Di naman sa di talaga ako nag karoon ng boyfriend, noon yun, meron ako. Kaso lang nag hiwalay kami, dahil sa isang simpleng rason – SELOS. Abay, nag selos ba naman sa kaklase ko. At worst, mas pinaniwalaan nya yung chismis kesa sakin. Napakasakit nun, almost 2 years narin kaming wala, at hindi na nag kikita. Balita ko, nandoon na sya ngayon sa States, good for him. Masyado akong affected nung nawala sya. Halos araw-araw umiiyak ako at di makatulog tuwing gabi. Palagi ako ni-rereto ni mommy sa mga blind date para daw maka hanap ako ng maging bagong ka-relasyon, pero it’s not helping, wala talaga until that time na nakilala ko sya at naka blind date ko sya. . .
2 MONTHS EARLIER. . . .
Nag mamadali akong pumasok ng klase nun, dahil alam kong 10 minutes late na ako. Only to find out wala naman palang class sa first period ko. Anak ng tinapa naman oh!! Di man lang nila ako nagawang i-text, kainis! Pumunta ako sa canteen, nandoon lang pala ang mga engot kong kaibigan. Unfair talaga, nauto na naman ako. Kainis talaga!
“Pasensya kana Kaitlyn ha. Naubosan na kami kasi ng load kaya di kana namin naitext.”- Angeline.
“Oo nga Kaitlyn, sorry talaga ha.” - Clarisse.
“Hahahahahaha! Nakakatawa talaga.”- Mel.
“Mga walang hiya! Edi sana natulog nalang muna ako. Sa susunod kung ako makakatrip, patay kayo sakin.”- Ako
At tumawa nalang sila ng tumawa, nakakapikon talaga! Hmp! Habang kumakain na kami ng snacks namin, may bigla akong na alala.
“Sya yung lalaki nakita ko kagabi sa restaurant?”- Ako
“Ha? Sino?”-Angeline.
“Yan hu.” Tinuro ko naman sa kanila.
“Ahhhh, si Lawrence ba ka mo? Kakalase ko yan sa English 6, ang hot nya noh?”- Clarisse
“Hot?! Eh, di ko nga Makita kung saan banda yan naging hot.” Saway ko naman.
“Sus! Bakit mo nga pala sya nakita sa isang restaurant?”- Mel.
“Kasi, alam nyo na. Yung palagi pina pagawa ng mom ko sakin.”- Ako
“Ahhhhhh. BLIND DATE. Huh?! Sya ba ka blind date mo kagabi?!!!” sigaw naman nila in chorus.
“Sssssssh! Ano ba kayo? Baka marinig tayo dito ang ingay, ingay nyo!” tiningnan lang nila ako na parang nag aabang sa susunod kong sasabihin.
“Okay, mag kasabay kami kagabi sa restaurant. Meron syang ka date at sa palagay ko girlfriend nya yun.”- Ako